Double update tayo, today. Nasa mood akong magsulat, e.
Corvus’ POVKasama si Helena, palihim naming pinagplanuhan ‘yung lumang ospital kung saan naroon si Miss Alina. Nung sinabi ni Miss Alina na nahanap na niya ang katawan niya ay tuwang-tuwa talaga kami. Kaya ngayong gabi, nagplano agad kami kung paano makukuha ang katawan ni Miss Alina kay Manong George. Malaking palaisipan kay Miss Alina kung bakit tinago siya ni Manong George ng ganoong katagal. Kung bakit inilayo siya nito kila Nacho. Naghihinala na tuloy sila na baka marami itong alam. Na baka alam nito kung sino ang dahilan kung bakit nahulog siya veranda ng pethouse niya.“Tara na, malalim na ang gabi. Kataon na siguro ito para makuha natin ang katawan ni Twinzies,” pag-aaya ni Miss Helena na kanina pa talaga inaantok. Ang totoo niyan, may shooting dapat siya ngayon. Pero nang sabihin ko sa kaniya ang nalaman ni Miss Alina, pina-cancel muna niya ang shooting niya ngayon para tulungan akong makuha ang katawan ng kaibigan niya sa lumang ospital na ‘yon.Nakaabang na sa labas ng vil
Alina’s POVPinuntahan ko si Manong George ngayong araw. Kanina ko pa talaga hinihintay na mag-umaga kasi gustong-gusto ko nang masundan si Manong George. Hindi ako papayag na hindi ko malaman kung saan niya dinala ang katawan ko. Alam ko ang bahay niya, ilang beses ko na siyang napuntahan dito sa up and down na bahay nila kapag may okasyon sa kanila. Si Nacho kasi, kapag nag-iimbita si Manong George sa bahay nila, pumupunta kami palagi. Ewan ko ba kung bakit ang lakas-lakas nitong si Manong George kay Nacho. Siguro ay ganoon na talaga sila magka-close simula pa noon.Pumasok na ako sa loob ng bahay ni Manong George. Sa sala, nakita ko siyang topless, nakahiga at tila malalim ang iniisip. Tumingin ako sa paligid. Napansin ko na ang tahimik dito sa bahay niya ngayon. Parang wala ata ang nanay niya at ang dalawa niyang kapatid na lalaki. Isa pa, magulo at malibag ang loob ng bahay niya. Parang binabalot ng kalungkutan itong pamamahay niya.Sa lamesa, nakita kong may tissue at oil. Mayro
Corvus’s POV“Oh, magpalit ka na muna ng damit. Pinagpawisan ka sa mga ginawa natin,” sabi ni Nacho pagkatapos ko siyang i-assist dito sa gym niya. Habang tinuturuan ko kasi siya, sinasabayan ko na siyang magpapawis. Okay lang naman daw sabi niya kaya nagpapawis na rin ako. Tamang-tama, kailangan ko na rin kasi talagang magpapawis dahil napaparami palagi ang kain ko sa villa ni Miss Alina.“Uy, salamat. Nakalimutan ko rin kasing magdala ng pamalit. Hindi ko naman kasi inaasahang magpapawis ako ng husto ngayon dito sa gym mo,” sagot ko sa kaniya saka ko tinanggap ang mga damit na binigay niya. Maligalig ako kasi payday ko ngayong araw sa pagiging gym instructor ko sa kaniya.“Bago ‘yang underwear, sando at short na ‘yan ah. Hindi ko pa nasusuot ‘yan,” sabi pa niya.“Hindi naman ako maarte. Kahit naman nagamit mo na ang mga ‘to ay ayos lang sa akin,” sagot ko habang nagpupunas pa rin ng pawis sa katawan. “Sige, magbanyo po muna ako. Magpapalit lang ako ng mga damit,” paalam ko sa kaniya
