Nang maipadala sa presinto si Logan, kinakailangan niya munang maipagamot sa ospital bago muling sumailalim sa interrogation ayon sa standard procedure. Sa buong prosesong ito’y nasa kamay siya ng kapulisan, kaya’t hindi matuturuan ni Shaun ng leksyon si Logan.“Gagawa rin ako ng police report.” Paglalakad niya pababa ng hagdan habang tinuturo si Catherine. “Dinukot ng babaeng iyan ang pamangkin ko at balak pa siyang saktan. Imbestigahan niyo ‘yan ngayon din!” “Sige ho, Mr. Hill, ate, sumama na lamang ho muna kayo sa presinto,” Ang sinabi ng pulis.Matapos nito’y ipinadala si Logan sa ospital sakay ng isang ambulansya. Nakaupo si Catherine sa sasakyan ng pulis habang nakasunod si Shaun sakay ng isang sedan na ipinadala ng Liona.Pagkarating nila sa presinto ay dumating si Liam dala-dala si Suzie.“Hello po, Mr. Police,” Palambing na bati ni Suzie pagkapasok.“Kumusta ka, anak?” Matapos nitong kurutin nang pabiro sa kanyang pisngi si Suzie ay nalilito-litong tumingin ang pulis ka
Habang nakasakay sa sports car ay hindi pumaliwalag si Suzie sa kapit nito sa mga bisig ni Catherine. Tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. “Mommy, ganon po bang kasakit? Ayoko na po kay papa. ‘Wag na po kayong sumama sa kanya.”“‘Wag kang mag-alala. Okay lang ako.” Hinawakan ni Catherine ang ulo ni Suzie. “Suzie, maganda ang nagawa mo ngayon. Pasensya ka na at ginamit pa kita.”Kung maaari ay ayaw idamay ni Catherine ang kanyang mga anak sa mga gulo.“Okay lang naman po. Ginawa niyo lang naman po iyon para sagipin si Uncle Logan. Isa pa po, palagi pong nakikipaglaro sa akin si Uncle Austin.”“Makipaglaro ka na lang kay Uncle Liam mamaya. Kailangan ko pang maghanap ng ebidensyang magpapatunay na inosente ang Uncle Logal mo.” Hinalikan ni Catherine ang noo ni Suzie. “Balikan kita mamaya pagkatapos ko magtrabaho, okay?”“Mm. Good girl po si Suzie.” Tungo ni Suzie sabay singhot.“Kailangan mo ba ng tulong?” Tanong ni Liam.“Hindi na, kahit tulungan mo na lang akong alagaan si Su
Kinuyom ni Liam ang kanyang mga kamao at nadidismayang sinabi, “Hindi ako pwedeng umalis ngayon. Masyado pang bata si Suzie. Pwede mo naman itong ipagawa sa iba…”“Marami ang pwedeng mag-alaga kay Suzie. Isa pa, masyado kang malapit sa babaeng iyon. Hindi ako panatag na mapapalaki mong maayos si Suzie. Ayokong magkakaroon pa ulit ng pagkakataong magiging hostage ang bata. Wala pa siyang puwang sa mundo. Ikaw ang ama, ngunit nakipagsabwatan ka sa ibang tao upang gamitin si Suzie at pagbantaan ako. Naisip mo bang paano na lamang kung seryoso si Catherine at namatay ang bata?”Tinignan nang masama ni Shaun si Liam. “Ako ang ulo ng mga Hill at bilang si Suzie ay kasapi ng mga Hill, may karapatan akong pagdesisyunan ang anumang bagay patungkol sa inyong lahat.”“Napakayabang mo talagang tao.” Nababagot na si Liam. “Bakit ba ang sama ng tingin mo kay Cathy? Napakamalas niya talagang nahulog ang isang tulad mo sa kanya.”“Nahulog?” Ngisi ni Shaun. “Hindi karapat-dapat ang mga katulad niya
Sumagot si Shaun gamit ang kanyang malalim na boses, “Hindi iyon mangyayari. Ako na ang bahala sa kasong ito.”“Mabuti kung gayon. Walang kasong hindi naipapanalo ni Shaunic.” Tumingala si Sarah upang ngitian si Shaun....Kinagabihan, sa manor ng mga Hill.Kahit na hindi niya ito madalas na gawin ay pumunta roon si Shaun. Hindi naging kumportable ang pakiramdam ni Old Madam Hill nang makita niya ang lalaki. “Sa kabilang direksyon ata tumaas ang araw. Sa wakas ay nagkaroon ka rin ng panahon para umuwi rito. Ano ‘yang nasa kamay mo?”“Ang pinakabagong Barbie doll.” Dinala niya ito kay Suzie na siyang nagmemeryenda. “Ibibigay ko sa’yo ito, ha?”Hindi siya ang tipong may pakialam sa nararamdaman ng mga bata, ngunit nasaktan siya sa mga binitiwang salita ng bata kahapon. Hindi siya makatulog buong gabi dahil doon.Hindi niya maunawaan kung bakit siya nag-aalala masyado para sa anak ni Liam. May kakaiba talaga siyang pakiramdam.“Ayaw.” Pag-iiwas sa kanya ni Suzie. Tumakbo ang bata
