Sumikip ang dibdib ni Shaun nang marinig niya ang mga salita ni Freya.Tumingin siya sa nanlalamig na mukha ni Catherine at biglang naalalang kani-kanina lamang ay lumalangoy pa silang dalawa sa may Mount Wellington. Naaalala ni Shaun ang mga malilinaw na mata ng babae, pati na ang pagiging mapagbiro nito paminsan-minsan, at kung paanong kaaya-ayang pakinggan ang kanyang tawa.Papaano itong nagbago lahat sa isang iglap?“Umm…”“Hindi mo na kailangang humingi ng dispensa.” Pinutol siy ang malinaw ngunit malamig na tinig ni Catherine. “Dahil hinding hindi kita mapapatawad.”“Kung ako sa’yong bumalik ka na lamang sa pagpoprotekta diyan sa Sarah mo,” Panunuyang sinabi ni Freya, “Diyan sa Sarah mong anuman ang mangyari ay hindi ka magdadalawang-isip pang kumaripas papunta sa kanyang tabi upang samahan at protektahan siya. Shaun Hill, bakit hindi mo maamin na sadyang napaka-espesyal ng posisyon ni Sarah diyan sa puso mo?“Sinasabi mong hindi mo siya mahal, ngunit gusto mo siyang protek
Sa loob-loob niya’y bumuntong-hininga si Hadley. “Eldest Young Master Hill, kalimutan niyo na po siguro si Miss Jones at magkanya-kanya na lamang po kayo.” Binalaan na niya ang lalaki noong gabing iyon, ngunit sa kasamaang-palad ay hindi ito nakinig. Masyado niyang pinaniwalaan si Sarah.Pinagsisisihan na niya ito ngayon, kung kailan huli na ang lahat.“Kalimutan siya?” Biglang tumingala si Shaun at tumayo upang hawakan si Hadley sa kanyang mga kwelyo. Mistulan siyang leon na malapit nang mamatay. “Papaano ko siya malilimutan?”“Noong tinulungan ninyo si Ms. Neeson sa kanyang kaso, hindi ba’t tinigilan niyo nang isipin kung ano ang mangyayari sa relasyon ninyo ni Miss Jones? Kung gayo’y matagal na kayong nakapaghanda para rito.” Paalala sa kanya ni Hadley.Nanigas si Shaun. Tila’y isang malutong na sampal sa kanyang mukha ang mga salitang binitiwan ni Hadley.Oo, napagdesisyunan na niya noon na hindi na niya mamahalin pa si Catherine, ngunit bakit hindi niya ito mapakawalan ngayon
“Ay oo magandang ideya ‘yan! Kung gayo’y abay ako diyan ha. Matagal ko nang hinihintay itong araw na ito!” Taos-puso ang sayang nararamdaman ni Freya para sa kaibigan.Natigilan si Catherine.Oo, kinasal na siya noon, ngunit hindi pa siya nakaranas ng mismong seremonya. Ngayong pinag-iisapan niya ito’y naawa siya para sa sarili.“Sige, kung gayo’y maghanda ka nang maging abay.”Huminto ang sasakyan sa harapan ni Wesley, at lumabas si Catherine muna rito.“Nabalitaan kong nanalo ka.” Ngiti ni Wesley at kinuha ang kanyang mga kamay.“Oo, salamat sa ebidensyang binigay mo.” Tumingin si Catherine sa lalaki. “Ipagluluto kita mamaya para makapag-celebrate tayo?”“Syempre, kailangan natin itong ipagdiwang.” Iniangat ni Wesley ang kanyang kamay at naglabas ng isang singsing na may dyamante mula sa kanyang bulsa at ipinakita ito kay Catherine. “Ngunit mas maganda kung mga ganitong ang nilalaman ng mga kamay na iyan. Hayaan mong ako na lamang ang magluto.”Tinignan ni Catherine ang sin
Kalagitnaan ng gabi sa clubhouse.Nang sa wakas ay nakita ni Chester si Shaun, lasing na agad ang lalaki, ngunit may hawak pa rin itong isang bote ng alak sa kanyang kamay at dito siya direstong umiinom.“Tama na, baka hindi kayanin ng tiyan mo.” Tinangkang ilayo ni Chester ang bote ng alak kay Shaun.“Akin na!” Bahagyang namumula ang mga mata ni Shaun. Tinapik niya nang malakas ang kanyang dibdib at paos ang kanyang boses. “‘Di bale nang sumakit ang tiyan para hindi ko mapansin ang sumasakit dito. Hindi ako isang l*ntik na tao. Papaano ko siya… sinaktan nang gano’n?”May kakaibang itsura sa pagtingin ni Chester. Bagama’t matagal na niyang kilala ang lalaki, tila’y ngayon niya pa lamang ito makitang… umiyak.Umiiyak nga siya.“Huwag mong sabihin ‘yan.” Umupo sa kanyang tabi si Chester at nagsindi ng sigarilyo. “Hindi naman natin inaasahang ganoon pala ang nangyari kay Logan Law.”“Chester, tingin mo ba’y… kagagawan itong lahat ni Sarah?” Blangko ang tingin ni Shaun. “Ayaw ko siy
