”Oo,” sumagot si Catherine sa mahinang boses. Pareho ang iniisip niya....8:30 a.m.Ang trial ay opisyal na nagsimula.Inilabas si Logan. Nitong mga araw, nagpapagaling siya sa ospital medyo maayos na. Gayunpaman, umiika pa rin siya habang naglalakas at ang kamay niya ay nakabalot sa makapal na gauze.Nag-iba ang ekspresyon ni Austin. Patayo pa lamang siya ngunit diniinan ni Catherine ang balikat niya habang tinitignan siya.Nagngitngit ng ngipin si Austin at umupong muli,.Ang judge ay tumingin sa lahat at pinukpok ang gavel, inanunsyo ang simula ng hearing. “Ang nagsasakdal, si Sarah Neeson, ay inaakusahan si Logan Law sa pagkidnap sa kanya sa ika-28 ng buwang ito. Ano ang gustong sabihin ng nasasakdal?”Klinaro ni Mr. O’Neill ang kanyang lalamunan at tumayo sa ilalim ng kakaiba at provoking na mga mata ng lipon ng mga tao. “Ang nasasakdal ay nagsusumamong hindi guilty. Ang nasasakdal ay naframe.”Tumayo si Shaun, ang kanyang gwapo at katangi-tanging itsura ay hindi maikuku
”Mayroon—”Hindi natapos sa pagsasalita si Mr. O’Neill.Gayunpaman, biglang malupit na sinabi ni Shaun, “Mr. O’Neill, sabo mo na ang mga witnesses ay nakita ang eksenang ito ng maaga ng umaga ngunit naalala ko na ang langit tuwing umaga nitong mga arw ay hindi gaanong kaliwanag, lalo na sa gubat kung saan nangyari ang insidente. Sabi mo na ang witness ay nakita si Sarah Neeson na naglalakad papunta sa gubat sa likod ng dalawang lalaki at hindi nakidnap. Sa ganoong lighting, posible bang malinaw nilang nakita kung nakatali ba ang mga kamay ni Sarah Neeson?”Sandaling natigilan si Mr. O’Neill. “Sa tingin ko pwede muna natin silang papuntahin sa korte…”Agresibong sinabi ni Shaun, “Ang lokal na mga magsasaka ay sigurong kapos sa pera. Madali na mabili sila ng pera para ibahin ang kanilang pagtatapat.”“Tumututol ako…”Ngumisi si Shaun, “Mr. O’Neill, hindi kita kailangan paalalahanan na ang pagbili ng false witnesses ay ilegal. Sa katotohanan, katawa-tawa sila na sabihin sa kanilang
Tinikom ni Shaun ang manipis niyang labi.Alam niya na bilang abogado, tiyak na matatalo si Sarah kapag hindi siya nagsalita.Subalit, noong nasa harap na niya ang ebidensya, napilitan siyang pumalya.Balisang nag-abiso si Thomas nang nakita niya na hindi gumagalaw si Shaun. “Eldest Young Master Hill, bilisan mo at ipagtanggol mo si Sarah. Si Logan ay makakalaya kapag hindi ka nakikipagtalo pabalik.”Nakita ito ni Mr. O’Neill at sinabi, “Mr. Hill, alam ko na sikat ka na alamat sa legal na mundo at hindi pa natatalo, ngunit tulad ng sinabi mo, kailangan din ng mga abogado maging tapat. Sa larangan ng sophistry, tiyak na mas mababa ako sa iyo.”“Subalit, maraming mga punto ng pagdududa sa kaso na ito. Si Logan Law ay isang binata na 21 anyos. Kapag nauwi siya sa kulungan, malalampasan na niya ang mga gintong panahon ng buhay niya pagkatapos siya palabasin. Ang pinaka trahedya na bagay ay malinaw na biktima siya. Siya ay drinoga noong nasa kweba siya.”Pagkatapos sabihin noon, nagka
”Ito ay may kaugnayan sa akin?” Hindi namalayan ni Shaun sumimangot.“Oo.” Tumango si Mr. O’Neill. “Si Logan Law ay bodyguard ni Miss Catherine Jones. Sa pagkakaalam ko, nagdate kayo ni Miss Jones hanggang nakaraang mga araw at dating nobya mo si Sarah Neeson. Nakita mo mismo si Logan Law na sinusubukan atakihin si Sarah Neeson, kaya akala mo na si Catherine Jones ang nag-utos kay Logan Law na gawin iyon.”“Samakatuwid, nagalit ka at nagkaroon kayo ni Miss Jones ng matinding hindi pagkakaunawaan. Naghiwalay ulit kayong dalawa. Nagpunta ka kay Sarah Neeson, ang biktima, dahil sa pagsisisi. Sa parehas na oras, nagdesisyon ka sa puso mo na si Catherine Jones ay isang masamang babae na hindi karapat dapat ng pagmamahal mo-”“Anong ibig mong sabihin doon?” Tumayo si Sarah dahil sa pagkabalisa. “Muntik na ako masira ng ibang tao, ngunit nagsasalita ka na para bang sinadya ko i-frame si Logan Law. Pakiusap lang, tignan mo ang mga sugat ko. Muntik na ako mamatay. Kung alam ko lang na sisira
”Hindi, ako dapat ang humingi ng tawad sa iyo.” Napunta ang mata ni Catherine sa nawawala niyang daliri at napuno ng pagsisisi ang mata niya. “Kung hindi dahil sa akin, hindi ka nila pinuntirya sa una pa lang.”“Normal lang iyon. Sinisisi ko ang sarili ko sa pagiging pabaya masyado." Mapait na ngumiti si Logan. "Napagtanto ko lang ito noong pinakita mo ang footage ngayon lang. Ang likod ng dalawang dumukot ay pareho sa mga lalaki na sangkot sa kamatayan ni Lucifer noong gabing iyon."Nagulat si Catherine. "Mukhang sila ay galing sa isang grupo lang. Sayang lang na hindi pa rin natin nabubunyag ang tao sa likod ni Sarah.""Kailangan natin mag dahan-dahan." Nasaktan si Logan. "Sobrang sakit ng sugat ko. Dapat ako bumalik sa ospital.""Bumalik ka pagkatapos mo gumaling," Paalala sa kanya ni Catherine sa mababang boses."Oo. Austin, alagaan mo mabuti si boss. Kapag may nangyari sa kanya, pagbabayarin kita pagbalik ko," Nagbigay ng babala si Logan bago umalis kasama ang mga pulis....