”Syempre naman, kaya ko.” Nilagay ni Suzie ang kamay niyaa sa maliit na bewang niya. “Sa bahay na ‘to, totoong gusto ako ni Uncle, Great-grandma, Great-grandpa, Grandma, at Granduncle pero hindi ako gusto nina Grandpa, Grandaunt, and my Great-grandma, Great-grandpa, uncles at aunts galing sa puder ng ama ko.Nagulat si Shaun at nagsalit lang makalipas ang ilang minuto. “Ibig mo bang sabihin na hindi ka gusto ng grandpa at ng grandparents, aunts, and uncles sa pamilyang Campos?”“Oo, noong dinala ako ni Daddy sa pamilyang Campos, hindi nila ako pinansin. Inaway pa ko ng isang big brother. Halata namang siya ang mali pero sinabihan ako ni Grandpa na humigi ng tawad.” Binaba ni Suzie ang ulo niya at kinuyom ang maliit na kamao.“Lumaki ako kay Mommy simul nung mliit ko kaya magaling ako magbasa ng ekspresyon ng mga tao.”Nanliit ang puso ni Shaun pero hindi niya masabi kung bakit. “Huwag ka nang pumunta sa pamilyang Campos kahit kelan. Kung nabuburyo ka, ako ang hanapin mo.”“Hindi n
Medyo nagulat si Shaun.Ilang taon na nga nang tigilan niyang kumuha ng kaso. Kung hindi nagsalita si Thomas sa ospital nung araw na iyon, baka hindi niya naisipang pumunta sa korte mismo.Masasabi niyang natulak silang dalawa ni Thomas sa bingit ng pag-aaway.Sa kailaliman ng puso niya, merong malakas na kislap ng iritasyon at inis. Ngunit, tuwing pag-iisipan niyang mabuti, inalis na niya ang huling bakas ng pagmamahal niya kay Catherine nang gamitin nito si Suzie para takutin siya.Dahil hindi niya alam pano alagaan ito, bakit siya magkakaroon ng pakialam.“Tama na, alam ko kung anong ginagawa ko. Lumabas ka na,” malamig na sabi ni Shaun.Sinara ni Hadley ang pinto sa likod niya at bumuntong hininga. Nang makita niyang nagkaayos ang Eldest Master Hill at si Catherine, nagdalawang isip siya kung dapat niya bang sabihin na ang tungkol sa anak niya pagkatapos nilang ikasal.Ngunit, hindi na ata kailangan ngayon. Si Eldest Young Master Hill ay palaging magiging ganap na kaniyak ni
Sinara ni Catherine ang mata niya at nginitngit ang ipin niya. “Labas.”Sa susunod na mga araw, abala si Catherine at Austine na maghanap ng ebidensya....Mabilis na dumating ang Martes. Nang bisitahin siya ni Wesley, nakita niya na ang mata nito ay pulang-pula at ang mukha ay nangayayat. Nanliit ang puso nito. “Pupunta ka sa korte bukas. Nakahanap ka na ba ng ebidensya?”“Oo.” Kinamot ni Catherine ang pagod niyang mata. “Nakahanap kami ng konting ebidensya. May tyansang manalo pero hindi malaki.”“O?” Nagninging ang mata ni Wesley nang may kahulugan. “Ano? Nagtataka ako.”“Hindi ko muna sasabihin. Malalaman mo na lang bukas.” nag-aalalang sabi ni Catherine, “Pero ang tyansang manalo ay napaka liit. Kung tutuusin… ang kabilang kampo ay si Shaun Hill, na kailanmang hindi natalo. Bukas, imbis na hayaan ang judge nasabihing inosente si Logan, susubukan naming kumbinsihin si Shaun. Hanggang sa naiintindihan niya na namanipula si Logan, meron tayong tyansang manalo.”“Hindi na kail
”Mabuting alam mo,” sinabi ni Wesley na nakangiti. “Ito ay kagaya lamang ng kung paanong nandito ka sa puso ko. Kahit na hindi mo ako tanggapin, automatic akong maglalagay ng malinaw na linya sa ibang babae. Sa opinyon ko, ang tunay na pag-ibig at katapatan ay dapat ganito.”“Oo, alam ko na kung sino ang karapat dapat na i-cherish ngayon.” Hinawakan ni Catherine ang kamay ni Wesley. “Salamat sa laging paghihintay sa akin. Ayaw ko nang biguin ka.”“Nakakatuwa ‘yan.” Ang marahan at eleganteng mukha ni Wesley ay napuno ng galak.Excited niyang niyakap si Catherine at inikot-ikot. “Cathy, sobrang tagal ng paghihintay ko para sa araw na ito. Hindi ako nananaginip, ‘di ba? Hindi mo ‘ko iiwan para kay Shaun muli sa sunod, tama?”“Hindi, pero hindi ko pababayaan si Sarah at ang kapatid niya. Kailangan kong makapaghiganti sa ngalan ng pamilya ni Charity,” nagngitngit si Catherine ng ngipin at sinabi.“Okay, sasamahan kita sa hinaharap.” Umunat si Wesley para yakapin ng mahigpit ang babae,