Nagliwanag ang mata ni Yael. “Talaga?”“Oo. Isang bagay na sa nakaraan ang pamilyang Hill. Imposible na makuha nila muli ang dakilang karangalan na mayroon sila noon. Ang Liona ay isang malaking organisasyon na kailangan ng pera para umandar, kaya sa tingin ko ay hindi na ito masusustentuhan ng matagal ni Eldest Young Master Hill,” Ani ni Chance, “Maghanap tayo ng bahay sa malayong lugar kung saan tayo mamumuhay ng ordinaryo.” “Oo. Salamat, Chance. Siya nga pala, huminto ka sa kanto sa harap. Gusto ko maglakad-lakad.”“Kung gayon, hindi na kita sasamahan. Kailangan ko pa bumalik para tumanggap ng utos mula kay Eldest Young Master Hill,” Nahihirapan na sinabi ni Chance.“Alam ko. Bilisan mo na, huwag ka mahuli.” Naghagis ito ng halik.Pagkatapos makalayo ni Chance, mabilis siyang pumasok sa itim na kotse sa gilid.Nagmaneho siya pabalik sa malumbay na eskinita.Si Liam ay nagkaroon na muli ng malay. Dahil walang dumadaan sa lugar, dahan-dahan lang siya gumapang sa sahig.Pagkat
”Second Young Master Hill, minsan, hindi maganda maging matalino.” Tinaas ni Yael ang kilay niya at malamig na ngumiti.Kinilabutan ang buong katawan ni Liam. Hindi niya inaasahan na ang lahat ay maloloko ni Yael.Ginawa siyang miserable ni Yael, ngunit ang pinakaimportanteng bagay para sa kanya ngayon ay mabuhay.Mabilis siyang ngumit at sinabi, “Yael, sa totoo lang, hindi kita masisisi. Magaling ang ginawa mo. Ginawa mo ang gusto ko gawin ngunit hindi ako naglakas loob. Alam mo, lahat tayo ay nasa iisang bangka. Ang tatay ko ay si Mason Campos. Nagtatrabaho ka para sa kanya, tama? Bilisan mo na at pakawalan mo na ako. Hahayaan ko gamitin ka muli ng tatay ko sa susunod.”Tinignan siya ni Yael at tumawa sa mababang boses. “Second Young Master Hill, wala ka pa rin muwang.”Ang ngiti na pilit nilabas ni Liam ay nanigas. Isang ideya ang lumabas sa puso niya, ngunit ayaw niya ito tanggapin.“Ano ang ibig mong sabihin?”“Hindi pa ba malinaw? Dahil nagtatrabaho na ako para sa pamilya
Nagngitngit si Shaun ng ngipin, ang gwapo niyang mukha ay nagdilim na maaari ito maglabas ng dugo....Ginugol ni Chance ang buong araw para maghanap, ngunit parang nawala si Liam sa hangin. Walang ospital ang kumuha ng ganon na pasyente.“Eldest Young Master Hill, pasensya na. Hindi ko mahanap si Liam. Siya… Parang wala talaga siya sa pamilyang Campos. Hindi sila tumatawag ng kahit anong doktor para magpunta para magpakonsulta.”Galit na sinipa ni Shaun ang lamesa sa harap niya. “Sinundan ka ba noong tinapon mo siya kanina?”“Hindi. Sino ang susunod sa amin?” Mapait na ngumiti si Chance. “Wala nang natira na naiinggit sa pamilyang Hill.”“Paano naman ang mga malalapit na surveillance camera?” Nagtanong si Shaun.“Ang lugar na iyon ay lumang kabisera na gigibain na. Wala na nakatira doon at ang mga monitoring doon ay matagal na hindi gumagana,” Paliwanag ni Chance, “Itinapon ko si Liam doon para maiwasan ang sinuman makahuli dahil iyon ay magiging hindi pabor sa iyo.”Kinusot n
“Hindi po.” Wika ni Suzie. “Ako lang po ang nasa bahay nitong mga nakaraang araw. Nasa ospital po sina Great-grandma dahil hindi na raw po makalakad si Great-grandpa. Nakita ko na po siya dati. Nakakaawa po siya. Pati po si Uncle Willie. Wala na raw po siya sa katinuan. Mas bata raw po siya umakto kaysa sa akin…”Hindi mapigilan ni Suzie na umiyak. “Nakakaawa po si Uncle Willie. Parang dati lang po ay nanunukso siya at pinipingot niya pa ako, ngunit binibili niya ang lahat ng aking gusto…”Nanakit ang lalamunan ni Catherine.Wala na siyang gusto pang gawin kung hindi yakapin ang kanyang anak noong marinig niya itong umiyak. Bata pa rin naman ito.Subalit dahil wala si Liam ay hindi niya maaaring makita si Suzie.Paano na lamang ang kanyang gagawin kay Suzie sa susunod?Habang pinag-isipan niya’y mas lalo lamang siyang nabagot. Hindi niya alam ang kanyang gagawin. Ang tanging magagawa niya lamang ay patuloy na kausapin si Suzie hanggang sa mapatulog niya ito, ngunit nakayuko at tu
