“Hindi po.” Wika ni Suzie. “Ako lang po ang nasa bahay nitong mga nakaraang araw. Nasa ospital po sina Great-grandma dahil hindi na raw po makalakad si Great-grandpa. Nakita ko na po siya dati. Nakakaawa po siya. Pati po si Uncle Willie. Wala na raw po siya sa katinuan. Mas bata raw po siya umakto kaysa sa akin…”Hindi mapigilan ni Suzie na umiyak. “Nakakaawa po si Uncle Willie. Parang dati lang po ay nanunukso siya at pinipingot niya pa ako, ngunit binibili niya ang lahat ng aking gusto…”Nanakit ang lalamunan ni Catherine.Wala na siyang gusto pang gawin kung hindi yakapin ang kanyang anak noong marinig niya itong umiyak. Bata pa rin naman ito.Subalit dahil wala si Liam ay hindi niya maaaring makita si Suzie.Paano na lamang ang kanyang gagawin kay Suzie sa susunod?Habang pinag-isipan niya’y mas lalo lamang siyang nabagot. Hindi niya alam ang kanyang gagawin. Ang tanging magagawa niya lamang ay patuloy na kausapin si Suzie hanggang sa mapatulog niya ito, ngunit nakayuko at tu
“Gusto mo akong umalis?” Ngisi ni President Hale. “Aba’y Shaun Hill, baka ikaw ang nananaginip pa rin. Isa na lamang alaala ng nakaraan ang Hill Corporation ngayon. Ni hindi na nga kasing yaman niyong mga Hill ang isang maliit na kumpanya sa ilalim ng aking Hale Corporation. Kung noo’y hindi kayo maabot ninuman at wala kayong pakialam sa mga nakabababa sa inyo’y ngayo’y nagbago na ang ihip ng hangin. Kayang-kaya ko nang kumuha ng maaaring pumatay sa’yo anumang oras.”“Sige, subukan mo.” Biglang napatayo si Shaun.Agad na natabunan ng naglalakihang katawan at aura ni Shaun ang maliit at matipunong si President Hale.“Sige, bahala ka. Dahil ayaw mong gawin hangga’t hindi ka pinepwersa. Pagsisisihan mo ‘to. Maghintay ka lang.”Sinipa ni President Hale ang upuan sa kanyang harapan at bumulusok paalis.Nang makarating siya sa pinto ay nakayuko si Catherine kaya’t hindi siya pinansin ng lalaki.Tumingin si Catherine sa likuran ng lalaki. Nakita na niya ito noon. Iyon si Gary Hale ng pa
Orihinal na ipinangako ni Catherine na titira siya kasama si Wesley.Subalit matapos niyang marinig ang mga salita ni Shaun ay agad siyang nag-alinlangan.“Bakit, balak mo bang kuhanin ang pamangkin ko at makikitira ka kay Wesley? Aba’y nananaginip ka ata.” Nakita ni Shaun ang naging itsura ng babae at naging iritable ang kanyang pakiramdam.Huminga na lamang nang malalim si Catherine. “Sige na nga.”Hindi pa rin gumaan ang pakiramdam ni Shaun. Masyadong itinakwil ng itsura ni Catherine ang kanyang emosyon.“Gusto mo pa ring sumama kay Wesley?” Hindi pa rin gaanong makapaniwala si Shaun. “Sa tagal nating nagsama at nagtalik, ayaw mo pa rin siyang hiwalayan? O dahil ba napipilitan ka lang?”Uminit ang mukha ni Catherine dahil sa tono ng lalaki. Hindi na talaga alam ng lalaking ito kung paano mahiya.“Shaun Hill, wala na sa iyo kung sino ang piliin kong makasama. Maaring naging mapagmataas ka noon at wala kaming magawa lahat, ngunit ngayo’y kahit sa Hudson Corporation ay hindi mo
Syempre, alam ni Shaun na hindi na siya karapat-dapat ngayon kay Catherine.Lumabas ng elevator si Catherine. Makikita sa katabing elevator si Hadley na kalalabas lang din mula rito. Agad niyang hinabol si Catherine.“Ms. Jones, pwede po ba tayong mag-usap?”Napatigil si Catherine. “Ano ‘yon, Hadley?”Nahihiyang sumagot si Hadley, “Sa katunayan ay narinig ko ang pinag-usapan ninyo ni Eldest Young Master Hill kanina, at gusto ko sanang hilingin na ‘wag niyo na siyang idemanda.”Sumimangot si Catherine. Kung ibang tao lamang iyon ay agad niya itong tatanggihan, ngunit may utang na loob pa rin siya kay Hadley.“Hadley, demonyo siya. Gusto ko sanang magsimula ng panibagong buhay kasama si Wesley, ngunit sinira niya iyon. Sinigurado niya pa ngang masisira ang aking reputasyon. Alam mo ba kung gaano kaming pinagtatawanan ng mga tao? Ginagawa ko lamang ito para sa aking kapakanan. Kailangan ko ring magpaliwanag kay Wesley.”“Ngunit kapag tinuloy mo ang demanda at nakulong ang Eldest Yo
