Kinakabahan si Thomas. “Sarah anong dapat natin gawin? Kung hindi nila tayo papansin sa susunod, mahihirapan tayong panghawakan ang capital.”“Nagkukunwaring galit lang si Shaun, hindi niya ako iiwan. Isa pa, hindi naman habang buhaay naakakulong si Rodney. Hindi siya pwedeng ikulong ng pamilyang Snow habang buhay,” Nginitngit ni Sarah ang ipin niya at sinabi.“Ugh, akala ko ito na ang opurtunidad para makipagbalikan ka sa Eldest Young Master Hill pero muntik ko na makaligtaan. Sinong mag-aakalang mananalo si Catherine sa kaso?” Dahan-dahn siyang tinignan ni Thomas at tinanong.“Huwag kang magsalita ng kung ano-ano. Wala akong ginawa.” Titig ni Sarah ng masama. “Bumalik ka na.”“Sige.” Kibit-balikat ni Thomas. Tinanggi niya pero hindi ito naniniwala sa kanya.Pagkaalis ni Thomas, kaagad nag-dial ng phone si Sarah nang galit. “Maasyado bang pabaya mga tao mo? Parehas lang ito noong kaso ni Lucifer noon. Ngayon, mayroong surveillance footage na naiwan pagkatapos akong makidnap, kahi
Sa susunod na araw.Pagkatapos gumawa ng agahan para kay lucas nang biglang makatanggap ng tawag si Joel galing sa Old Master Yule.“Jole Yule, binenta mo talaga ang shares mo sa kumpanya. Ito ay negosyo ng pamilyang Yule na iniwan sa’min ng ninuno namin. Pumunta ka sa kumpanya ngayon. Kahit na hindi ka pisikal na makakapunta dito, gumapang ka, h*yop ka!”Pinagalitan siya ng old master nang sobrang lakas na kahit si Catherine ay narinig ito sa kusina.“Dad…” Tinignan niya ang ama nang nag-aalala. “Sa tingin ko pumunta si Mr. Kawada sa kumpanya.”“Ayos lang. Napagdesisyunan ko naman nang ibenta ang mga ito, pinaghandaan ko naman nang mapagalitan ng lolo mo.” Mapait at walang pag-asa na ngiti ni Joel.“Sobrang galit ni Grandpa. Natatakot akong hindi ka niya titigilang pagalitan.” Simangot ni Catherine.“Ang pinaka pangit na pwedeng mangyari ay ang itakwil nila ako sa pamilyang Yule. Wala na akong pakialam.” Naaglabas ng mahabang buntong hininga si Joel.“Sinunod ko ang lolo’t lol
”Catherine Jones, paano mong nagawa ang ganitong bagay?”Sinigawan ni Melanie si Catherine sa galit. “Tumagal ng daang taon para madevelop ng mga ninuno natin ang Yule Corporation kung nasaan ito ngayon, ngunit binenta mo ito sa isang tao mula sa Japan. Hindi ka ba natatakot na bumangon sa hukay ang mga ninuno natin para hanapin ka?”“Kapatid, masyado kang hangal. Inenganyo ka ba ni Catherine? Sinusubukan mo bang mamatay sa galit si Mom and Dad? Binigay nila sayo ang shares ng kumpanya dahil pinagkakatiwalaan ka nila. Kung hindi mo gusto ang mga ‘yun, dapat sinabi mo sa amin. Binili sana namin ang mga shares sa kamay mo bilang shareholders. Bakit mo binenta ang mga ‘yun sa iba?”Sobrang galit si Damien na gusto niyang sumuka ng dugo. Akala niya nung una na sa pag eenganyo sa old master na bumalik sa kumpanya, makakabalik din siya at makakakuha ng kontrol sa kumpanya.Gayunpaman, talagang binenta ni Joel ang mga shares at sumali si Kawada. Sa hinaharap, maaaring makontrol ni Kawada
Sa ospital.Sa harap ng emergency room, hindi mapigilan ni Melanie na samaan ng tingin si Catherine matapos siyang babaan ng tawag.“Tignan mo ang ginawa mo. Ngayon lang, sabi ni President Kawada na isang board meeting ang gaganapin sa susunod na linggo. Mula sa tono niya, ito ay parang gusto niyang umupo sa posisyon ng chairman.”Walang pakialam na nakinig sa kanya si Catherine at pagilid na sumulyap sa babae. “Hindi ba halata? Akala mo ba na ang isang taong kagaya ni President Kawada ay gusto lamang kumuha ng share ng dividends matapos sumali sa Yule Corporation?”“Ikaw…” Nagalit si Melanie. “Catherine Jones, sadya mo bang ginagawa ito? Tama ‘yan. Matapos ang lahat, ang apelyido mo ay hindi Yule. Wala kang pakialam sa kung sino ang nagmamay-ari ng Yule Corporation. Lahat ng taong kagaya mo ay may pakialam lamang sa pera.”“Hindi mo sinasabi! Sabagay, kahit na ako ang successor ng dad ko, gusto niyong lahat na hindi ako pansinin at hindi ako talagang kilalanin sa kumpanya. Sinabi
