Alina’s POVNandito ako sa white house ni white lady, este ni Madam Imelda na pala. Nasa room ako ngayon ng katawan ko. Nakakatuwang makita sa personal ang sarili kong katawan. Para lang akong natutulog habang nakahiga sa kama. Maya’t maya ay sinisilip ako ng mga private nurse at ng doctor na taga Australia. Talagang ginagawa nila ang lahat para mapabuti ang lagay ng katawan ko. Dati raw ay itim na ang kulay ng mga labi ko, ngayon nagiging pink na kaya maging senyales ito na um-okay na ang lagay ng katawan ko.“Ang hindi ko lang ma-gets, bakit may kakahayan ka pa ring makakita ng mga gaya kong kaluluwa pa rin kahit buhay ka naman na?” tanong ko kay Madam Imelda nang lapitan ko siya rito sa garden niyang punong-puno ng iba’t ibang mababangong bulaklak. Abala siya sa pagtatanggal ng mga tuyong bulaklak at tuyong mga dahon.“Siguro ay dahil hindi ko naman talaga katawan itong katawan ng trillionaire na ‘to,” sagot niya saka pumitas ng isang bulaklak na kulay puti. Inamoy-amoy niya ito sa
Corvus’ POVSabi ni Miss Alina, deserve kong mag-rest day, today. Kaya naman ngayong araw, naisipan kong magbahay na lang muna. Abala rin daw kasi sila ni Madam Imelda sa white house na ‘yon. Hindi naman nabanggit ni Miss Alina kung bakit busy sila. Kahapon ay sumuweldo na ulit ako kay Miss Alina. Ganoon din kay Nacho, kaya marami-rami akong pera ngayon. Imbis mamahinga sa bahay, naisipan ko tuloy pumunta sa mall para mamili ng mga bagay na gusto kong bilhin. Ito ‘yung masasabi kong deserve para sa akin.Nag-motor lang ako kasi kaya ko naman. Hindi pa naman mainit nung umalis ako sa bahay kaya smooth na smooth lang ang biyahe ko patungo sa malapit na mall dito. Pagdating ko naman sa mall, sakto naman na nagbubukas na ito. Marami na ring tao ang nag-aabang. Karamihan sa mga nakasabay ko ay mga kukuha ng passport. Sa mga mall kasi ngayon ay may kuhanan na ng mga passport.Dahil hindi pa ako nag-aalmusal, nag-almusal muna ako sa kainan na nakitang bukas na rito. Nakakita ako ng chinese r
Alina’s POVI am here at Helena’s house. When I heard from Corvus what happened to her, I felt sad. Mabagal pa ang paglalakad ko nun papunta sa kuwarto niya. Ayokong maniwala kay Corvus. Inisip ko na baka gawa-gawa niya lang ang sinabi niya pero pagdating ko rito sa bahay niya, maraming tao ang nasa labas. Agad na kumalat ang nangyari kay Helena kaya alisto naman ang mga reporter na agad namang tumungo rito.Nung una, inisip ko na baka magaya siya sa akin. Na baka maging ligaw na kaluluwa rin siya. Kaya lang pagkakita ko sa katawan niya, wala na. Maitim na ang mga labi niya, tapos matigas na ang katawan niya. Talagang wala na siya kaya nalungkot ako ng husto. Even though I found out that she also planned to take my wealth, my anger disappeared upon finding out that I had lost the only best friend I had been with for a long time.Alam ko hindi niya magagawang magpakamatay. Marami pa siyang gustong gawin sa buhay niya kaya imposibleng kitilin niya ang sarili niyang buhay. Ganitong-ganit
Corvus’ POVNasa bahay lang ako at nakahiga sa kama. Tila ako kaawa-awa ngayon kasi walang nag-aalaga. Ang taas ng lagnat ko, halos hindi ko makuhang bumangon para kumain o uminom ng gamot. Nilagnat ako dahil sa pag-stay ko sa labas ng mansiyon ni Madam Imelda. Ayaw nila akong papasukin doon. Pilit akong tinataboy ng mga security guard. Halos naulanan tuloy ako roon ng limang oras dahil sa paghihintay ko roon. Limang araw na kasing walang paramdam si Miss Alina. Nag-aalala na ako sa kaniya. Naiisip ko na baka may nangyari ng hindi maganda sa kaniya.Kaninang umaga, pagkagising ko, ganito na ako. Inaapoy na ng lagnat.Tumawag sa akin kanina si Nacho. Tinanong niya kung bakit hindi ako pumasok. Sinabi ko na lang ang totoo sa kaniya na nilalagnat ako ngayon kaya hindi ko nakapasok. Naintindihan naman niya kaya pumayag siya na hindi na muna ako pumasok sa trabaho ko sa kaniya.Balot na balot ako ng kumot. Gusto ko sanang isara na ang aircon, kaya lang mainam din kasi sa may lagnat ang nak