Sabi ni Joel, “Planong bilhin ng pamilyang Holt ang Hill Corporation para sa kanta habang matagal na itong palihim na inuudyok ng pamilyang Campos. Ngayon, hinihintay na lang ng mayayamang pamilya sa Canberra na mapanood na mailabas ang drama.”Habang pinapakinggan ni Catherine si Joel, pataas nang pataas ang pandidiri niya sa mayayamang pamilya sa Canberra.“Alas, kawawang Suzie. Hindi ko dapat siya hinayaang bumalik sa pamilyang Hill.” buntong hininga ni Joel. “Gayunpaman, huwag mong isipin masyado. Magiging maganda naman ang hinaharap mo kasama si Wesley. Huwag mo siyang biguin.”“Mm.” Binaba ni Catherine ang ulo niya.Nang oras na para maghapunan, nagmaneho si Wesley papunta sa kanila.Sa minutong nakita ni Wesley si SUzie, masaya niya itong kinarga. “Suzie, bakit hindi kayo pumunta ni mommy mo sa bahay ko bukas?”“Ah, sige…” Sagot ni Suzie habang inuunat ang boses niya, hindi masaya o malungkot. Pakiramdam niya lang hindi niya bahay ang bahay ni Wesley. “Mommy, lilipat ka ba
Humakbang patalikod si Wesley nang dalawang beses at nagbigay ng mapait na tawa bago tumalikod at umalis.Tumakbo si Lucas at Suzie kay Catherine. “Mommy, bakit umalis si Uncle Wesley? Nag-away ba kayo?”“Kumain na kayo ng hapunan.” Yumuko si Catherine at marahan silang sinagot.Meron malakas na bahid ng pagod sa malalim na mga mata niya.…Sa susunod na dalawang araw, sinabihan ni Shaun ang lahat ng miyembro ng Liona na hanapin si Liam, pero parang bula na lang itong naglaho.“Eldest Young Master, natignan na namin lahat ng record ng train stations, airports at highways, pero hindi nagtunggo si Liam sa mga lugar na ito. Kahit ang mga foreign hospitals ay walang clinical record ni Liam,” nakasimangot na sagot ni Chance sa lahat ng tinignan nila.“Ngayon, meron na lang dalawang posibilidad. Ang una posibilidad ay kinulong si Liam. At ang pangalawa ay… patay na siya.”Nakaupo sa leather chair, pakiramdam ni Shaun na binuhusan siya ng malamig na tubig.“Patay?”Paano nangyari ‘y
”Kahit na hindi mo ginawa ito, siguragong may kagagawan ka sa pagkawala ni Liam.” Kinakain ng pagsisisi si Lea.Nitong mga nakaraang araw, magulo ang isip nito at nalula sa pangangaliwa ni Mason at pagtraydor na pinabayaan niya ang dalawang anak niya.Sa oras na bumalik na siya sa realidad, nawawala na si Liam.“Shaun Hill, kung hindi mo maibabalik si Liam, kalimutan mo nang anak kita.” Nang matapos ni Lea ang sasabihin niya habang nagwawala. Bigla siyang hinimatay.“Madam.” Mabilis siyang sinalo ni Chance.Lumundag si Shaun at binuhat si Lea. Saka, nagmamadali siyang dalhin ito sa ospital.Pagkatapos magsagawa ng iba’t-ibang blood tests, sabi ng doktor, “Ilang araw nang hindi natutulog si Madam Hill. ang kanyang pagkapagod at kakulangan sa dugo ay nakadagdag sa pangkahimatay nito. Kailangan niyang alagaan ang sarili niya sa paraang pagrerelax at hindi masyadong pag-aalala.”Mapait na ngiti ang nangibabaw sa mukha ni Shaun. Sa itsura ng mga pangyayari, paanong magrerelax si Lea?
[Nililinlang ba ‘ko ng mga mata ko? Inaresto si Eldest Young Master Hill sa pagkidnap kay Second Young Master Hill, ngunit ba’t kinidnap niya rin si Catherine? Naeenjoy niya talaga magkidnap ng mga tao, huh?][Talagang wala siyang kinikilalang batas. Kinidnap niya pa ang sarili niyang kapatid. Bilisan ang pagkulong sa kanya.][Narinig ko na si Shaun ay mainitin ang ulo, at dati niya itong inilalabas kay Liam ng walang rason.][Ang nangyari ngayon ay tila mas seryoso kaysa ‘ron. Ang tsismis ay nawala si Liam ng ilang araw. Ang sabi ng witess sa hotel na ang huling beses niyang nakita si Liam ay nung kinuha ni Shaun si Liam. Sa kabutihang palad, ang dad ni Liam, si Mason Campos, ay nireport ito sa pulis.][Ngayon na ang pamilyang Campos ang pinakamainpluwensya sa Australia, magagawa nilang ipakulong si Shaun. Huwag na siyang palalayain.]Ang isyu ay nagdulot ng mainit na usapan sa pagitan ng mga netizens. Kahit si Catherine ay nalaman ang tungkol sa usapin sa internet.Bilang assis