”Hindi ka… buntis sa anak nanaman ni Shaun, ano?” Kabadong biglaang tanong ni Freya.“Hindi.” galit na galit na sabi ni Catherine. Nilabas niya ang phone at naglakad palabas ng balcony.“Oh, nakipagtalik ka ba kay Shaun?” Tuloy na tsimis ni Freya.“...”Nalungkot si Catherine at nginitngit ang ipin niya. “Tapos ka na? Pwede bang iba na lang tanungin mo?”“Talaga namang interesado ako sa ganitong bagay. Mas nakakatuwa.” Tawa ni Freya.“T*rantado.” Hindi matiis ni Catherine. “Hirap na hirap ang konsensya ko umaga hanggang gabi nitong mga nakaraang buwan, okay?”“Huwag kang mag-isip ng ganyan. Napilitan ka lang naman.” Inaliw siya ni Freya. “Hindi mo naman ginustong maagkaroon ng kabit.”“Manahimik ka.”Ang salitaang ‘kabit’ ang nag trigger sa puso ni Catherine.“Kung ganoon…” Pinalitan ni Freya ang pinag-uusapan. “Kahit anong mangyari, wala nang pwedeng gawin sa’yo si Shaun sa hinaharap.”Tinikom ni Catherine ang labi niya at tinanong ang komplikadong nararamdaman niya, “Ganoo
Pakiramdam ni Catherine sasabog ang ulo niya.Pagkatapos makaaalis sa isla, masyado siyang maraming nasagap na nakakagulat na balita.Kahit matanda na si Old Master Hill, nakasama niya ito at alam niyang maganda ang kalusugan nito. Para naman kay Willie, kahit na tinarget siya nito noon sa Melbourne, naka move on na siya nang hubaran niya ito sa banyo.Tinulungan pa nga siya nito nang pumunta siya sa Hill Manor noong unang beses pagkatapos dumating sa Canberra. Hindi niya inasahang mababaliw ito.“Hindi ba ito nireport ng pamilyang Hill sa pulis?” Hindi niya matiis na hindi magtanong.“Anong irereport nila? Pinipilit ng pamilyang Campos na sinubukang molestyahin ni Willie ang ang asawa ni Ivan at dinala ito saa villa. Nang dumating si Shaun, huli na ang lahat. Naglapag ng maraming pera si Ivan para sa medical expenses. Kahit na pumunta si Shaun sa pulis, magbabayad lang ng compensation ang pamilyang Campos.“Sa pamilyang Campos at Hill, ang huling pakialam nila ay pera. Isa pa,
“Iuuwi?”Mahinang tumawa si Liam habang namumula ang mukha at may luha sa mukha. “Saan ako iuuwi? Wala akong bahay.”Hindi siya hinayaang bumalik ng pamilyang Hill at sa pamilyang Campos, may asawa’t anak na si Mason.Kahit saan siya pumunta, wala siyang halaga.“Humanap muna tayo ng hotel na matutuluyan niyaa.”Tinulungan ni Wesley si Liam pumasok sa sasakyan at sumuka si Liam na naging dahilan bakit bumaho ang kotse.Kaagad binuksan ni Cathy ang bintana nang may nahihiyang itsura. Kotse kasi ito ni Wesley, “Wesley, paumanhin…”“Huwag kang mag-alala. Asawa kita. Bakit ka humihingi ng paumanhin?” Binigyan niya ng kakaibang tingin ni Wesley. “Sa totoo lang, tinulungan ako ni Liam dati kaya maganda ang impresyon ko sa kanya.”Nagulat ni Catherine. “Narinig ko si Freya tungkol sa pamilyang Hill. Sa tingin mo ba si Liam—”“Merong mga tsismis na hindi dapat pinapakinggan. Si Liam man o hindi, kailangan mo siyang kausapin at intindihin bago mo siya husgahan,” Pinutol siya ni Wesley
Binaba ni Wesley ang ulo niya at marahang humigop ng tsaa, tinatago ang madilim na kislap sa kanyang mga mata.Nang tumingala siyang muli, ang mga mata niya ay mahinhin at namimighati. “Cathy, hayaan mong itanong ko sa’yo. Boluntaryo ka bang nakipagtalik sa kanya?”“Malamang hindi.” Agad na itinanggi ito ni Catherine.“Edi ‘yun na ‘yun.” Marahang hinawakan ni Wesley ang kamay ng babae. “Cathy, may nabasa ako dati. Kapag ang asawa mo ay kinidnap ng mga gangsters, bilang lalaki, gusto mo bang magresist siya ng buong buhay niya o sumunod para iligtas ang buhay niya? Kung ako ito, pipiliin ko ‘yung huli. Walang mas importante pa para sa akin kundi ang kaligtasan at buhay ng asawa ko.”“Wesley…” Ang puso ni Catherine ay nanginig, at mga mata niya ay hindi mapigilan na mamula.“Hindi ako ang tipo na mahuhung up tungkol sa unang beses ng babae. Alam ko na ito nang piliin kong pakasalan ka.” Pagpapatuloy ni Wesley, “Sa araw ng kasal, inagaw ka ni Shaun. Bakit kita sisisihin? Pwede ko lang
