Share

Kabanata 992

Kung iisiping mabuti, dapat ay nakatutulog na nang mahimbing si Catherine dahil hindi na niya kailangan pang matulog kasama ang lalaking iyon.

Subalit sa halip na matulog ay paikot-ikot lamang siya sa kama.

Hindi siya mapakali dahil pakiramdam niya’y mayroong masamang mangyayari.

Naaalala niya ang mga mata ni Shaun noong umalis ito noong nakaraang gabi. May kakaiba sa mga tingin nito at nagmamadaling umalis. Ano kaya ang nangyari?

Sa taas ng posisyon ng lalaki ngayon, sino pa kaya ang maaaring makapagbanta sa kanya?

Pagsapit ng 8:00 a.m. ay umupo si Catherine sa hapag-kainan upang mag-almusal. Maraming hinain na masasarap na pagkain ang chef ngunit nawalan na agad siya ng gana matapos ang dalawang kagat.

Pagkatapos mag-almusal ay lumabas siya upang maglakad-lakad hanggang sa sumapit ang tanghali nang biglang may nakita siyang helicopter sa ‘di-kalayuan.

Ang una niyang naisip ay marahil nagbabalik si Shaun. Hindi niya inaasahang makababalik agad ang lalaki.

Subalit noong lumapag
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status