Alina’s POVNagulat ako sa sinabi ni Corvus, pero nagulat din siya sa mga sinabi ko. Pareho pa kaming nagkagulatan sa parehong nalaman namin sa sikreto ni Nacho.“Sa tingin ko, puwedeng isa nga rin ‘yan sa dahilan kaya namatay ka. Baka may kinalaman talaga si Nacho kaya ka nalaglag sa veranda ng penthouse mo, dapat nating alamin ‘yan, isa ‘yan sa mga goal natin,” sabi ni Corvus habang nandito ulit kami sa villa ko. Pareho tuloy kaming nakatulala at nakatingin sa kawalan habang pilit naming iniisip ang natuklasan naming baho ni Nacho. Hanggang ngayon, kinikilabutan ako. Lalo na nung sabihin pa ni Corvus na hinawakan at nilaro ni Nacho ang ari niya. Yuck, sobrang yuck talaga. Ngayon, gets na gets ko na kung bakit wala siyang gana sa tuwing may mangyayari sa amin sa kama. Ngayon gets ko na kung bakit parang pilit na pilit lang siya kapag aayain kong ikama niya ako. Iyon pala, bakla pala. Hindi pala babae ang trip niya, kapwa pala lalaki ang gusto niya.“Anyway, naka-ready na raw si Miss
Corvus’ POVGusto kong tumulong kay Alina nang sarili kong desisyon. ‘Yung sa tingin ko ay makakatulong talaga ng husto sa kaniya. Naisip ko kasing maglalapit pa ng husto kay Nacho. Gusto kong alamin lahat ng baho at sikreto niya. Nang sa ganoon, sa oras na mabuhay ulit si Miss Alina, hawak na niya ang lahat ng alas niya laban sa taong ‘yon.Bahala na, siguro itataya ko na lang ang sarili ko para may makuha akong impormasyon kay Nacho. Kung anong hiling nito, gagawin ko pero kung kalabisan na, tama na. Ayokong magpabáboy sa kaniya. Isa pa, sisiguraduhin kong walang pagtatálik na magaganap. Hawak puwede pa, pero kung may lalala pa roon, hindi talaga puwede.Ngayong gabi, kasama ko na ulit si Miss Helena. Nandito na kami sa may street nila Manong George. Inaabangan na namin ang pag-alis niya kasi ganitong oras daw ito kung dumalaw sa ospital na kung saan ay dinala niya si Miss Alina. Handang-handa na kami ng kasama ko. Handa na naming tuklasin kung saan lugar naman ba niya nilagay ang k
Corvus’ POVPagkahatid ko kay Miss Alina sa tapat nung mansiyon na pinasok kagabi ni Manong George, tumuloy naman ako sa work ko kay Nacho. Ang mangyayari, kani-kaniya kaming mission ngayong araw. Siya, tutuklasing kung sino ang mayamang nilapitan ni Manong George kagabi, habang ako naman heto, may pinaplano kay Nacho. Plano ko na sa akin lang.Dumating ako sa mansiyon nila Nacho na may bagong lamesang buhat-buhat ang mga tauhan niya. Nabanggit na sa akin ni Miss Alina ang ginawa niya rito. Hanggang ngayon, natatawa pa rin ako kasi kung minsan, kapag tinatamaan siya ng topak, si Nacho talaga ‘yung pinagdidiskitahan niya.Nakita ako ni Nacho na naglalakad palapit sa mansiyon. Tumango ito at ngumiti sa akin, halatang bakla nga kasi iba siya tumingin, lalo na kapag nasa malayo.Napansin kong may mga benda siya sa kamay. Tila nasugatan na naman siya dahil kay Miss Alina. ‘Yung mama at papa niya may mga benda rin pero hindi malala gaya ng kay Nacho. Mga kawawang nilalang, hindi nila alam n
Corvus’ POVTapos na kaming mag-gym, pauwi na dapat ako pero ayoko pang umuwi. Wala pa kasing progress ‘yung planong kinakasa ko sa kaniya. Ayokong umuwi na wala manlang magagawa.“Salamat, Corvus, sa susunod na raw ulit,” sabi niya sa akin nung alam niyang uuwi na ako. Siyempre, gumawa na agad ako ng eksena. Bumuntong hininga ako at pinakita ko na biglang nalungkot ang mukha ko. “Oh, bakit? May problema ba?” tanong na niya kaya ito na ‘yung punto na kailangan kong gumawa ng kuwento.“Hindi ko pa kasi trip umuwi sa bahay,” sabi ko sa kaniya kaya lalo kong pinalungkot ang mukha ko. Mukha namang effective ang ginagawa ko kasi bigla niyang hinila ang braso ko papunta sa garden nila. May bench doon, naupo kami roon at saka kami nag-usap.“Bakit, ano bang problema, Corvus? Sige, sabihin mo,” sabi niya habang seryosong nakatingin sa akin.“May kaibigan akong lalaki na sobrang close ko. Nag-away kami kagabi. Simula pa pagkabata, magkaibigan na kami. Siya ang may mali, nang-away nalang siya b
