Corvus’ POVHabang nasa kalagitnaan kami nang panunuod ng movie, nag-umpisa na akong mangharot kay Nacho. “Ikaw ba, Nacho, may mga seryosong sikreto ka bang tinatago?” tanong ko sa kaniya. Mabuti na lang at ‘yung pinapanuod namin ay tungkol sa malalang sikreto ang usapin. Kaya na-open ko bigla sa kaniya ang ganitong topic. Nang sa ganoon, magsabi na rin siya ng mga sikreto niya sa akin.“Yes, mayroon naman. Lahat naman siguro ng tao ay mayroon,” sagot niya kaya napangisi ako. Lalo tuloy akong ginaganahang mag-spy sa kaniya.“Ako, mayroon din, e. Malala rin, pero matagal ko nang binaon sa lupa. Ayoko na ngang naaalala ‘yon, kaya lang bigla kong naalala ulit dahil sa pinapanuod natin,” sabi ko sa kaniya para mag-umpisa na. Nang sa ganoon ay makapaglahad na rin siya sa akin ng sikreto niya. At sana, tungkol sa sikreto kay Miss Alina ang ilahad niya. “Noong highschool ako, nagawa kong magnȁkaw para sa pambaon ko,” sabi ko sa kaniya kahit hindi naman totoo. Wala namang kuwentang tao itong
Corvus’ POVNag-stay ako ng at least one hour sa isang coffee shop. Nagkape at kumain muna ako ng cookies. Hindi ako puwedeng umuwi at naiwan pa ang cellphone ko sa manisyon ni Nacho.Habang nandito ako, marami ang napapatingin sa akin habang nakaupo ako rito, lalo na ‘yung mga staff ng coffee shop. Maya maya, may lumapit na sa akin na staff, parang manager ata. Sinabi niya sa akin na kulang sila ng staff dito, bagay daw ako rito kasi matangkad at guwapo ako. Pansin din daw niya na pinagtitinginan ako ng mga customer dahil sa pagiging magandang lalaki ko. Ganoon pa naman daw ang hinahanap nila para lalong makakuha ng mga customer. Gusto ko sana, kasi malaki ang alok nila, kaya lang may trabaho akong mas maganda-ganda sa ngayon. Tumanggi ako at nagpasalamat na lang, pagkatapos ay bumalik na ako sa manisyon nila Nacho para balikan ang cellphone ko na naka-set up sa loob ng banyo ng gym niya. May isang oras at mahigit na kasi akong nakatambay sa coffee shop na ‘yon, nahihiya na rin ako.
Corvus’ POVIlang araw na ang lumilipas, wala pa ring paramdam si Miss Alina. Hindi ko alam kung anong nangyari. Nakabalik na ba siya sa katawan niya o tuluyan na siyang naglaho ng parang bula.Hindi na ako nire-reply-an ni Miss Helena sa mga tawag at message ko. Sinabi niya na baka wala na raw talaga si Alina, baka patay na ito kaya dapat daw na magpahinga na rin kami. Tanggapin na lang daw namin ang nangyari kasi wala na talaga si Miss Alina. Kinausap ko si Manong George, sabi naman nito ay wala siyang alam. Hindi siya umaamin na kinuha niya talaga ang katawan ni Miss Alina. Hindi ko tuloy alam kung ano bang nangyari sa kaniya at simula nung ihatid ko siya sa mansiyon na ‘yon, hindi na siya nagparamdam pang muli. Gusto kong sapakin at takutin si Manong George, kaya lang hindi ko magawa kasi nakakaawa rin ang buhay na mayroon siya. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya nakikita ang pamilya niya.“Bakit nag-aya kang uminom?” tanong ni Geronimo nung dumating siya sa bahay ko. May dala-dal
Corvus’ POVMabuti na lang at pinagbigyan ako ni Miss Helena na harapin ako ngayong hapon. Kung hindi ko pa i-message sa kaniya na alam ko ang ginawa niyang paghahakot sa kayamanan ni Miss Alina ay hindi pa niya ako papansinin. Ngayon, aalamin ko ang paliwanag niya.Galit siyang bumaba sa kotse niya. Pagtingin niya sa akin, parang ibang Helena na siya. Galit at parang mangangain. Nagbago na nga ata siya.“So, anong iniisip mo, na aangkinin ko ang yaman at pera ng kaibigan ko? Hindi ba puwedeng iningatan at tinago ko lang ang mga ‘yon sa ibang lugar kasi ikaw, ikaw ‘yung iniisip ko na baka may gawing hindi maganda. Sa ating dalawa, mas may karapatan akong itago ang mga mahahalagang bagay ni Alina. Kasi, bestfriend kami at ako lang ang pagkakatiwalaan niya. Tungkol naman sa papa niya, huwag kang mag-alala kasi ginagawa ko rin ang lahat para maalagaan siya.”Naiinis ako kasi parang lumabas bigla ang tunay niyang ugali simula nung sinabi ko sa kaniya na hindi na nagpapakita si Miss Alina.
