”Hindi, ako dapat ang humingi ng tawad sa iyo.” Napunta ang mata ni Catherine sa nawawala niyang daliri at napuno ng pagsisisi ang mata niya. “Kung hindi dahil sa akin, hindi ka nila pinuntirya sa una pa lang.”“Normal lang iyon. Sinisisi ko ang sarili ko sa pagiging pabaya masyado." Mapait na ngumiti si Logan. "Napagtanto ko lang ito noong pinakita mo ang footage ngayon lang. Ang likod ng dalawang dumukot ay pareho sa mga lalaki na sangkot sa kamatayan ni Lucifer noong gabing iyon."Nagulat si Catherine. "Mukhang sila ay galing sa isang grupo lang. Sayang lang na hindi pa rin natin nabubunyag ang tao sa likod ni Sarah.""Kailangan natin mag dahan-dahan." Nasaktan si Logan. "Sobrang sakit ng sugat ko. Dapat ako bumalik sa ospital.""Bumalik ka pagkatapos mo gumaling," Paalala sa kanya ni Catherine sa mababang boses."Oo. Austin, alagaan mo mabuti si boss. Kapag may nangyari sa kanya, pagbabayarin kita pagbalik ko," Nagbigay ng babala si Logan bago umalis kasama ang mga pulis....
Nang pinag-isipan niya ito maigi, talaga bang nawala ni Sarah ang kalinisang puri niya kay Logan? Hindi. Bagkos, paano naman si Logan? Naputol ang daliri niya, naging adik siya sa droga, at ang katawan niya ay may peklat.“Shaun, hindi mo ako pinaniniwalaan?” Miserable siyang tinignan ni Sarah habang namumutla.Tinignan rin siya ni Shaun.Ito ang babae na minahal niya dati. Kahit pa hindi na niya ito mahal, gusto niya rin ito protektahan maigi. Subalit, bigla niya nalaman na hindi na niya ito maintindihan.Kay Lucifer niya ito unang beses naramdaman.Ngayon naman, bigla siyang nadukot kung kailan nagkakamabutihan na silang dalawa ni Catherine. Pagkatapos ay nagbago ang lahat.Kung hindi dahil sa magkapatid na ito, hindi niya sana naputol ang daliri ni Logan at hindi niya rin sana kinuha ang kaso.Kung lahat ng ito ay talagang plano ni Sarah, tataas talaga ang mga buhok niya.“Sarah, ang kaso mo ay opisyal na kinuha ng pulis sa hinaharap. Susubukan nila ang kanilang makakaya na
Sumikip ang dibdib ni Shaun nang marinig niya ang mga salita ni Freya.Tumingin siya sa nanlalamig na mukha ni Catherine at biglang naalalang kani-kanina lamang ay lumalangoy pa silang dalawa sa may Mount Wellington. Naaalala ni Shaun ang mga malilinaw na mata ng babae, pati na ang pagiging mapagbiro nito paminsan-minsan, at kung paanong kaaya-ayang pakinggan ang kanyang tawa.Papaano itong nagbago lahat sa isang iglap?“Umm…”“Hindi mo na kailangang humingi ng dispensa.” Pinutol siy ang malinaw ngunit malamig na tinig ni Catherine. “Dahil hinding hindi kita mapapatawad.”“Kung ako sa’yong bumalik ka na lamang sa pagpoprotekta diyan sa Sarah mo,” Panunuyang sinabi ni Freya, “Diyan sa Sarah mong anuman ang mangyari ay hindi ka magdadalawang-isip pang kumaripas papunta sa kanyang tabi upang samahan at protektahan siya. Shaun Hill, bakit hindi mo maamin na sadyang napaka-espesyal ng posisyon ni Sarah diyan sa puso mo?“Sinasabi mong hindi mo siya mahal, ngunit gusto mo siyang protek
Sa loob-loob niya’y bumuntong-hininga si Hadley. “Eldest Young Master Hill, kalimutan niyo na po siguro si Miss Jones at magkanya-kanya na lamang po kayo.” Binalaan na niya ang lalaki noong gabing iyon, ngunit sa kasamaang-palad ay hindi ito nakinig. Masyado niyang pinaniwalaan si Sarah.Pinagsisisihan na niya ito ngayon, kung kailan huli na ang lahat.“Kalimutan siya?” Biglang tumingala si Shaun at tumayo upang hawakan si Hadley sa kanyang mga kwelyo. Mistulan siyang leon na malapit nang mamatay. “Papaano ko siya malilimutan?”“Noong tinulungan ninyo si Ms. Neeson sa kanyang kaso, hindi ba’t tinigilan niyo nang isipin kung ano ang mangyayari sa relasyon ninyo ni Miss Jones? Kung gayo’y matagal na kayong nakapaghanda para rito.” Paalala sa kanya ni Hadley.Nanigas si Shaun. Tila’y isang malutong na sampal sa kanyang mukha ang mga salitang binitiwan ni Hadley.Oo, napagdesisyunan na niya noon na hindi na niya mamahalin pa si Catherine, ngunit bakit hindi niya ito mapakawalan ngayon