Alina’s POVHindi agad ako nakapasok sa loob ng manisyon kasi namangha ako sa ganda ng garden dito sa labas. Nakapapangiti ako sa mga nakikita ko. Ang daming bulaklak, humahalimuyak sa buong paligid ang bango ng mga bulaklak. Habang nag-e-enjoy ako sa pag-amoy sa mga bulaklak, nahinto na lang ako bigla sa paglalakad, late ko na napagtantong naaamoy ko ang mga bulalak. Ang pagkakaalam ko, hindi na ako nakakaamoy ng kahit ano. Bakit ganoon? Paano nangyaring naaamoy ko ang mga bulaklak dito? Ano bang lugar ito at tila ba may kakaibang mga pangyayaring nagaganap dito?Sakto naman na pagdating ko sa pinakapinto ng mansiyon, nakita kong palabas dito si Manong George. Masaya siya na tila ba may biyayang natanggap. Kaya naman pala, may hawak pala siyang pera kaya ito nakangiti ngayon. Ang kapal ng pera na iyon na tila sa tingin ko ay milyon ang halaga.“Ayos! Sabi na, e, suwerte talaga ang dala nitong katawan ni Miss Alina. Bukod sa may chance na siyang mabuhay, magkakaroon pa kami ng malaka
Caline’s POVTahimik ang gabi. Katabi ko si Akeno, mahimbing na natutulog kasi pagod sa trabaho dahil overtime siya, actually ay kakauwi lang niya. Talagang binibigay niya ang best niya para mapabuti at mapalago ang negosyong binigay sa kaniya ni papa. At nakikita ko naman na maganda ang nagiging takbo ng lahat dahil magaling talaga ang asawa ko.Nakahilig ang ulo niya sa balikat ko, tila kampanteng-kampante sa mundo. Napangiti ako habang pinagmamasdan siya. Ang lalaking ito, na minahal ko ng buong puso, ay naging katuwang ko sa lahat ng bagay—ngayon, magiging ama na siya.Pero ang ngiti ko ay napalitan ng kirot. Isang matinding sakit sa tiyan ang biglang dumaluyong sa akin. Nagising ako ng tuluyan, at sa ilang segundo pa, naramdaman kong may mainit na likidong umagos mula sa akin. Pumutok na ang panubigan ko.“Akeno, gumising ka!”Ginising ko si Akeno, na sa simula ay parang nag-aalangan pa kung gigising ba siya o hindi.“Hmm? Ano iyon, Honey?” tanong niya habang nakapikit pa rin ang
Akeno’s POVPagkatapos ng isang linggong honeymoon sa South Korea, heto, balik trabaho na ulit ako. Pero, nakaka-miss ding bumalik sa trabaho, nakaka-miss batiin ng mga empleyado, lalo’t sanay na akong tinatawag na sir.Nasa gitna ako ng isang mahalagang meeting sa opisina. Maraming desisyon ang kailangang gawin, maraming proyekto ang inaasikaso. Ngunit isang mensahe mula sa aking telepono ang nagpahinto sa lahat.“Sir, may nangyari kay Ma’am Caline. Nahimatay po siya sa mansion.”Parang tumigil ang mundo ko pagkatapos kong mabasa ang message na iyon. Hindi ko na inintindi kung sino ang nag-text. Hindi ko na rin narinig ang sinasabi ng mga tao sa empleyado ko. Ang tanging nasa isip ko ay si Caline—ang asawa kong minamahal ko ng higit pa sa kahit ano ay may nangyaring masama ngayong araw.“Meeting adjourned,” malamig kong sabi bago tumayo. Walang tanong-tanong. Walang paliwanag. Mabilis kong kinuha ang susi ng sasakyan at nagmamadaling umalis ng building.Habang nagmamaneho, halos suma
