Kung iisiping mabuti, dapat ay nakatutulog na nang mahimbing si Catherine dahil hindi na niya kailangan pang matulog kasama ang lalaking iyon.Subalit sa halip na matulog ay paikot-ikot lamang siya sa kama.Hindi siya mapakali dahil pakiramdam niya’y mayroong masamang mangyayari.Naaalala niya ang mga mata ni Shaun noong umalis ito noong nakaraang gabi. May kakaiba sa mga tingin nito at nagmamadaling umalis. Ano kaya ang nangyari?Sa taas ng posisyon ng lalaki ngayon, sino pa kaya ang maaaring makapagbanta sa kanya?Pagsapit ng 8:00 a.m. ay umupo si Catherine sa hapag-kainan upang mag-almusal. Maraming hinain na masasarap na pagkain ang chef ngunit nawalan na agad siya ng gana matapos ang dalawang kagat.Pagkatapos mag-almusal ay lumabas siya upang maglakad-lakad hanggang sa sumapit ang tanghali nang biglang may nakita siyang helicopter sa ‘di-kalayuan.Ang una niyang naisip ay marahil nagbabalik si Shaun. Hindi niya inaasahang makababalik agad ang lalaki.Subalit noong lumapag
“Hindi.”Nagulat si Catherine sa tingin ng mga mata ng lalaki. Ngayon lamang niya nakitang ganoon tumingin ang lalaki.“Pasensya na, natakot ata kita.” Napagtantuan ni Wesley na marahil ay nagiging malupit siya sa babae kaya’t agad niyang niyakap ito nang mahilpit. Puno ng sakit ang kanyang pananalita.“Cathy, ayaw ko rin namang maging ganito ang lahat. Isang buwan din akong nag-alala at nabalisa. Kinamuhian ko ang walang kwenta kong sarili. Hinayaan kong kuhanin ka lamang ni Shaun sa akin habang napuno ang aking puso ng galit sa araw-araw na kasama mo ang lalaking iyon. Hihiwalayan mo na ba ako kapag minahal mo na siyang muli?”Habang nakikinig si Catherine ay mas lalong nadudurog ang kanyang puso. “Hindi, Wesley. Ako dapat ang humihingi ng tawad…”Gusto na lamang niya magpalamon sa lupa sa tuwing iniisip niya ang mga sandaling nakikipagtalik siya kay Shaun. Hiyang-hiya siyang harapin si Wesley.Si Shaun ang kanyang katabi noong gabi ng kanyang kasal.Lalong namulta ang kanyang
Pakiramdam ni Catherine na may kakaiba sa mga pangyayari. Masyadong madaling natalo si Shaun. Para bang mayroon talagang umaatake sa Hill Corporation.“Kung gayo’y hindi na ang mga Hill ang pinakamayamang pamilya sa buong bansa?” Hindi mapigilan ni Catherine ang kanyang sariling ibulong ang kanyang tanong.“Oo. Sa market value ngayon ng Hill Corporation, mas mababa pa sa aking pamilya ang mga Hill.”Sagot ni Wesley. “Walang makapagsasabi kung ano ang mangyayari bukas. Kapag hindi pa tinuloy ni Shaun ang compensation sa mga partner nilang kumpanya, bababa at bababa ang reputasyon ng Hill Corporation hanggang sa wala nang kumpanya ang gugustuhin pang makipagtulungan sa kanila.“Kapag nagbayad naman siya’y bilang na ang araw ng Hill Corporation. Hindi na sila makapagkakalap pa ng pera upang makapag-invest sa mga laboratory upang makabuo ng microchip sa susunod. Kapag wala silang inilabas na panibagong chip ay palagay ko’y tuluyan nang mawawala ang Hill Corporation sa market.”Naunawa
Tila’y mga cannonball kung tumira ang mga salita ni Wesley na siya namang kinasakit ng ulo ni Catherine.Oo.Ilegal ang mga ginawa ni Shaun. Hindi siya pumayag sa anumang ginawa nito sa kanya.Dapat lang namang maparusahan ang mga taong lumalabag ng bata, hindi ba?Ngunit bakit siya nagdalawang-isip ngayon?Kahit na makulong si Shaun at bumagsak ang Hill Corporation, wala na itong kinalaman sa kanya.“Cathy, nauunawaan kong mahirap para sa iyong ikwento iyong lahat sa mga pulis, ngunit mahirap din ito para sa akin,” Mapait na sinabi ni Wesley, “Ngunit kaya natin itong harapin nang sabay. Ipinapangako ko na ako, si Wesley Lyons, ay hindi susuko sa iyo.”Mas lalo lamang sumama ang loob ni Catherine matapos iyong sabihin ng lalaki.Sa tuwing nagpapakita ng kagandahang-loob sa kanya ang lalaki ay mas lalong kumikirot ang kanyang puso....Makalipas ang limang oras.Bumaba sa bakuran ng mga Yule ang helicopter. Kapwa naroon sina Joel at Lucas na matagal nang naghihintay.Dahil m