Ngunit, bago ang operasyon…Nginitngit ni Shaun ang ipin niya at ininda ang sakit, binato niya ang phone kay Chester. “Hanapin mo ang number ni Catherine. Tawagan mo siya gamit phone mo.”Magkaibigan sila ng ilang taon, kaya alam niya agad ang iniisip ni Shaun. Ngunit, pakiramdam niya hindi pupunta si Catherine. Kahit na ganoon, habang tinitignan niya ang maputlang mukha ni Shaun, hindi niya matiis na hindi tawagan si Catherine.“Hello.” Isang malambing na boses ng babae ang maririnig.Nag-’ehem’ si Chester. “Si Chester ito. Maraming nainom si Shaun at nagkabutas ang sikmura nito. Kailangan niyang operahan—”“Hindi ako doktor,” pagputol ni Catherine at diretso at malamig na sinabi.“Umubo siya ng dugo.” Mapait na ngiti ni Chester. “Nagsisisi na si Shaun ngayon. Hindi ko pa siya nakitang magdusa ng ganito. Pwede ka bang pumunta? Kailangan ka talaga niya.”“Maling tao ang tinawagan mo. Sa tingin ko si Sarah ang kailangan niya. Huwag mo na akong tawagan ulit. Kung mamatay man siya,
Kinakabahan si Thomas. “Sarah anong dapat natin gawin? Kung hindi nila tayo papansin sa susunod, mahihirapan tayong panghawakan ang capital.”“Nagkukunwaring galit lang si Shaun, hindi niya ako iiwan. Isa pa, hindi naman habang buhaay naakakulong si Rodney. Hindi siya pwedeng ikulong ng pamilyang Snow habang buhay,” Nginitngit ni Sarah ang ipin niya at sinabi.“Ugh, akala ko ito na ang opurtunidad para makipagbalikan ka sa Eldest Young Master Hill pero muntik ko na makaligtaan. Sinong mag-aakalang mananalo si Catherine sa kaso?” Dahan-dahn siyang tinignan ni Thomas at tinanong.“Huwag kang magsalita ng kung ano-ano. Wala akong ginawa.” Titig ni Sarah ng masama. “Bumalik ka na.”“Sige.” Kibit-balikat ni Thomas. Tinanggi niya pero hindi ito naniniwala sa kanya.Pagkaalis ni Thomas, kaagad nag-dial ng phone si Sarah nang galit. “Maasyado bang pabaya mga tao mo? Parehas lang ito noong kaso ni Lucifer noon. Ngayon, mayroong surveillance footage na naiwan pagkatapos akong makidnap, kahi
Sa susunod na araw.Pagkatapos gumawa ng agahan para kay lucas nang biglang makatanggap ng tawag si Joel galing sa Old Master Yule.“Jole Yule, binenta mo talaga ang shares mo sa kumpanya. Ito ay negosyo ng pamilyang Yule na iniwan sa’min ng ninuno namin. Pumunta ka sa kumpanya ngayon. Kahit na hindi ka pisikal na makakapunta dito, gumapang ka, h*yop ka!”Pinagalitan siya ng old master nang sobrang lakas na kahit si Catherine ay narinig ito sa kusina.“Dad…” Tinignan niya ang ama nang nag-aalala. “Sa tingin ko pumunta si Mr. Kawada sa kumpanya.”“Ayos lang. Napagdesisyunan ko naman nang ibenta ang mga ito, pinaghandaan ko naman nang mapagalitan ng lolo mo.” Mapait at walang pag-asa na ngiti ni Joel.“Sobrang galit ni Grandpa. Natatakot akong hindi ka niya titigilang pagalitan.” Simangot ni Catherine.“Ang pinaka pangit na pwedeng mangyari ay ang itakwil nila ako sa pamilyang Yule. Wala na akong pakialam.” Naaglabas ng mahabang buntong hininga si Joel.“Sinunod ko ang lolo’t lol
”Catherine Jones, paano mong nagawa ang ganitong bagay?”Sinigawan ni Melanie si Catherine sa galit. “Tumagal ng daang taon para madevelop ng mga ninuno natin ang Yule Corporation kung nasaan ito ngayon, ngunit binenta mo ito sa isang tao mula sa Japan. Hindi ka ba natatakot na bumangon sa hukay ang mga ninuno natin para hanapin ka?”“Kapatid, masyado kang hangal. Inenganyo ka ba ni Catherine? Sinusubukan mo bang mamatay sa galit si Mom and Dad? Binigay nila sayo ang shares ng kumpanya dahil pinagkakatiwalaan ka nila. Kung hindi mo gusto ang mga ‘yun, dapat sinabi mo sa amin. Binili sana namin ang mga shares sa kamay mo bilang shareholders. Bakit mo binenta ang mga ‘yun sa iba?”Sobrang galit si Damien na gusto niyang sumuka ng dugo. Akala niya nung una na sa pag eenganyo sa old master na bumalik sa kumpanya, makakabalik din siya at makakakuha ng kontrol sa kumpanya.Gayunpaman, talagang binenta ni Joel ang mga shares at sumali si Kawada. Sa hinaharap, maaaring makontrol ni Kawada