Caline’s POVSa lahat ng sandaling pinangarap ko ang araw na ito, hindi ko inakalang magiging ganito siya kaganda. Gising pa lang ako kaninang madaling araw, nararamdaman ko na ang excitement dahil alam kong special ang araw na ito para sa aming dalawa ni Akeno.Ito ang araw na ikakasal ako kay Akeno, ang taong nagpatunay na ang pag-ibig ay walang hanggan. Pagbukas ko ng aking mga mata, naramdaman ko agad ang kiliti ng liwanag ng araw na dumaan sa kurtina ng kuwarto ko. Ang mga kasambahay ay abala na, ang glam team ay nasa labas na ng pinto at naghihintay sa akin. Maaga akong naligo dahil ayokong maghintayin ang mga mag-aayos sa akin.“Good morning, bride-to-be!” Masiglang bati ng makeup artist na si Elle pagpasok niya sa kuwarto. Sikat siyang makeup artista sa social media kaya siya ang kinuha ko. Isa pa, mga maaarte kong kaibigan ang nag-suggest sa kaniya kasi nga iba gumalaw ang kamay niya kapag nagpapaganda ng isang tao. At dahil kasal ko ‘to, aba, dapat lang na maging mas maganda
Akeno’s POVMatapos ang araw na iyon, ang kaarawan ko na puno ng mga sorpresa, saya, at pagmamahal, akala ko tapos na ang lahat, pero tila may hinanda pang kakaiba si Papa Corvus para sa akin.Gabi na at handa na akong matulog sana. Nakahiga na ako sa kama at iniisip ang lahat ng nangyari kanina. Ang saya sa mga ngiti nina Caline at ng kanyang pamilya, ang amoy ng masasarap na pagkain, at ang ingay ng tawanan ay naglalaro pa rin sa isipan ko. Nang biglang kumatok sa pinto si Papa Corvus.“Akeno, can I have a word with you?” tanong niya.Napatayo agad ako at mabilis na nag-ayos ng sarili. Hindi ko alam kung bakit, pero parang kinabahan ako. Ano kaya ang pag-uusapan namin?“Uh, yes po. Sige po, Papa,” sagot ko habang dahan-dahang binubuksan ang pinto.Tumayo siya sa may pintuan, nakita ko ang seryosong mukha niya. “Sa opisina ko tayo mag-usap.”Hindi ko maiwasang kabahan habang sinusundan siya. Sa isip ko, baka may ginawa akong hindi tama o baka may plano siyang paghiwalayin na kami ni
Akeno’s POVIsang taon na ang lumipas mula nang magbalik sa dati ang mundo. Sa wakas, ang pinto ng impyerno ay naisara na, at ang mga demonyong minsang naghasik ng lagim ay nawala na lahat. Naging sikat na parang superhero sina Caline, Caius at Papa Corvus sa buong Pilipinas kasi nasaksihan ng buong Pilipinas kung paano nila tinapos at inubos ang mga demonyo.Pero ang mga alaala ng digmaang iyon ay nananatili, hindi lang sa kaluluwa ng bawat tao, kundi pati na rin sa mga bakas ng pagkawasak sa ating paligid.Ang Manila na dating puno ng buhay at sigla, ay naging larawan ng kaguluhan noon. Maraming gusali ang nawasak, maraming negosyo ang nagsara, at maraming buhay ang naiba. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, dahan-dahan na ring umaangat ang lahat. Ang tao, kahit kailan, ay marunong bumangon.At ngayon, isang taon matapos ang lahat ng iyon, tila bumalik na rin ang normalidad. Pero kahit bumalik na ang lahat sa dati, hindi maikakaila na may mga pagbabago na sa akin at sa paligid ko.**P
Caline’s POVAng unang araw ng labanan namin ay masyadong nakakamangha dahil sa nakikita ko kung paano makipaglaban ang kakambal kong si Caius.Tumayo kami sa isang lugar na tila naging entablado ng digmaang ito—isang malawak na disyerto ng abo at nasirang mga gusali. Ang dilim ng paligid ay sinisindihan lamang ng nag-aapoy naming mga kapangyarihan.Ngunit ang atensyon ko ay hindi maialis kay Caius.Nakangiti si Caius, tila ba para sa kaniya, ang mga demonyong humaharap sa amin ay mga laruan lamang. Ang asul niyang apoy, maliwanag na maliwanag, ngunit nakakatakot kapag ginamit na.Kumalat mula sa kaniyang mga palad ang asul na apoy at bumuo ng isang bilog sa kaniyang paligid. Ang gara, ang ganda talaga ng apoy niya.Biglang lumipad sa hangin ang apoy, tila naging mga asul na mga ibong nagliliyab, bawat isa ay may matalas na pag-atake. Nang magsimula nang sumugod ang mga demonyo, isa-isa silang binanatan ng apoy na iyon. Sa bawat atake, natutunaw sila ng parang abo, ganoon kabagsik ang
