Alina’s POVSa wakas ay nakawala na si mama sa pananabunot ni Tita Camilla. Nakita ko sa mukha ng mama ko na nasaktan siya sa ginawa ni Tita Camilla. Lalo atang nag-init ang ulo ni mama, bigla niyang tinadyakan sa mukha si Tita Camilla. Nabuwal ito sa damuhan. Sinakyan ni mama sa tiyan ang bruhang tiyahin ko at saka niya ito pinaulanan nang sunod-sunod na sampal sa mukha nito. Kung minsan, hinahaluan niya ito ng suntok kaya natatawa kami ni Corvus. Tama ako, nag-init lalo si mama dahil sa nangyari. Kaawa-awa ang sinapit ng bruha.“Nagkamali ako ng tingin kay mama. Malakas pala siya at magaling. Nagulat ako sa husay niya sa pakikipaglaban. Kahit nasaktan na siya ni Camilla ng ilang beses, hindi siya sumusuko. Gumagawa siya ng paraan para makaganti,” puri ni Corvus kay mama.Nung halos mawalan na ng malay-tao si Tita Camilla, pinigil na si mama ng mga tauhan namin. Sumuko na rin kasi si Tita Camilla kasi tinataas na nito ang kamay niya. Naligo sa sarili niyang dugo si Tita Camilla. Basa
Alina’s POVNag-invite ng media si Nacho sa bahay niya. Lahat kami, nakatutok sa tv habang pinapanuod ang sinisiwalat niya sa mga tao. Sinabi niya na sina Tita Camilla at Emma ang may pakana nang pagkalaglag ko sa veranda ng penthouse ko. Inamin din niya na binayaran siya ng mga ‘to para itahimik ang bibig niya. Ginawa niya raw ang lahat para itikom ang bibig at para hindi umamin. Nasilaw daw siya sa malaking pera na binigay nila. Kahit nga raw ang mga magulang niya ay hindi alam ang tungkol doon. Ingat na ingat din daw siyang marinig ng mga kasambahay niya sa bahay nila ang tungkol sa sikreto na ‘yon. Nagsisisi na rin daw siya na ginamit niya lang ako para sa yaman. Ang goal niya raw talaga ay yumaman at makapagpatayo ng malaking business kaya kinuha niya ang loob ko. Iyon daw talaga ang goal nila ng mga magulang niya. Hindi ko rin inaasahang aamin siya sa mga live sa tv na isa siyang bakla. Na ang totoo, sa kapwa lalaki siya nai-inlove.Tumutulo ang luha ko habang nagsasalita siya s
Corvus’ POVNapakunot ang noo ko nang makita kong magandang-maganda ang pagkakaayos ng garden ng mansiyon ni Alina ngayong gabi. Kaninang umaga, sinabihan niya ako na sa kanila kaming dalawa magdi-dinner kasi may mahalaga raw siyang sasabihin sa akin. Kinabahan naman ako kasi baka mag-iibang bansa na siya o baka may sakit siya. Habang kumakain tuloy kami ni Geronimo nung tanghali, isip-isip ko na kung ano ang sasabihin niya.Pero pagdating ko rito, hindi ko inaasahan na may hinanda siyang romantic dinner. Napakaliwanag ng buong garden. May romantic music pang tumutundog. Sa totoo lang, lalaki dapat ang gumagawa nito, hindi ang babae. Pero dahil narito na at nagawa na niya, wala na akong nagawa.“Sa wakas, nandito ka na,” sabi niya nang lumabas na rin siya sa isang gilid. Mukhang kanina pa siya nakaabang sa akin. Pinagmasdan ko ang itsura niya. Napakaganda niya sa suot niyang puting dress. Tapos nakapusod pa ang buhok niya. Kitang-kita ko tuloy ang mala-anghel niyang mukha. Kahit walang
Corvus’ POVPumasok si Alina sa kuwarto ko habang abala ako sa pagla-laptop. Inaasikaso ko kasi ‘yung ibang business na naiwan sa akin ni Lola. Mga business na wala na talagang ibang hahawak kundi ako. Sa buong linggo na dumaan, isa-isa kong na-meet ang mga business partner ni lola nung nabubuhay pa siya. At bilang nag-iisa niyang apo na nabubuhay sa mundong ‘to, wala na rin silang nagawa kundi tanggapin at kilalanin ako. Wala namang naging problema kasi maaayos silang kausap. Ngayon, busy na lang ako sa pag-aayos ng mga dapat ayusin. Natambakan kasi ako ng mga trabahong naiwan ni lola. Hindi tuloy ako makapaniwala na nakakayang gawin ito ni lola, lalo na’t napakarami pala niyang inaasikaso. Sa tulong ni Alina at ni White lady, nagagawa ko naman ang mga dapat kong gawin. Aminado rin kasi ako na hindi ako marunong sa paghawak ng mga business, lalo na’t baguhan palang ako sa ganito.“Oh, ano’t ganiyan ka makatingin?” tanong ko sa kaniya nang lapitan niya ako.“Isang linggo ka nang nakaha