“Ay oo magandang ideya ‘yan! Kung gayo’y abay ako diyan ha. Matagal ko nang hinihintay itong araw na ito!” Taos-puso ang sayang nararamdaman ni Freya para sa kaibigan.Natigilan si Catherine.Oo, kinasal na siya noon, ngunit hindi pa siya nakaranas ng mismong seremonya. Ngayong pinag-iisapan niya ito’y naawa siya para sa sarili.“Sige, kung gayo’y maghanda ka nang maging abay.”Huminto ang sasakyan sa harapan ni Wesley, at lumabas si Catherine muna rito.“Nabalitaan kong nanalo ka.” Ngiti ni Wesley at kinuha ang kanyang mga kamay.“Oo, salamat sa ebidensyang binigay mo.” Tumingin si Catherine sa lalaki. “Ipagluluto kita mamaya para makapag-celebrate tayo?”“Syempre, kailangan natin itong ipagdiwang.” Iniangat ni Wesley ang kanyang kamay at naglabas ng isang singsing na may dyamante mula sa kanyang bulsa at ipinakita ito kay Catherine. “Ngunit mas maganda kung mga ganitong ang nilalaman ng mga kamay na iyan. Hayaan mong ako na lamang ang magluto.”Tinignan ni Catherine ang sin
Kalagitnaan ng gabi sa clubhouse.Nang sa wakas ay nakita ni Chester si Shaun, lasing na agad ang lalaki, ngunit may hawak pa rin itong isang bote ng alak sa kanyang kamay at dito siya direstong umiinom.“Tama na, baka hindi kayanin ng tiyan mo.” Tinangkang ilayo ni Chester ang bote ng alak kay Shaun.“Akin na!” Bahagyang namumula ang mga mata ni Shaun. Tinapik niya nang malakas ang kanyang dibdib at paos ang kanyang boses. “‘Di bale nang sumakit ang tiyan para hindi ko mapansin ang sumasakit dito. Hindi ako isang l*ntik na tao. Papaano ko siya… sinaktan nang gano’n?”May kakaibang itsura sa pagtingin ni Chester. Bagama’t matagal na niyang kilala ang lalaki, tila’y ngayon niya pa lamang ito makitang… umiyak.Umiiyak nga siya.“Huwag mong sabihin ‘yan.” Umupo sa kanyang tabi si Chester at nagsindi ng sigarilyo. “Hindi naman natin inaasahang ganoon pala ang nangyari kay Logan Law.”“Chester, tingin mo ba’y… kagagawan itong lahat ni Sarah?” Blangko ang tingin ni Shaun. “Ayaw ko siy
Ngunit, bago ang operasyon…Nginitngit ni Shaun ang ipin niya at ininda ang sakit, binato niya ang phone kay Chester. “Hanapin mo ang number ni Catherine. Tawagan mo siya gamit phone mo.”Magkaibigan sila ng ilang taon, kaya alam niya agad ang iniisip ni Shaun. Ngunit, pakiramdam niya hindi pupunta si Catherine. Kahit na ganoon, habang tinitignan niya ang maputlang mukha ni Shaun, hindi niya matiis na hindi tawagan si Catherine.“Hello.” Isang malambing na boses ng babae ang maririnig.Nag-’ehem’ si Chester. “Si Chester ito. Maraming nainom si Shaun at nagkabutas ang sikmura nito. Kailangan niyang operahan—”“Hindi ako doktor,” pagputol ni Catherine at diretso at malamig na sinabi.“Umubo siya ng dugo.” Mapait na ngiti ni Chester. “Nagsisisi na si Shaun ngayon. Hindi ko pa siya nakitang magdusa ng ganito. Pwede ka bang pumunta? Kailangan ka talaga niya.”“Maling tao ang tinawagan mo. Sa tingin ko si Sarah ang kailangan niya. Huwag mo na akong tawagan ulit. Kung mamatay man siya,
Kinakabahan si Thomas. “Sarah anong dapat natin gawin? Kung hindi nila tayo papansin sa susunod, mahihirapan tayong panghawakan ang capital.”“Nagkukunwaring galit lang si Shaun, hindi niya ako iiwan. Isa pa, hindi naman habang buhaay naakakulong si Rodney. Hindi siya pwedeng ikulong ng pamilyang Snow habang buhay,” Nginitngit ni Sarah ang ipin niya at sinabi.“Ugh, akala ko ito na ang opurtunidad para makipagbalikan ka sa Eldest Young Master Hill pero muntik ko na makaligtaan. Sinong mag-aakalang mananalo si Catherine sa kaso?” Dahan-dahn siyang tinignan ni Thomas at tinanong.“Huwag kang magsalita ng kung ano-ano. Wala akong ginawa.” Titig ni Sarah ng masama. “Bumalik ka na.”“Sige.” Kibit-balikat ni Thomas. Tinanggi niya pero hindi ito naniniwala sa kanya.Pagkaalis ni Thomas, kaagad nag-dial ng phone si Sarah nang galit. “Maasyado bang pabaya mga tao mo? Parehas lang ito noong kaso ni Lucifer noon. Ngayon, mayroong surveillance footage na naiwan pagkatapos akong makidnap, kahi