Share

Kabanata 1007

“Hindi po.” Wika ni Suzie. “Ako lang po ang nasa bahay nitong mga nakaraang araw. Nasa ospital po sina Great-grandma dahil hindi na raw po makalakad si Great-grandpa. Nakita ko na po siya dati. Nakakaawa po siya. Pati po si Uncle Willie. Wala na raw po siya sa katinuan. Mas bata raw po siya umakto kaysa sa akin…”

Hindi mapigilan ni Suzie na umiyak. “Nakakaawa po si Uncle Willie. Parang dati lang po ay nanunukso siya at pinipingot niya pa ako, ngunit binibili niya ang lahat ng aking gusto…”

Nanakit ang lalamunan ni Catherine.

Wala na siyang gusto pang gawin kung hindi yakapin ang kanyang anak noong marinig niya itong umiyak. Bata pa rin naman ito.

Subalit dahil wala si Liam ay hindi niya maaaring makita si Suzie.

Paano na lamang ang kanyang gagawin kay Suzie sa susunod?

Habang pinag-isipan niya’y mas lalo lamang siyang nabagot. Hindi niya alam ang kanyang gagawin. Ang tanging magagawa niya lamang ay patuloy na kausapin si Suzie hanggang sa mapatulog niya ito, ngunit nakayuko at tu
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status