Nagpanggap si Regina na takot at sinabi sa mahinang boses, “Pero ang mga tao sa kumpanya ay lahat nagtataka kung buntis ba siya sa anak ni Shaun matapos mawala ng sobrang tagal.”Ang madilim na mga mata ni Wesley ay napuno ng uhaw sa dugo na kilabot. Pinisil niya ng malakas ang baba ni Regina, at ang kanyang eleganteng mukha ay naging bahagyang nakakatakot. “Regina, hindi ko inaasahan na makikipaglaro ka sa akin ng mga mind games.”Si Regina ay natakot at nanginig. “P-President Lyons, nag…nagsasabi ang ng totoo.”“Ito ang katotohanan, ngunit ang pinanggalingan nito ay iba dahil sadya mong sinasabi ito sa akin,” matalas na ngumisi si Wesley.Namutla ang mukha ni Regina. Hindi niya inaasahan ang rasyonal na si Wesley na magkaroon ng mga mata na kagaya sa demonyo ngayon.Gayunpaman, hindi ito nakakagulat. Ang ibang tao ay hindi ito alam, pero bilang sekretarya niya, alam niya na malapit na nagtatarabaho ang lalaki kasama ang Campos Corporation. Siya ay kasing unfathomable ni Mason Ca
Kalmadong tumingin si Chance sa lalaki. “Kapag hindi ka pumunta, walang pagkakataon para sayo na maging buo.”Mapait na tumawa si Liam.Sige. Hindi bitawan ni Shaun ang usapin. Alam niya na iyon.Anyway, gusto niya rin humanap ng pagkakataon na makausap si Shaun. Hindi niya gusto ang pagkakaroon ng label ng isang traydor na nakatatak sa kanya sa natitira niyang buhay.Hindi nagtagal, dinala siya ni Chance sa hall sa Liona kung saan nakalagay ang memorial tablets ng elders ng pamilyang Hill.Umupo si Shaun sa upuan sa gilid. Ang gwapong mukha niya ay walang pakialam, at ang kanyang tunay na emosyon ay talagang hindi makita.“Eldest young Master Hill, dinala ko siya rito.” Malakas na sinipa ni Chance ang ankle ni Liam.Hindi ito naagapan ni Liam at nalaglag sa kanyang mga tuhod. Sinubukan niyang tumayo, pero si Chance ay pwersahan siyang dinidiin pababa.Nagngitngit siya ng ngipin at mapanghamon na tumitig kay Shaun. “Wala akong ginawang masama, o trinaydor ang kumpanya. Shaun, s
Sa lalong pagsasalita ni Shaun, mas lalo siyang nagagalit. Bigla niyang hinila pataas si Liam at walang awang sinuntok ang lalaki.Si Liam ay may hangover at talagang walang laban kay Shaun. Kasabay ng mga mental blows na naranasan niya, ang buong pagkatao niya ay naging muddle-headed.Binugbog siya ni Shaun hanggang sa dumura siya ng dugo.Humiga siya sa lapag at nagsimulang tumawa. Tumawa siya ng sobra na namuo ang luha sa mga mata niya.Anong… nagawa niyang masama?Wala siyang ginawa. Bakit siya sinisisi ng lahat?“Suntukin mo ‘ko, Shaun. Bugbugin mo ‘ko hanggang kamatayan kung kaya mo!” Sumigaw si Liam sa lalaki habang namumula ang mga mata.“Hindi kita bubugbugin hanggang kamatayan, pero gusto kong gawin ka na walang kakayahan na pamunuan ang Campos Corporation sa natitira mong buhay. Si mason Campos ay isang masamang lalaki. Sa tingin mo gusto niya ng pilay na anak?”Pumulot si Shaun ng bakal na tubo at malakas na hinampas ang binti ni Liam.Narinig ni Liam ang crack na
Biglang naalala ni Catherine si Logan at sumama ang pakiramdam niya. “Pinutol mo ang daliri niya?”Walang masabi si Shaun. Ang iniisip ba nito ay isa siyang baliw na demonyo na namumutol ng daliri ng tao?Nang hindi siya nagsalita, nagalit si Catherine. “Shaun Hill, naniniwala ako na hindi si Liam ang nagnakaw ng datos ng Hill Corporation. Hindi siya ganun na tao.”“Naniniwala?” May apoy na sumiklab sa puso ni Shaun.Iyon ay salita na hindi sila nagkaroon para sa isa’t-isa, gayon pa man ay nag-aalala siya para kay Liam.“Catherine Jones, huwag ka maging walang muwang. Naniniwala ka kay Liam dahil lang tinulungan ka niya ng isang beses. Anak siya ni Mason Campos, at tinago ni Mason ang totoo niyang kulay sa pamilyang Hill nang mahigit 20 na taon. Ang magtatay na iyon ay may balak. Nakita mo ba kung ano ang nangyari sa akin ngayon? Naging ganito lang ang Hill Corporation dahil naniwala ako sa kanya.”“Naniniwala ako na sina Liam at Mason ay magkaiba.”Pilit ni Catherine. Maaari na