“Gusto mo akong umalis?” Ngisi ni President Hale. “Aba’y Shaun Hill, baka ikaw ang nananaginip pa rin. Isa na lamang alaala ng nakaraan ang Hill Corporation ngayon. Ni hindi na nga kasing yaman niyong mga Hill ang isang maliit na kumpanya sa ilalim ng aking Hale Corporation. Kung noo’y hindi kayo maabot ninuman at wala kayong pakialam sa mga nakabababa sa inyo’y ngayo’y nagbago na ang ihip ng hangin. Kayang-kaya ko nang kumuha ng maaaring pumatay sa’yo anumang oras.”“Sige, subukan mo.” Biglang napatayo si Shaun.Agad na natabunan ng naglalakihang katawan at aura ni Shaun ang maliit at matipunong si President Hale.“Sige, bahala ka. Dahil ayaw mong gawin hangga’t hindi ka pinepwersa. Pagsisisihan mo ‘to. Maghintay ka lang.”Sinipa ni President Hale ang upuan sa kanyang harapan at bumulusok paalis.Nang makarating siya sa pinto ay nakayuko si Catherine kaya’t hindi siya pinansin ng lalaki.Tumingin si Catherine sa likuran ng lalaki. Nakita na niya ito noon. Iyon si Gary Hale ng pa
Orihinal na ipinangako ni Catherine na titira siya kasama si Wesley.Subalit matapos niyang marinig ang mga salita ni Shaun ay agad siyang nag-alinlangan.“Bakit, balak mo bang kuhanin ang pamangkin ko at makikitira ka kay Wesley? Aba’y nananaginip ka ata.” Nakita ni Shaun ang naging itsura ng babae at naging iritable ang kanyang pakiramdam.Huminga na lamang nang malalim si Catherine. “Sige na nga.”Hindi pa rin gumaan ang pakiramdam ni Shaun. Masyadong itinakwil ng itsura ni Catherine ang kanyang emosyon.“Gusto mo pa ring sumama kay Wesley?” Hindi pa rin gaanong makapaniwala si Shaun. “Sa tagal nating nagsama at nagtalik, ayaw mo pa rin siyang hiwalayan? O dahil ba napipilitan ka lang?”Uminit ang mukha ni Catherine dahil sa tono ng lalaki. Hindi na talaga alam ng lalaking ito kung paano mahiya.“Shaun Hill, wala na sa iyo kung sino ang piliin kong makasama. Maaring naging mapagmataas ka noon at wala kaming magawa lahat, ngunit ngayo’y kahit sa Hudson Corporation ay hindi mo
Syempre, alam ni Shaun na hindi na siya karapat-dapat ngayon kay Catherine.Lumabas ng elevator si Catherine. Makikita sa katabing elevator si Hadley na kalalabas lang din mula rito. Agad niyang hinabol si Catherine.“Ms. Jones, pwede po ba tayong mag-usap?”Napatigil si Catherine. “Ano ‘yon, Hadley?”Nahihiyang sumagot si Hadley, “Sa katunayan ay narinig ko ang pinag-usapan ninyo ni Eldest Young Master Hill kanina, at gusto ko sanang hilingin na ‘wag niyo na siyang idemanda.”Sumimangot si Catherine. Kung ibang tao lamang iyon ay agad niya itong tatanggihan, ngunit may utang na loob pa rin siya kay Hadley.“Hadley, demonyo siya. Gusto ko sanang magsimula ng panibagong buhay kasama si Wesley, ngunit sinira niya iyon. Sinigurado niya pa ngang masisira ang aking reputasyon. Alam mo ba kung gaano kaming pinagtatawanan ng mga tao? Ginagawa ko lamang ito para sa aking kapakanan. Kailangan ko ring magpaliwanag kay Wesley.”“Ngunit kapag tinuloy mo ang demanda at nakulong ang Eldest Yo
Sabi ni Joel, “Planong bilhin ng pamilyang Holt ang Hill Corporation para sa kanta habang matagal na itong palihim na inuudyok ng pamilyang Campos. Ngayon, hinihintay na lang ng mayayamang pamilya sa Canberra na mapanood na mailabas ang drama.”Habang pinapakinggan ni Catherine si Joel, pataas nang pataas ang pandidiri niya sa mayayamang pamilya sa Canberra.“Alas, kawawang Suzie. Hindi ko dapat siya hinayaang bumalik sa pamilyang Hill.” buntong hininga ni Joel. “Gayunpaman, huwag mong isipin masyado. Magiging maganda naman ang hinaharap mo kasama si Wesley. Huwag mo siyang biguin.”“Mm.” Binaba ni Catherine ang ulo niya.Nang oras na para maghapunan, nagmaneho si Wesley papunta sa kanila.Sa minutong nakita ni Wesley si SUzie, masaya niya itong kinarga. “Suzie, bakit hindi kayo pumunta ni mommy mo sa bahay ko bukas?”“Ah, sige…” Sagot ni Suzie habang inuunat ang boses niya, hindi masaya o malungkot. Pakiramdam niya lang hindi niya bahay ang bahay ni Wesley. “Mommy, lilipat ka ba