Corvus’ POV“Oh, ayan, okay na ba sa ‘yo ang ganitong kalawak na beach front? Parang mas maganda na ata itong napuntahan natin?” tanong ni Geronimo pagdating namin sa ika-sampung beach resort na pinuntahan namin.Tumingin ako sa buong paligid. Sa lahat ng beach front na napuntahan namin, parang ito na ata ‘yung pinakamaganda sa lahat. Tama si Geronimo.Sampung beach na ang napuntahan namin. Napuntahan namin ang mga ito ng walang kahirap-hirap. Gumawa kasi ako ng portal para mas madali ang travel namin.“Teka, anong lugar nga pala ‘to?” tanong ni Geronimo sa akin. Naalala ko tuloy nung unang beses na pinakita ko sa kaniya ang kakayahan ko. Gulat na gulat siya. Anong klaseng tao raw ba ako? Maligno raw ba ako o demonyo? Tawang-tawa talaga ako sa kaniya. Mabuti na lang at nasanay na rin siya sa akin.“Zambales ito,” sagot ko sa kaniya.“Kaya pala maganda,” sabi niya habang palibot-libot din ang tingin sa buong paligid.Sobrang asul nung tubig, tapos ang pino nung mga buhangin. Hindi rin
Alina’s POVIsang nakakagulat na balita ang natanggap ko ngayong umaga. Si Tita Camilla at Emma kasi ay natagpuang walang buhay sa mga selda nila. Hindi alam kung anong nangyari, pero pakiramdam ko, nagkaroon sila ng mga kaaway doon at baka kapwa preso ang pumaslang sa kanila. Gusto ko sanang matuwa, kaya lang mas gusto ko sana na mahabang panahon pa silang makulong doon para mapagbayaran nila ang lahat ng mga kasalanan nila. Kaya lang, wala na, hindi na mangyayari ‘yon kasi tuluyan na silang lumisan sa mundong ‘to.Hindi ko na muna ito ipapaalam kay Thomas kasi baka kung ano na naman ang mangyari sa kaniya. Sa ngayon, maganda-ganda na ang pag-iisip niya at bumubuti na rin ang lagay niya. Ayoko naman na mabalewala ang lahat nang pinaghirapan niya para lang gumaling na siya.“Papasok ka ba sa office mo, today?” tanong ni mama sa akin habang pababa na ako sa hagdan.Umiling ako. “Hindi po, magkikita po kasi kami ni Corvus. Araw po kasi ng date namin ngayon,” sagot ko sa kaniya. Ngumiti
Corvus’ POVSa madaling-araw, palagi na lang akong nagigising na may kamay na nakapasok sa brief ko, sa hapon naman kapag nakakatulog ako sa kama, nagigising ako na kinakain na ako ni Alina. Nakakatawang isipin pero huwag naman sana sa titë ko siya naglilihi. Baka naman maging kamukha ng ano ko ang maging anak namin. Pero, hindi, sabi kasi nila, kapag nagbubuntis ang isang tao, mas lalo raw talaga itong nagiging malibög. Madalas, hindi na siya nahihiyang may gawin sa akin ng walang paalam. Gustong-gusto ni Alina na may nangyayari pa rin sa amin kahit buntis na siya.“Nakita niyo po ba si Alina?” tanong ko kay white lady pagbaba ko sa ibaba ng mansiyon. Kagigising ko lang kasi. Pagkagising ko kanina, wala na naman akong suot na panjama at underwear. Sa tingin ko ay hindi ako nagising kanina nung mukbangin na naman ako ni Alina.“Nasa garden, tumitingin-tingin ng mga bulaklak doon,” sagot niya.Lumabas ako para tignan siya. Tama si white lady kasi naroon nga siya. Abala ito sa pagkuha n
Corvus’ POVTahimik na sa buong paligid. Patay ang mga ilaw sa buong manisyon. Tanging mga insekto na lang ang maririnig sa buong paligid. Ngayon, nakaluhod na ako sa gitna ng tahimik na garden ng mansiyon, habang ang liwanag ng buwan ay banayad na bumabagsak sa paligid ko. Hawak ko sa aking kamay ang isang maliit na kristal na bulaklak na pinitas ko kanina—ito ang simbolo ng aking koneksyon bilang kalahating tao at kalahating fairy. Dahan-dahan, inilalagay ko ito sa aking noo, sa gitna ng aking mga kilay kung saan naroon ang lugar ng ikatlong mata ko. Huminga ako nang malalim at saka ko sinapuso ang bawat paghinga. Nagsimula na rin akong bigkasin ang magic spell na galing sa libro.“Mata ng kaloob-looban sa gitna ng aking noo, magbukas ka.”Paulit-ulit ko itong binibigkas, at sa bawat pag-ulit ko, naramdaman ko ang kakaibang enerhiyang dumadaloy mula sa lupa. Ang libro na nasa damuhan ay nagpakawala na rin ng paunti-unting liwanag. Sumasampa ito papunta sa aking katawan na umaabot sa