Corvus’ POVGusto kong tumulong kay Alina nang sarili kong desisyon. ‘Yung sa tingin ko ay makakatulong talaga ng husto sa kaniya. Naisip ko kasing maglalapit pa ng husto kay Nacho. Gusto kong alamin lahat ng baho at sikreto niya. Nang sa ganoon, sa oras na mabuhay ulit si Miss Alina, hawak na niya ang lahat ng alas niya laban sa taong ‘yon.Bahala na, siguro itataya ko na lang ang sarili ko para may makuha akong impormasyon kay Nacho. Kung anong hiling nito, gagawin ko pero kung kalabisan na, tama na. Ayokong magpabáboy sa kaniya. Isa pa, sisiguraduhin kong walang pagtatálik na magaganap. Hawak puwede pa, pero kung may lalala pa roon, hindi talaga puwede.Ngayong gabi, kasama ko na ulit si Miss Helena. Nandito na kami sa may street nila Manong George. Inaabangan na namin ang pag-alis niya kasi ganitong oras daw ito kung dumalaw sa ospital na kung saan ay dinala niya si Miss Alina. Handang-handa na kami ng kasama ko. Handa na naming tuklasin kung saan lugar naman ba niya nilagay ang k
Corvus’ POVPagkahatid ko kay Miss Alina sa tapat nung mansiyon na pinasok kagabi ni Manong George, tumuloy naman ako sa work ko kay Nacho. Ang mangyayari, kani-kaniya kaming mission ngayong araw. Siya, tutuklasing kung sino ang mayamang nilapitan ni Manong George kagabi, habang ako naman heto, may pinaplano kay Nacho. Plano ko na sa akin lang.Dumating ako sa mansiyon nila Nacho na may bagong lamesang buhat-buhat ang mga tauhan niya. Nabanggit na sa akin ni Miss Alina ang ginawa niya rito. Hanggang ngayon, natatawa pa rin ako kasi kung minsan, kapag tinatamaan siya ng topak, si Nacho talaga ‘yung pinagdidiskitahan niya.Nakita ako ni Nacho na naglalakad palapit sa mansiyon. Tumango ito at ngumiti sa akin, halatang bakla nga kasi iba siya tumingin, lalo na kapag nasa malayo.Napansin kong may mga benda siya sa kamay. Tila nasugatan na naman siya dahil kay Miss Alina. ‘Yung mama at papa niya may mga benda rin pero hindi malala gaya ng kay Nacho. Mga kawawang nilalang, hindi nila alam n
Corvus’ POVTapos na kaming mag-gym, pauwi na dapat ako pero ayoko pang umuwi. Wala pa kasing progress ‘yung planong kinakasa ko sa kaniya. Ayokong umuwi na wala manlang magagawa.“Salamat, Corvus, sa susunod na raw ulit,” sabi niya sa akin nung alam niyang uuwi na ako. Siyempre, gumawa na agad ako ng eksena. Bumuntong hininga ako at pinakita ko na biglang nalungkot ang mukha ko. “Oh, bakit? May problema ba?” tanong na niya kaya ito na ‘yung punto na kailangan kong gumawa ng kuwento.“Hindi ko pa kasi trip umuwi sa bahay,” sabi ko sa kaniya kaya lalo kong pinalungkot ang mukha ko. Mukha namang effective ang ginagawa ko kasi bigla niyang hinila ang braso ko papunta sa garden nila. May bench doon, naupo kami roon at saka kami nag-usap.“Bakit, ano bang problema, Corvus? Sige, sabihin mo,” sabi niya habang seryosong nakatingin sa akin.“May kaibigan akong lalaki na sobrang close ko. Nag-away kami kagabi. Simula pa pagkabata, magkaibigan na kami. Siya ang may mali, nang-away nalang siya b
Alina’s POVHindi agad ako nakapasok sa loob ng manisyon kasi namangha ako sa ganda ng garden dito sa labas. Nakapapangiti ako sa mga nakikita ko. Ang daming bulaklak, humahalimuyak sa buong paligid ang bango ng mga bulaklak. Habang nag-e-enjoy ako sa pag-amoy sa mga bulaklak, nahinto na lang ako bigla sa paglalakad, late ko na napagtantong naaamoy ko ang mga bulalak. Ang pagkakaalam ko, hindi na ako nakakaamoy ng kahit ano. Bakit ganoon? Paano nangyaring naaamoy ko ang mga bulaklak dito? Ano bang lugar ito at tila ba may kakaibang mga pangyayaring nagaganap dito?Sakto naman na pagdating ko sa pinakapinto ng mansiyon, nakita kong palabas dito si Manong George. Masaya siya na tila ba may biyayang natanggap. Kaya naman pala, may hawak pala siyang pera kaya ito nakangiti ngayon. Ang kapal ng pera na iyon na tila sa tingin ko ay milyon ang halaga.“Ayos! Sabi na, e, suwerte talaga ang dala nitong katawan ni Miss Alina. Bukod sa may chance na siyang mabuhay, magkakaroon pa kami ng malaka