”Si Catherine ay hindi isang illegitmate na anak.”“Dahil hindi mo pinaksalan ang mom niya, ibig sabihin nito na isa siyang illegitimate na anak. Ang ganitong klaseng tao ay hindi kwalipikado na maging parte ng bahay ng pamilyang Yule. Kung ipipilit mo na kilalanin siya, hindi na kita anak.” Binalaan ni Old Madam Yule si Joel.“Nasa emergency room pa si Dad, kaya ayaw kong makipagtalo sayo.” Humingal si Joel habang tumatalikod. Sobrang inis siya na ang kanyang mahinang katawan ay nanginginig.“Umupo ka muna, Dad.” Agad siyang hinawakan ni Catherine sa kanyang upuan. “Bababa ako para bilhan ka ng isang bote ng tubig.”Nanukso si Melanie sa kakaibang tono, “Kahit si Granny ay hindi nakaupo sa kabila ng matanda niyang edad. Talagang magaling ka sa pagcurry ng pabor. Hindi kataka-taka na nakuha mo si Uncle Joel na pumalibot sa mga kamay mo.”Matapos, tumalikod siya at dinalhan ng upuan si Old Madam Yule.“Napakamaintidihin mo, hindi kagaya ng iba.” Umiling si Old Madam Yule. Sobrang
Pinirmi ni Catherine ang kanyang walang siglang titig sa maingat na itsura ni Shaun. Ito ay katawa-tawa para sa kanya.Ang sulok ng kanyang bibig ay kinurba ang kanyang mga labi sa isang mapanuksong ngiti.“Sa tingin mo nandito ako para bisitahin ka?” Nanliit si Catherine sa mahigpit na hawak ng lalaki. “Wala na tayong kinalaman sa isa’t isa.”Tumalikod ang babae para umalis, ngunit si Shaun ay sapat na mabilis para tumayo sa harap niya. Bagaman may sakit siya, ang tono niya ay arogante kagaya ng kadalasan. “Kailan ako nakipaghiwalay sayo? Catherine, girlfriend pa rin kita.”“Mr. Hill, talagang mahina ang memorya mo. Hayaan mong ipaalala ko sayo na intimately kang nakahawak sa braso ni Sarah nang nagpakita ka sa korte kahapon.”Talagang namangha si Catherine sa walang kahihiyan na kilos ng lalaki. “Ang isang taong nahihiya ay hindi madadala ang sarili niya na sabihin ang ganitong mga bagay.”“Edi pwede mo akong itrato bilang walang hiya.”Nag-aatubili si Shaun na bitawan ang k
"Pangatlo, iwawalang bahala ko na ang katotohanan na pinilit mo ako kumuha ng diborsyo dahil gusto mo pakasalan si Sarah, ngunit bakit kailangan mo hilingin kay Yael na tanggalin ang mga damit ko? Oo, tinulungan mo ako maghiganti sa kanya, ngunit naiintindihan mo ba ang paghihirap at kahihiyan madaganan sa sahig at matanggalan ng damit paunti-unti? Inapakan mo yung dignidad ko."Ang pang-apat na bagay ay ang kaso ni Logan. Pagkatapos malaman na dinukot si Sarah, iniwan mo ako sa Mount Wellington sa kalagitnaan ng gabi. Nagmamakaawa ako sayo na huwag ka umalis, ngunit walang puso ka na umalis."Pamilya ko si Logan, ngunit paano mo siya tinrato? Tinanggal mo ang daliri niya para mapasaya si Sarah. Shaun, hindi ka ba natatakot sa sarili mo?"Natatakot?Nakakatakot siya?Nanginginig ang kamay ni Shaun.Kung hindi niya nilista ang mga bagay na iyon ng paisa-isa, malilimutan na niya lahat ng masamang gawain na nagawa niya kay Catherine.Hindi talaga siya likas na masama. Subalit, mabi
Sinabi na mismo ni Catherine na wala na siyang nararamdaman kay Shaun.Ang dulo ng mata ni Shaun ay namula ng may kasamang sakit.Hindi na pala siya bibigyan ng tiyansa nito, at hindi na siya bumigay kay Shaun.Subalit, nawalan na siya ng tiyansa noong iniwan niya mag-isa si Catherine sa Mount Wellington noong gabi nang walang pag-aalinlangan.Shaun, oh, Shaun. Para kay Sarah, gaano mo na nasaktan ang babae na ito na minahal ka dati?"Shaun, alam ko na hindi mo papakawalan si Sarah. Sa kaso na ito, magiging magkalaban tayo sa susunod."Umatras si Catherine sa hawak niya at umalis na nang hindi lumilingon pabalik."Huwag mo ako iwan, Cathy…" Kahit gaano siya gusto sundan ni Shaun, nagbukas ang bagong tahi niya, at namantsahan ng dugo ang suot niya. Sa bawat hakbang niya, pakiramdam niya ay hinihiwa pabukas ang sugat niya. Sobrang tindi ng sakit na naging kasing puti ng papel ang mukha niya.Gusto niya ipaalam na ayaw niya maging kalaban nito. Sa halip, gusto niya ito maging noby