Corvus’ POVPagbukas ko ng pinto ng bahay ko ay nagulat ako kasi si Miss Helena ay narito sa labas. Tumingin tuloy ako sa orasan. Nagulat ako nang makitang ala una na pala ng madaling-araw.“Anong ginagawa mo rito, umaga na ah?” tanong ko sa kaniya habang nakakunot ang noo ko. Nasa kasarapan pa naman ako ng tulog, saka pa siya katok nang katok sa pintuan ko. Para siyang walang isip. Hindi ba niya alam na nakakaabala siya.“C-corvus, g-galit ba t-talaga si t-twinzies sa akin?” tanong na niya habang bangenge ang itsura ng mukha. Ngayon ko lang naamoy ang hininga niya na halos amoy alak. Lasing pala siya kaya ganitong hindi iniisip ang ginagawa niya. Tinignan ko ang isang bodyguard niya na nasa likuran niya. Sinenyasan ko siya na lumapit sa amin.“Lasing na ang amo ninyo. Mabuti pa ay ihatid niyo na siya pauwi, bago pa ako tumawag ng pulis. Gabi na, nang-iistorbo pa kayo ng mga taong natutulog na,” sabi ko sa kaniya. Hindi na ako nahiyang magalit kasi nakakagalit naman talaga itong ginag
Alina’s POVKinuwento ko kay Corvus ang nangyari. Sinabi ko sa kaniya na nabuhay muli si white lady sa katayuan ng isang donya at mayamang single na matandang dalaga. Sabi ni White lady, trillionaire daw ito.Nakita niya raw kasi na gusto nitong magpakamatay na, kasi hindi siya gusto ng taong gusto niya. Kaya imbis na masayang ang katawan nito at ang pagiging mayaman na nilalang, ginawa niya ang ritwal na matagal na niyang pinag-aaralan. Nagulat na lang daw si white lady na gumana iyon. Naagaw niya ang katawan ng babaeng iyon kaya muli siyang nabuhay sa katauhan nito. Nagawa pa nga niyang makipag-usap sa kaluluwa nito. Mabuti na lang daw ay payag ito na agawin na lang niya ang katawan ng matandang dalaga. Gusto na rin daw nitong magpahinga kasi halos lahat naman na ay nagawa na niya sa mundong ibabaw. Pagod na rin siya. Hindi rin daw pala nakakatuwang maging mayaman na mayaman kasi parang wala ng thrill ang buhay. Na-enjoy naman na raw nito ang buong buhay niya kaya ipapaubaya na raw n
Corvus’s POVPumasok na ulit ako sa trabaho ko kay Nacho. Narito ako ngayon sa likod ng mansiyon na kung saan ay mayroong mga puno ng mangga. Lilim dito at mahangin. Ang gusto ni Nacho, magbuhat lang kami dito ng barbell. Ayaw niya nang naka-aircon kami. Gusto daw niyang maging tagaktak ang pawis namin ngayong araw kaya pumayag naman ako.Habang nagbubuhat kami, nag-start na akong makipag-usap sa kaniya. Mas gusto ko ‘yung nakakapag-usap kami para may update naman ako sa mga nangyayari sa kaniya kapag wala ako sa tabi niya. “Bakit, parang masyado kang tahimik ngayon?”Napatingin siya sa akin nang itanong ko ‘yon. “Parami nang parami ang mga taong nagpapa-stress sa akin, e,” walang gana niyang sagot saka ibinaba ang barbell na buhat-buhat niya. “Si Manong George, hindi na sumasagot sa mga tawag ko. Ilang araw na rin siyang hindi pumapasok sa trabaho niya sa akin. Kung minsan tuloy ay ako na ang nagda-drive sa sarili ko kapag pumapasok ako sa trabaho.”“Baka naman may sakit lang siya,”
Alina’s POVNandito ako sa white house ni white lady, este ni Madam Imelda na pala. Nasa room ako ngayon ng katawan ko. Nakakatuwang makita sa personal ang sarili kong katawan. Para lang akong natutulog habang nakahiga sa kama. Maya’t maya ay sinisilip ako ng mga private nurse at ng doctor na taga Australia. Talagang ginagawa nila ang lahat para mapabuti ang lagay ng katawan ko. Dati raw ay itim na ang kulay ng mga labi ko, ngayon nagiging pink na kaya maging senyales ito na um-okay na ang lagay ng katawan ko.“Ang hindi ko lang ma-gets, bakit may kakahayan ka pa ring makakita ng mga gaya kong kaluluwa pa rin kahit buhay ka naman na?” tanong ko kay Madam Imelda nang lapitan ko siya rito sa garden niyang punong-puno ng iba’t ibang mababangong bulaklak. Abala siya sa pagtatanggal ng mga tuyong bulaklak at tuyong mga dahon.“Siguro ay dahil hindi ko naman talaga katawan itong katawan ng trillionaire na ‘to,” sagot niya saka pumitas ng isang bulaklak na kulay puti. Inamoy-amoy niya ito sa