Share

Kabanata 48

Corvus’ POV

Pagkahatid ko kay Miss Alina sa tapat nung mansiyon na pinasok kagabi ni Manong George, tumuloy naman ako sa work ko kay Nacho. Ang mangyayari, kani-kaniya kaming mission ngayong araw. Siya, tutuklasing kung sino ang mayamang nilapitan ni Manong George kagabi, habang ako naman heto, may pinaplano kay Nacho. Plano ko na sa akin lang.

Dumating ako sa mansiyon nila Nacho na may bagong lamesang buhat-buhat ang mga tauhan niya. Nabanggit na sa akin ni Miss Alina ang ginawa niya rito. Hanggang ngayon, natatawa pa rin ako kasi kung minsan, kapag tinatamaan siya ng topak, si Nacho talaga ‘yung pinagdidiskitahan niya.

Nakita ako ni Nacho na naglalakad palapit sa mansiyon. Tumango ito at ngumiti sa akin, halatang bakla nga kasi iba siya tumingin, lalo na kapag nasa malayo.

Napansin kong may mga benda siya sa kamay. Tila nasugatan na naman siya dahil kay Miss Alina. ‘Yung mama at papa niya may mga benda rin pero hindi malala gaya ng kay Nacho. Mga kawawang nilalang, hindi nila alam n
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status