”Hindi ka… buntis sa anak nanaman ni Shaun, ano?” Kabadong biglaang tanong ni Freya.“Hindi.” galit na galit na sabi ni Catherine. Nilabas niya ang phone at naglakad palabas ng balcony.“Oh, nakipagtalik ka ba kay Shaun?” Tuloy na tsimis ni Freya.“...”Nalungkot si Catherine at nginitngit ang ipin niya. “Tapos ka na? Pwede bang iba na lang tanungin mo?”“Talaga namang interesado ako sa ganitong bagay. Mas nakakatuwa.” Tawa ni Freya.“T*rantado.” Hindi matiis ni Catherine. “Hirap na hirap ang konsensya ko umaga hanggang gabi nitong mga nakaraang buwan, okay?”“Huwag kang mag-isip ng ganyan. Napilitan ka lang naman.” Inaliw siya ni Freya. “Hindi mo naman ginustong maagkaroon ng kabit.”“Manahimik ka.”Ang salitaang ‘kabit’ ang nag trigger sa puso ni Catherine.“Kung ganoon…” Pinalitan ni Freya ang pinag-uusapan. “Kahit anong mangyari, wala nang pwedeng gawin sa’yo si Shaun sa hinaharap.”Tinikom ni Catherine ang labi niya at tinanong ang komplikadong nararamdaman niya, “Ganoo
Pakiramdam ni Catherine sasabog ang ulo niya.Pagkatapos makaaalis sa isla, masyado siyang maraming nasagap na nakakagulat na balita.Kahit matanda na si Old Master Hill, nakasama niya ito at alam niyang maganda ang kalusugan nito. Para naman kay Willie, kahit na tinarget siya nito noon sa Melbourne, naka move on na siya nang hubaran niya ito sa banyo.Tinulungan pa nga siya nito nang pumunta siya sa Hill Manor noong unang beses pagkatapos dumating sa Canberra. Hindi niya inasahang mababaliw ito.“Hindi ba ito nireport ng pamilyang Hill sa pulis?” Hindi niya matiis na hindi magtanong.“Anong irereport nila? Pinipilit ng pamilyang Campos na sinubukang molestyahin ni Willie ang ang asawa ni Ivan at dinala ito saa villa. Nang dumating si Shaun, huli na ang lahat. Naglapag ng maraming pera si Ivan para sa medical expenses. Kahit na pumunta si Shaun sa pulis, magbabayad lang ng compensation ang pamilyang Campos.“Sa pamilyang Campos at Hill, ang huling pakialam nila ay pera. Isa pa,
“Iuuwi?”Mahinang tumawa si Liam habang namumula ang mukha at may luha sa mukha. “Saan ako iuuwi? Wala akong bahay.”Hindi siya hinayaang bumalik ng pamilyang Hill at sa pamilyang Campos, may asawa’t anak na si Mason.Kahit saan siya pumunta, wala siyang halaga.“Humanap muna tayo ng hotel na matutuluyan niyaa.”Tinulungan ni Wesley si Liam pumasok sa sasakyan at sumuka si Liam na naging dahilan bakit bumaho ang kotse.Kaagad binuksan ni Cathy ang bintana nang may nahihiyang itsura. Kotse kasi ito ni Wesley, “Wesley, paumanhin…”“Huwag kang mag-alala. Asawa kita. Bakit ka humihingi ng paumanhin?” Binigyan niya ng kakaibang tingin ni Wesley. “Sa totoo lang, tinulungan ako ni Liam dati kaya maganda ang impresyon ko sa kanya.”Nagulat ni Catherine. “Narinig ko si Freya tungkol sa pamilyang Hill. Sa tingin mo ba si Liam—”“Merong mga tsismis na hindi dapat pinapakinggan. Si Liam man o hindi, kailangan mo siyang kausapin at intindihin bago mo siya husgahan,” Pinutol siya ni Wesley
Binaba ni Wesley ang ulo niya at marahang humigop ng tsaa, tinatago ang madilim na kislap sa kanyang mga mata.Nang tumingala siyang muli, ang mga mata niya ay mahinhin at namimighati. “Cathy, hayaan mong itanong ko sa’yo. Boluntaryo ka bang nakipagtalik sa kanya?”“Malamang hindi.” Agad na itinanggi ito ni Catherine.“Edi ‘yun na ‘yun.” Marahang hinawakan ni Wesley ang kamay ng babae. “Cathy, may nabasa ako dati. Kapag ang asawa mo ay kinidnap ng mga gangsters, bilang lalaki, gusto mo bang magresist siya ng buong buhay niya o sumunod para iligtas ang buhay niya? Kung ako ito, pipiliin ko ‘yung huli. Walang mas importante pa para sa akin kundi ang kaligtasan at buhay ng asawa ko.”“Wesley…” Ang puso ni Catherine ay nanginig, at mga mata niya ay hindi mapigilan na mamula.“Hindi ako ang tipo na mahuhung up tungkol sa unang beses ng babae. Alam ko na ito nang piliin kong pakasalan ka.” Pagpapatuloy ni Wesley, “Sa araw ng kasal, inagaw ka ni Shaun. Bakit kita sisisihin? Pwede ko lang