Share

Kabanata 887

Nang maipadala sa presinto si Logan, kinakailangan niya munang maipagamot sa ospital bago muling sumailalim sa interrogation ayon sa standard procedure. Sa buong prosesong ito’y nasa kamay siya ng kapulisan, kaya’t hindi matuturuan ni Shaun ng leksyon si Logan.

“Gagawa rin ako ng police report.” Paglalakad niya pababa ng hagdan habang tinuturo si Catherine. “Dinukot ng babaeng iyan ang pamangkin ko at balak pa siyang saktan. Imbestigahan niyo ‘yan ngayon din!”

“Sige ho, Mr. Hill, ate, sumama na lamang ho muna kayo sa presinto,” Ang sinabi ng pulis.

Matapos nito’y ipinadala si Logan sa ospital sakay ng isang ambulansya. Nakaupo si Catherine sa sasakyan ng pulis habang nakasunod si Shaun sakay ng isang sedan na ipinadala ng Liona.

Pagkarating nila sa presinto ay dumating si Liam dala-dala si Suzie.

“Hello po, Mr. Police,” Palambing na bati ni Suzie pagkapasok.

“Kumusta ka, anak?” Matapos nitong kurutin nang pabiro sa kanyang pisngi si Suzie ay nalilito-litong tumingin ang pulis ka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status