Corvus’ POVHabang nasa kalagitnaan kami nang panunuod ng movie, nag-umpisa na akong mangharot kay Nacho. “Ikaw ba, Nacho, may mga seryosong sikreto ka bang tinatago?” tanong ko sa kaniya. Mabuti na lang at ‘yung pinapanuod namin ay tungkol sa malalang sikreto ang usapin. Kaya na-open ko bigla sa kaniya ang ganitong topic. Nang sa ganoon, magsabi na rin siya ng mga sikreto niya sa akin.“Yes, mayroon naman. Lahat naman siguro ng tao ay mayroon,” sagot niya kaya napangisi ako. Lalo tuloy akong ginaganahang mag-spy sa kaniya.“Ako, mayroon din, e. Malala rin, pero matagal ko nang binaon sa lupa. Ayoko na ngang naaalala ‘yon, kaya lang bigla kong naalala ulit dahil sa pinapanuod natin,” sabi ko sa kaniya para mag-umpisa na. Nang sa ganoon ay makapaglahad na rin siya sa akin ng sikreto niya. At sana, tungkol sa sikreto kay Miss Alina ang ilahad niya. “Noong highschool ako, nagawa kong magnȁkaw para sa pambaon ko,” sabi ko sa kaniya kahit hindi naman totoo. Wala namang kuwentang tao itong
Corvus’ POVNag-stay ako ng at least one hour sa isang coffee shop. Nagkape at kumain muna ako ng cookies. Hindi ako puwedeng umuwi at naiwan pa ang cellphone ko sa manisyon ni Nacho.Habang nandito ako, marami ang napapatingin sa akin habang nakaupo ako rito, lalo na ‘yung mga staff ng coffee shop. Maya maya, may lumapit na sa akin na staff, parang manager ata. Sinabi niya sa akin na kulang sila ng staff dito, bagay daw ako rito kasi matangkad at guwapo ako. Pansin din daw niya na pinagtitinginan ako ng mga customer dahil sa pagiging magandang lalaki ko. Ganoon pa naman daw ang hinahanap nila para lalong makakuha ng mga customer. Gusto ko sana, kasi malaki ang alok nila, kaya lang may trabaho akong mas maganda-ganda sa ngayon. Tumanggi ako at nagpasalamat na lang, pagkatapos ay bumalik na ako sa manisyon nila Nacho para balikan ang cellphone ko na naka-set up sa loob ng banyo ng gym niya. May isang oras at mahigit na kasi akong nakatambay sa coffee shop na ‘yon, nahihiya na rin ako.
Corvus’ POVIlang araw na ang lumilipas, wala pa ring paramdam si Miss Alina. Hindi ko alam kung anong nangyari. Nakabalik na ba siya sa katawan niya o tuluyan na siyang naglaho ng parang bula.Hindi na ako nire-reply-an ni Miss Helena sa mga tawag at message ko. Sinabi niya na baka wala na raw talaga si Alina, baka patay na ito kaya dapat daw na magpahinga na rin kami. Tanggapin na lang daw namin ang nangyari kasi wala na talaga si Miss Alina. Kinausap ko si Manong George, sabi naman nito ay wala siyang alam. Hindi siya umaamin na kinuha niya talaga ang katawan ni Miss Alina. Hindi ko tuloy alam kung ano bang nangyari sa kaniya at simula nung ihatid ko siya sa mansiyon na ‘yon, hindi na siya nagparamdam pang muli. Gusto kong sapakin at takutin si Manong George, kaya lang hindi ko magawa kasi nakakaawa rin ang buhay na mayroon siya. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya nakikita ang pamilya niya.“Bakit nag-aya kang uminom?” tanong ni Geronimo nung dumating siya sa bahay ko. May dala-dal
Corvus’ POVMabuti na lang at pinagbigyan ako ni Miss Helena na harapin ako ngayong hapon. Kung hindi ko pa i-message sa kaniya na alam ko ang ginawa niyang paghahakot sa kayamanan ni Miss Alina ay hindi pa niya ako papansinin. Ngayon, aalamin ko ang paliwanag niya.Galit siyang bumaba sa kotse niya. Pagtingin niya sa akin, parang ibang Helena na siya. Galit at parang mangangain. Nagbago na nga ata siya.“So, anong iniisip mo, na aangkinin ko ang yaman at pera ng kaibigan ko? Hindi ba puwedeng iningatan at tinago ko lang ang mga ‘yon sa ibang lugar kasi ikaw, ikaw ‘yung iniisip ko na baka may gawing hindi maganda. Sa ating dalawa, mas may karapatan akong itago ang mga mahahalagang bagay ni Alina. Kasi, bestfriend kami at ako lang ang pagkakatiwalaan niya. Tungkol naman sa papa niya, huwag kang mag-alala kasi ginagawa ko rin ang lahat para maalagaan siya.”Naiinis ako kasi parang lumabas bigla ang tunay niyang ugali simula nung sinabi ko sa kaniya na hindi na nagpapakita si Miss Alina.