Caline’s POVHindi ko mapigilang mapaluha habang nakatingin sa katawan ng kapatid kong si Caius, na ngayon ay nasa sala ng mansiyon namin. Ilang taon naming hinanap ang sagot sa pagkawala niya, at ngayon, heto kami, muli nang magkasama.“Caline, hawakan mo ang kamay niya,” marahang sabi ni Papa Corvus. Ramdam ko ang bigat ng emosyon sa boses niya.Tumango ako, inilapit ang nanginginig kong kamay sa malamig na kamay ni Caius. Ang mama naman namin ay nakaluhod sa gilid, patuloy na umiiyak habang hinihintay ang susunod na mangyayari.Si Tita White ang isa sa mga gumagabay sa amin kasi maalam siya sa mga ganitong eksena.Pero bago namin makuha ang katawan ni Caius, inasikaso muna ni papa ang lahat ng kailangan. Nagsimula ang lahat nang magdala si Papa ng papel mula sa ospital. Nang sa wakas ay maayos na ang lahat ng dokumento para makuha namin ang katawan ni Caius. Tumawag siya ng ambulansya para ihatid ito sa mansiyon, at buong araw naming inihanda ang sala bilang lugar ng pagsasama-sama
Caline’s POVHindi ko akalain na darating ang gabi kung kailan mabubuo ang lahat ng lakas ko—ang lahat ng pinagsama-samang tapang at takot—upang labanan ang isa sa pinakamalakas na kalaban ng pamilya namin. Si Vorthak. Ang demonyong sumira ng napakaraming buhay, ay saka pa ako manghihina ng ganito.Pero ngayon, habang nakatingala ako mula sa lupa, ramdam ang bigat ng bawat sugat sa katawan ko, alam kong hindi ito ang oras para sumuko. Hindi ko hahayaang matapos ang laban nang ganito.“Caline,” marahang sabi ni Papa Corvus habang inaalalayan niya akong bumangon mula sa pagkakabagsak. Ang mga mata niya ay puno ng pag-aalala, kahit na halata sa kanya ang pagod at hirap. “You’re not done yet. We’re not done yet.”Tumango ako, kahit pa nanginginig ang mga binti ko. Hinawakan ko ang baston kong halos basag na, kaya hinayaan kong mawala na ang kape nito. “We’ll finish this, Papa,” sabi ko habang ang boses ko ay pilit na tinatapangan.Si Vorthak, na nakatayo sa harap namin, ay tumawa ng malak
Caline’s POVAng init ng gabi ay tila sumasalamin sa init ng tensyon na bumabalot sa amin. Hindi ko maialis ang kaba sa dibdib ko habang tinitingnan si Papa Corvus, na abala sa paggawa ng plano para madala si Thomas sa likod ng ospital. Alam naming hindi na si Thomas ang nasa katawan niya. Ang demonyong si Vorthak ang nagmamanipula sa pinsan ng Mama ko.Ngayon na kami nagplanong labanan siya habang ang mga demonyong nakawala sa impyerno ay tahimik at hindi pa nagpaparamdam.“Caline, this has to be precise,” sabi ni Papa, ang malamig niyang boses ay halatang puno ng pag-aalala. “Vorthak is unlike any demon you’ve faced before. He’s cunning and extremely powerful.”Tumango ako, pinipilit maging kalmado kahit na parang umaalon ang kaba sa loob ko. “I understand, Papa. Whatever it takes, we’ll end this tonight.”Habang nasa ospital, sinimulan namin ang plano. Ginamit ni Papa ang koneksyon niya sa mga staff ng ospital upang magpasimuno ng isang “emergency evacuation drill.” Habang nagkakag