Share

Kabanata 84

Alina’s POV

Gamit ang portal na ginawa ni Corvus, nakarating kami sa bahay ng peke kong kaibigan na si Geneva. Narito ako ngayon sa loob ng kuwarto niya kasama si Corvus.

“Anong gusto mong mangyari, Alina?” mahinang tanong sa akin ni Corvus.

“Gusto kong gumanti nang hindi niya nalalaman na ako ang gumanti sa kaniya. Sunugin natin itong bahay niya habang nasa loob siya ng banyo. Alam kong makakaligtas siya pero para sa akin, sapat na ang mawalan siya ng bahay bilang ganti ko dahil sa ginawa niya sa akin. Sabi ni Thomas, inutusan daw ni Emma si Geneva na lagyan ng pampatulog ang kape ko nung araw na dapat ay ikakasal ako kay Nacho. Pero hindi pala totoo na si Geneva ang nagtulak sa akin. Ibang tao ang gumawa niyon. At dahil kasali pa rin sa nanggago sa akin si Geneva, gagantihan ko pa rin siya ng doble-doble.

“Kung ganoon, mag-uumpisa na ako,” sabi ni Corvus.

Maya maya, bigla-bigla na lang nagkaroon ng apoy sa iba’t ibang parte ng kuwarto niya. Mabilis napakalat ni Corvus ang fire magic
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status