Nagpanggap si Regina na takot at sinabi sa mahinang boses, “Pero ang mga tao sa kumpanya ay lahat nagtataka kung buntis ba siya sa anak ni Shaun matapos mawala ng sobrang tagal.”Ang madilim na mga mata ni Wesley ay napuno ng uhaw sa dugo na kilabot. Pinisil niya ng malakas ang baba ni Regina, at ang kanyang eleganteng mukha ay naging bahagyang nakakatakot. “Regina, hindi ko inaasahan na makikipaglaro ka sa akin ng mga mind games.”Si Regina ay natakot at nanginig. “P-President Lyons, nag…nagsasabi ang ng totoo.”“Ito ang katotohanan, ngunit ang pinanggalingan nito ay iba dahil sadya mong sinasabi ito sa akin,” matalas na ngumisi si Wesley.Namutla ang mukha ni Regina. Hindi niya inaasahan ang rasyonal na si Wesley na magkaroon ng mga mata na kagaya sa demonyo ngayon.Gayunpaman, hindi ito nakakagulat. Ang ibang tao ay hindi ito alam, pero bilang sekretarya niya, alam niya na malapit na nagtatarabaho ang lalaki kasama ang Campos Corporation. Siya ay kasing unfathomable ni Mason Ca
Kalmadong tumingin si Chance sa lalaki. “Kapag hindi ka pumunta, walang pagkakataon para sayo na maging buo.”Mapait na tumawa si Liam.Sige. Hindi bitawan ni Shaun ang usapin. Alam niya na iyon.Anyway, gusto niya rin humanap ng pagkakataon na makausap si Shaun. Hindi niya gusto ang pagkakaroon ng label ng isang traydor na nakatatak sa kanya sa natitira niyang buhay.Hindi nagtagal, dinala siya ni Chance sa hall sa Liona kung saan nakalagay ang memorial tablets ng elders ng pamilyang Hill.Umupo si Shaun sa upuan sa gilid. Ang gwapong mukha niya ay walang pakialam, at ang kanyang tunay na emosyon ay talagang hindi makita.“Eldest young Master Hill, dinala ko siya rito.” Malakas na sinipa ni Chance ang ankle ni Liam.Hindi ito naagapan ni Liam at nalaglag sa kanyang mga tuhod. Sinubukan niyang tumayo, pero si Chance ay pwersahan siyang dinidiin pababa.Nagngitngit siya ng ngipin at mapanghamon na tumitig kay Shaun. “Wala akong ginawang masama, o trinaydor ang kumpanya. Shaun, s
Sa lalong pagsasalita ni Shaun, mas lalo siyang nagagalit. Bigla niyang hinila pataas si Liam at walang awang sinuntok ang lalaki.Si Liam ay may hangover at talagang walang laban kay Shaun. Kasabay ng mga mental blows na naranasan niya, ang buong pagkatao niya ay naging muddle-headed.Binugbog siya ni Shaun hanggang sa dumura siya ng dugo.Humiga siya sa lapag at nagsimulang tumawa. Tumawa siya ng sobra na namuo ang luha sa mga mata niya.Anong… nagawa niyang masama?Wala siyang ginawa. Bakit siya sinisisi ng lahat?“Suntukin mo ‘ko, Shaun. Bugbugin mo ‘ko hanggang kamatayan kung kaya mo!” Sumigaw si Liam sa lalaki habang namumula ang mga mata.“Hindi kita bubugbugin hanggang kamatayan, pero gusto kong gawin ka na walang kakayahan na pamunuan ang Campos Corporation sa natitira mong buhay. Si mason Campos ay isang masamang lalaki. Sa tingin mo gusto niya ng pilay na anak?”Pumulot si Shaun ng bakal na tubo at malakas na hinampas ang binti ni Liam.Narinig ni Liam ang crack na
Biglang naalala ni Catherine si Logan at sumama ang pakiramdam niya. “Pinutol mo ang daliri niya?”Walang masabi si Shaun. Ang iniisip ba nito ay isa siyang baliw na demonyo na namumutol ng daliri ng tao?Nang hindi siya nagsalita, nagalit si Catherine. “Shaun Hill, naniniwala ako na hindi si Liam ang nagnakaw ng datos ng Hill Corporation. Hindi siya ganun na tao.”“Naniniwala?” May apoy na sumiklab sa puso ni Shaun.Iyon ay salita na hindi sila nagkaroon para sa isa’t-isa, gayon pa man ay nag-aalala siya para kay Liam.“Catherine Jones, huwag ka maging walang muwang. Naniniwala ka kay Liam dahil lang tinulungan ka niya ng isang beses. Anak siya ni Mason Campos, at tinago ni Mason ang totoo niyang kulay sa pamilyang Hill nang mahigit 20 na taon. Ang magtatay na iyon ay may balak. Nakita mo ba kung ano ang nangyari sa akin ngayon? Naging ganito lang ang Hill Corporation dahil naniwala ako sa kanya.”“Naniniwala ako na sina Liam at Mason ay magkaiba.”Pilit ni Catherine. Maaari na