Nagliwanag ang mata ni Yael. “Talaga?”“Oo. Isang bagay na sa nakaraan ang pamilyang Hill. Imposible na makuha nila muli ang dakilang karangalan na mayroon sila noon. Ang Liona ay isang malaking organisasyon na kailangan ng pera para umandar, kaya sa tingin ko ay hindi na ito masusustentuhan ng matagal ni Eldest Young Master Hill,” Ani ni Chance, “Maghanap tayo ng bahay sa malayong lugar kung saan tayo mamumuhay ng ordinaryo.” “Oo. Salamat, Chance. Siya nga pala, huminto ka sa kanto sa harap. Gusto ko maglakad-lakad.”“Kung gayon, hindi na kita sasamahan. Kailangan ko pa bumalik para tumanggap ng utos mula kay Eldest Young Master Hill,” Nahihirapan na sinabi ni Chance.“Alam ko. Bilisan mo na, huwag ka mahuli.” Naghagis ito ng halik.Pagkatapos makalayo ni Chance, mabilis siyang pumasok sa itim na kotse sa gilid.Nagmaneho siya pabalik sa malumbay na eskinita.Si Liam ay nagkaroon na muli ng malay. Dahil walang dumadaan sa lugar, dahan-dahan lang siya gumapang sa sahig.Pagkat
”Second Young Master Hill, minsan, hindi maganda maging matalino.” Tinaas ni Yael ang kilay niya at malamig na ngumiti.Kinilabutan ang buong katawan ni Liam. Hindi niya inaasahan na ang lahat ay maloloko ni Yael.Ginawa siyang miserable ni Yael, ngunit ang pinakaimportanteng bagay para sa kanya ngayon ay mabuhay.Mabilis siyang ngumit at sinabi, “Yael, sa totoo lang, hindi kita masisisi. Magaling ang ginawa mo. Ginawa mo ang gusto ko gawin ngunit hindi ako naglakas loob. Alam mo, lahat tayo ay nasa iisang bangka. Ang tatay ko ay si Mason Campos. Nagtatrabaho ka para sa kanya, tama? Bilisan mo na at pakawalan mo na ako. Hahayaan ko gamitin ka muli ng tatay ko sa susunod.”Tinignan siya ni Yael at tumawa sa mababang boses. “Second Young Master Hill, wala ka pa rin muwang.”Ang ngiti na pilit nilabas ni Liam ay nanigas. Isang ideya ang lumabas sa puso niya, ngunit ayaw niya ito tanggapin.“Ano ang ibig mong sabihin?”“Hindi pa ba malinaw? Dahil nagtatrabaho na ako para sa pamilya
Nagngitngit si Shaun ng ngipin, ang gwapo niyang mukha ay nagdilim na maaari ito maglabas ng dugo....Ginugol ni Chance ang buong araw para maghanap, ngunit parang nawala si Liam sa hangin. Walang ospital ang kumuha ng ganon na pasyente.“Eldest Young Master Hill, pasensya na. Hindi ko mahanap si Liam. Siya… Parang wala talaga siya sa pamilyang Campos. Hindi sila tumatawag ng kahit anong doktor para magpunta para magpakonsulta.”Galit na sinipa ni Shaun ang lamesa sa harap niya. “Sinundan ka ba noong tinapon mo siya kanina?”“Hindi. Sino ang susunod sa amin?” Mapait na ngumiti si Chance. “Wala nang natira na naiinggit sa pamilyang Hill.”“Paano naman ang mga malalapit na surveillance camera?” Nagtanong si Shaun.“Ang lugar na iyon ay lumang kabisera na gigibain na. Wala na nakatira doon at ang mga monitoring doon ay matagal na hindi gumagana,” Paliwanag ni Chance, “Itinapon ko si Liam doon para maiwasan ang sinuman makahuli dahil iyon ay magiging hindi pabor sa iyo.”Kinusot n
“Hindi po.” Wika ni Suzie. “Ako lang po ang nasa bahay nitong mga nakaraang araw. Nasa ospital po sina Great-grandma dahil hindi na raw po makalakad si Great-grandpa. Nakita ko na po siya dati. Nakakaawa po siya. Pati po si Uncle Willie. Wala na raw po siya sa katinuan. Mas bata raw po siya umakto kaysa sa akin…”Hindi mapigilan ni Suzie na umiyak. “Nakakaawa po si Uncle Willie. Parang dati lang po ay nanunukso siya at pinipingot niya pa ako, ngunit binibili niya ang lahat ng aking gusto…”Nanakit ang lalamunan ni Catherine.Wala na siyang gusto pang gawin kung hindi yakapin ang kanyang anak noong marinig niya itong umiyak. Bata pa rin naman ito.Subalit dahil wala si Liam ay hindi niya maaaring makita si Suzie.Paano na lamang ang kanyang gagawin kay Suzie sa susunod?Habang pinag-isipan niya’y mas lalo lamang siyang nabagot. Hindi niya alam ang kanyang gagawin. Ang tanging magagawa niya lamang ay patuloy na kausapin si Suzie hanggang sa mapatulog niya ito, ngunit nakayuko at tu