Sinabi na mismo ni Catherine na wala na siyang nararamdaman kay Shaun.Ang dulo ng mata ni Shaun ay namula ng may kasamang sakit.Hindi na pala siya bibigyan ng tiyansa nito, at hindi na siya bumigay kay Shaun.Subalit, nawalan na siya ng tiyansa noong iniwan niya mag-isa si Catherine sa Mount Wellington noong gabi nang walang pag-aalinlangan.Shaun, oh, Shaun. Para kay Sarah, gaano mo na nasaktan ang babae na ito na minahal ka dati?"Shaun, alam ko na hindi mo papakawalan si Sarah. Sa kaso na ito, magiging magkalaban tayo sa susunod."Umatras si Catherine sa hawak niya at umalis na nang hindi lumilingon pabalik."Huwag mo ako iwan, Cathy…" Kahit gaano siya gusto sundan ni Shaun, nagbukas ang bagong tahi niya, at namantsahan ng dugo ang suot niya. Sa bawat hakbang niya, pakiramdam niya ay hinihiwa pabukas ang sugat niya. Sobrang tindi ng sakit na naging kasing puti ng papel ang mukha niya.Gusto niya ipaalam na ayaw niya maging kalaban nito. Sa halip, gusto niya ito maging noby
Ngumiti ng kaunti si Catherine. "Ano man ang mangyari, wala na kami kinalaman sa Yule Corporation. Ikaw na ang bahala kung ano ang gagawin mo, Young Master Campis. Ngunit sa sinabi ko na iyon, hayaan mo na paalalahanan kita na baka hindi matalo ni Damien at ng anak niya si Kawada."Sa ganon, umalis na si Catherine at hindi na nag-abala pa tignan ang ekspresyon ni Charlie.'Di kalaunan, lumabas si Melanie sa ward at balisang tumingin sa kanya. "Charlie, ano ang gagawin natin ngayon? Parang desidido na si Joel ibenta ang mga hati, at walang makakapigil sa kanya "Bumagsak ang puso ni Charlie bago nagbuntong hininga. "Hindi natin pwede hayaan si Kawada maging chairman, kahit pa bigyan siya ng tiyansa makilahok sa panloob na kapakanan ng Yule Corporation. Kung hindi, gagawin niyang tau-tauhan ang pamilyang Yule 'di kalaunan."Naging maputla bigla ang mukha ni Melanie. Sa totoo lang, inasahan na niya ito."Si Kawada ay tuso na tao, kaya tiyak na wala kang laban sa kanya. Kailangan nati
"Eldest Young Master, pakiusap at pagtuunan mo muna ang paggaling mo." Paalala ni Hadley, "Malapit na tayo magtagumpay sa microchip natin. Sa ganon, hindi lang Australia ngunit ang buong mundo ang maglalagay ng order sa atin. Ito ay magiging malaking hakbang para sa Hill Corporation ngayon."Nanatiling tahimik si Shaun.Totoo, mas lalaki ang Hill Corporation, at magkakaroon siya ng mas maraming pera para gastusin.Subalit, ano pa ang punto sa paggawa ng maraming pera? Ang babae na gusto niya paggastusan ng pera ay kinamumuhian siya nang sobra.Nanginig bigla ang phone ni Shaun.Ito ay tawag mula kay Sarah. Bago ito, pinadalhan siya ni Sarah ng mensahe tungkol sa paliwanag niya sa balita.Wala siya sa mood para tingnan ito. Sa totoo lang, naiirita lang siya dito.Noong gabi na, tinawagan siya ni Irving na mula sa Liona. "Eldest Young Master, hiniwa ni Miss Neeson ang pulsuhan niya sa bathtub ng villa."Umupo kaagad si Shaun at tinanong nang may kabadong boses, "Kumusta na siya n
Ibinaba ni Thomas ang kanyang phone at sinabi, “Walang puso ‘yang si Young Master Hill. Muntikan ka nang mamatay, ngunit wala pa rin siyang pakialam. Sigh, Sarah, hindi ba’t sa palagay mong nagsasawa na sila diyan sa mga pakulo mong magpapakamatay ka?”“Manahimik ka.” Tahol ni Sarah. “Tingin mo ba’y gusto ko itong ginagawa ko? Hindi niya sinasagot ang aking mga tawag o ni pumunta lamang dito. Kailangan ko pang ipamukha sa kanyang wala akong kinalaman sa nangyari kay Logan.”“Ngunit sa palagay ko’y pinagsususpetyahan ka niya.” Napabuntong-hininga si Thomas. “Ang sa akin lang ha, paano kung tigilan mo na ‘yang si Eldest Young Master Hill? Hindi na rin naman masama si Eldest Young Master Snow.”“‘Wag na ‘wag mo nga siyang mababanggit. Tignan mo nga kung nasaan siya, nakagapos sa puder ng mga Snow.”Ipinikit ni Sarah ang kanyang mga mata.Walang lalaki sa Australia ang makatutulad kay Shaun, kaya’t nagdadalawang-isip siyang pakawalan ito.Isa pa, mahal na mahal niya ang lalaki. Kung