Nang pinag-isipan niya ito maigi, talaga bang nawala ni Sarah ang kalinisang puri niya kay Logan? Hindi. Bagkos, paano naman si Logan? Naputol ang daliri niya, naging adik siya sa droga, at ang katawan niya ay may peklat.“Shaun, hindi mo ako pinaniniwalaan?” Miserable siyang tinignan ni Sarah habang namumutla.Tinignan rin siya ni Shaun.Ito ang babae na minahal niya dati. Kahit pa hindi na niya ito mahal, gusto niya rin ito protektahan maigi. Subalit, bigla niya nalaman na hindi na niya ito maintindihan.Kay Lucifer niya ito unang beses naramdaman.Ngayon naman, bigla siyang nadukot kung kailan nagkakamabutihan na silang dalawa ni Catherine. Pagkatapos ay nagbago ang lahat.Kung hindi dahil sa magkapatid na ito, hindi niya sana naputol ang daliri ni Logan at hindi niya rin sana kinuha ang kaso.Kung lahat ng ito ay talagang plano ni Sarah, tataas talaga ang mga buhok niya.“Sarah, ang kaso mo ay opisyal na kinuha ng pulis sa hinaharap. Susubukan nila ang kanilang makakaya na
Sumikip ang dibdib ni Shaun nang marinig niya ang mga salita ni Freya.Tumingin siya sa nanlalamig na mukha ni Catherine at biglang naalalang kani-kanina lamang ay lumalangoy pa silang dalawa sa may Mount Wellington. Naaalala ni Shaun ang mga malilinaw na mata ng babae, pati na ang pagiging mapagbiro nito paminsan-minsan, at kung paanong kaaya-ayang pakinggan ang kanyang tawa.Papaano itong nagbago lahat sa isang iglap?“Umm…”“Hindi mo na kailangang humingi ng dispensa.” Pinutol siy ang malinaw ngunit malamig na tinig ni Catherine. “Dahil hinding hindi kita mapapatawad.”“Kung ako sa’yong bumalik ka na lamang sa pagpoprotekta diyan sa Sarah mo,” Panunuyang sinabi ni Freya, “Diyan sa Sarah mong anuman ang mangyari ay hindi ka magdadalawang-isip pang kumaripas papunta sa kanyang tabi upang samahan at protektahan siya. Shaun Hill, bakit hindi mo maamin na sadyang napaka-espesyal ng posisyon ni Sarah diyan sa puso mo?“Sinasabi mong hindi mo siya mahal, ngunit gusto mo siyang protek
Sa loob-loob niya’y bumuntong-hininga si Hadley. “Eldest Young Master Hill, kalimutan niyo na po siguro si Miss Jones at magkanya-kanya na lamang po kayo.” Binalaan na niya ang lalaki noong gabing iyon, ngunit sa kasamaang-palad ay hindi ito nakinig. Masyado niyang pinaniwalaan si Sarah.Pinagsisisihan na niya ito ngayon, kung kailan huli na ang lahat.“Kalimutan siya?” Biglang tumingala si Shaun at tumayo upang hawakan si Hadley sa kanyang mga kwelyo. Mistulan siyang leon na malapit nang mamatay. “Papaano ko siya malilimutan?”“Noong tinulungan ninyo si Ms. Neeson sa kanyang kaso, hindi ba’t tinigilan niyo nang isipin kung ano ang mangyayari sa relasyon ninyo ni Miss Jones? Kung gayo’y matagal na kayong nakapaghanda para rito.” Paalala sa kanya ni Hadley.Nanigas si Shaun. Tila’y isang malutong na sampal sa kanyang mukha ang mga salitang binitiwan ni Hadley.Oo, napagdesisyunan na niya noon na hindi na niya mamahalin pa si Catherine, ngunit bakit hindi niya ito mapakawalan ngayon