Corvus’ POVMagaling na ako kinabukasan kaya nagawa ko nang makatayo. Salamat kay Nacho kasi malaking tulong ang nagawa niya para mapabilis ang paggaling ko. Gabi na nung umuwi si Nacho kagabi. Kagabi rin, narinig kong may kausap siya sa phone. Siguro akala niya ay tulog pa rin ako. Narinig ko na may kausap siyang tao. Pilit niyang sinasabi sa kausap niya na wala siyang kinalaman sa pagkamatay ng fiance niyang si Miss Alina. Napapamura pa siya kasi hindi niya matanggap na siya ang pinagbibintangan ng kausap niya sa pagkawala ni Miss Alina. Ang gusto kong malaman ay kung sino ang kausap niya sa cellphone? Sino ang nagbibintang sa kaniya?Ngayong umaga, nandito ulit ako sa labas ng bahay ni Madam Imelda.“Ikaw na naman?! Bakit ba ang kulit-kulit mo?” galit na tanong sa akin ng isang security guard.“Si Alina, kailangan ko siyang makita kasi. Nandiyan siya sa loob ng manisyon na ‘yan. Bakit ba kasi ayaw ninyong maniwala sa akin?” iritado kong sabi sa kanila. Hindi ko rin kasi masabi na k
Corvus’ POVTotoo ang sinabi ni Madam Imelda na stable na ang lagay ng katawan ni Miss Alina. Ang galing kasi taga-ibang bansa o may lahi pa ‘yung doctor na tumitingin sa kaniya. Ang nurse naman na tumitingin sa kaniya ay tatlo-tatlo pa. Ginawa talaga ang lahat ni Madam Imelda para mapabuti ang lagay ng katawan ni Miss Alina. Isa siyang mabuting kaibigan ni Miss Alina.Pagpasok ko dito sa loob ng room niya, hinayaan nila akong bigyan ng moment kasama ang wala pa ring malay-tao na si Miss Alina. Tumataas ang balahibo ko kasi ito ‘yung unang beses na nahawakan ko sa totoong buhay ang kamay niya. Hindi ko na siya nakikita bilang kaluluwa, kundi bilang tao na talaga. Ang lambot ng mga kamay niya. Saka, ang liit-liit talaga ng mukha niya. Para siyang birhen. Kahit comatose siya at natutulog ngayon, ang ganda-ganda niya pa rin. Gusto ko ngang magnakaw ng halik, kaya lang nahihiya ako.“Gumising ka na. Excited na akong makasama ka sa totoong buhay, Miss Alina,” sabi ko sa kaniya. Narinig ko
Corvus’ POVNagising ako na nakahiga na ako sa isang kama. Pagdilat ko, nasa isang magarang bedroom na ako. Dali-dali akong napabangon kasi inisip ko na baka kung saan na ako napunta. Pagbangon ko, sakto namang bumukas ang pinto at niluwa nito si Madam Imelda. Nagulat siya nang makitang gising na ako.“Corvus, ano bang nangyari sa ‘yo? Bakit nakita ka ng mga guard ko na wala ng malay sa loob ng sasakyan mo?”Nang itanong niya ‘yon, doon ko lang naalala ang nangyari. “Ang libro kasi biglang naglabas ng malakas na liwanag. Pagkatapos, pumasok ang liwanag na ‘yon sa loob ng katawan ko. Tapos, ayon na, nahimatay na ako at wala na akong naalala sa sunod na nangyari,” sagot ko sa kaniya. “Ano ba pong libro ‘yon at ganoon ang nangyari sa akin?” tanong ko pa sa kaniya.“Mukhang mahiwaga ang libro na ‘yon. Sa tingin ko ay may tinatagong mahika ang libro na ‘yon. Dapat mong pag-aralang mabuti ang libro. Sigurado akong may hiwagang tinatago ang libro na ‘yon,” sabi pa niya.Kahit na nahimatay ak
Corvus’ POVNasa isang maliwanag na lugar ako. Puting-puti ang lahat dito na para bang nasa ulap ako. Hindi ko alam kung nasaan ako. Pero pakiramdam ko ay patay na ako. Natatandaan ko kasi ang nangyari sa akin. Habang paikot-ikot ako dito at tinitignan kung nasaan ako, isang maliwanag na maliwanag na liwanag ang lumitaw mula sa harap ko. Napatakip ako ng mga kamay ko sa mata ko kasi ang sakit nito sa mata.“Sa wakas, natagpuan mo rin ang pamana ko sa ‘yo, Corvus,” dinig kong sabi ng isang boses ng matandang babae. Parang pamilya ang boses niya.“Sino ka? Bakit kilala mo ako?” tanong ko sa kaniya habang maliwanag pa rin ang buong paligid.“Nung bata ka, sinumpa ko ang ina mo na balang-araw, ikaw pa rin talaga ang magmamana ng mga dapat mong manahin sa akin kahit inilayo ka niya sa akin. Gumawa ako ng ritwal para sa ‘yo. Pero huwag kang mag-alala, regalo ko naman sa iyo ang ritwal na binigay ko sa iyo. Alam mo kung ano ‘yon?”“A-ano po 'yun?” tanong ko naman sa kaniya kasi napaisip tulo