“Magkaibigan?”Natawa si Shaun. “Ang ibig niyo bang sabihin ay isang taong nariyan palagi sa isang tawag lamang? Na kapag tumawag siya at hindi ako makararating agad ay gagawa na siya ng eksena? At pagkatapos ay kargo at responsibilidad ko pa ang seguridad at kasiyahan niya sa buong buhay niya?”“Hindi naman…” Agad na sagot ni Sarah.“Sarah, kailan ka pa naging ganito?” Naiinip na pagputol ni Shaun sa sinasabi ni Sarah. “Nagsasama lamang tayo noon, ni wala ngang nangyari sa atin. Ang dami ko pang ibinigay na pera at lupa noong naghiwalay tayo. Ngunit bakit palagi ka na lamang nagtatangkang magpakamatay sa tuwing ayaw kitang makasama?”Pagod na siya sa lahat.Pagod na siyang buhatin ang responsibilidad na pasiyahin at aliwin si Sarah hanggang nabubuhay siya.Pagod na siyang saktan nang paulit-ulit si Catherine nang dahil kay Sarah.Nagulat si Sarah sa tindi ng emosyon ng lalaki. “Hindi mo ako nauunawaan. Gusto kong mamatay dahil… nadudumihan ako sa aking sarili. Shaunic, mahal ki
Kinabukasan.Pormal na inanunsyo ni Shaun sa kanyang official account sa Facebook. [Mabilis kumakalat ang mga usap-usapin na nagkabalikan at kinasal na kami ni Sarah Neeson. Narito ako ngayon upang kumpirmahing hiwalay na kami ni Miss Neeson dahil wala na kaming nararamdaman para sa isa’t isa. Hindi na kami magkakabalikan pang muli.]Sa sandaling lumabas ito’y agad na nag-ingay ang mga tao sa Facebook.[Ang sama naman ng ugali nitong si Eldest Young Master Hill.][Ngayon lang ako nakakitang magsalita ng ganyang… kayabang ang isang lalaki. Hindi ko na alam ang aking masasabi.][Parang noong isang araw lamang ay naghahanda sila para sa kanilang kasal, ngunit ngayo’y wala na silang nararamdaman para sa isa’t isa. Tsk, prangkahin ko kayo, ha: nagbago lamang ang kanyang isip.][Mukhang si Eldest Young Lady Jones pa rin ang iniisip ni Eldest Young Master Hill.][Pormal na rin bang iaanunsyo ni Eldest Young Master Hill ang kanyang relasyon kay Eldest Young Lady? Hindi na ako makapaghin
Matagal na naghintay si Shaun, ngunit hindi na nagparamdam si Catherine sa Facebook.Nalumbay ang kanyang puso.Bagama’t itinanggi nitong wala itong kinalaman sa kanya noon, nakakasalamuha niya pa rin ito, kaya’t lumalabas sa kanyang may malasakit pa rin ito para sa kanya. Ngayong walang kahit ano mang balita mula kay Catherine, ibig nitong sabihin ay tuluyan na siya nitong hindi pinansin.Parang g*go manakit ang pakiramdam na hindi pinapansin.Hinagis ni Shaun ang kanyang phone at itinaas ang kanyang mga paa. Nagsimula ulit sumakit ang kanyang sugat.Walang masabi si Hadley. “Eldest Young Master, pinayagan na nga ho kayo ng doktor na pumasok kahit na hindi pa tuluyang gumagaling ang inyong sugat. Huwag niyo na hong saktan pa lalo ang inyong sarili.”“Iuwi mo na ako sa manor.”Bumuntong-hininga si Hadley dahil alam niyang hindi na muling susuyuin ng lalaki si Catherine, dahil kung hindi’y sasakit lamang ang kanyang ulo dahil noong nakaraan ay bumukang muli ang kanyang sugat na s
"Nang engkwento si Catherine ng kaunting kapahamakan sa ibang bansa, swerte na siya't naroon si Logan at Austin para protektahan siya. Si Logan din ang nagturo kay Cathy ng self-defense. Parehas silang coach nito at ng pamilya nito.""Bakit siya napahamak sa ibang bansa?" Kabadong tanont ni Shaun."Akala mo ba ang magandang babae na hindi pamilyar sa lugar ay ligtas sa ibang bansa?" Kinutya siya ni Liam. "Marami siyang pinagdusahan bago siya makarating sa kung sino siya."Kinailangan niya pang alagaan ang dalawang anak niya habang nagtatrabaho. Sobrang pagod niya at nagkakasakit siya madalas.Ngunit, hindi na kailangan malaman ni Shaun 'yon."Sa totoo lang, kung hindi dahil sa inyo ni Sarah, hindi siya pupunta ng ibang bansa." Tuwing mas pinalalalim ni Liam ang usapan, mas naiinis ito kaya dinala niya si Suzie at umalis.Kaagad pumasok si Suzie sa kanyang playroom.Kahit hindi niya nakikita ang ina, trinato siya ng pamilyang Hill nang maayos gamit ang pagbili ng lahat ng larua