‘Di kinalauna’y binasag ng mga lalaki ang mga gamit sa loob ng bahay. Umalis lamang sila noong magulo na ang lahat at nasiyahan sila sa kanilang ginawa.Makalipas ang halos limang minuto pagkaalis ng mga lalaki ay bumukas ang bagahe mula sa loob nito.Gumapang palabas si Lucas nang may namumutlang mukha at namumulang mga mata. Sabay nito’y malamya-lamya niya ring inilabas si Suzie. Nagdudugo ang ulo ng kanyang kapatid“Kuya, ang sakit sakit…” Natutulalang sinabi ni Suzie habang nakatingin ito sa kanyang kapatid. Hawak hawak niya ang chichiryang kinuha niya kanina.“Huwag kang matakot, Suzie. Dadalhin kita sa ospital ngayon don.” Sa sobrang pagkabalisa ni Lucas ay nagsimulang tumulo ang mga luha sa kadalasa’y kalmado niyang mukha.Tumakbo si Lucas habang buhat-buhat si Suzie. Tinawagan niya ang numerong 000 gamit ang kanyang phone. Pagkatapo nito’y tinawagan niya si Catherine, “Mama, nasugatan si Suzie.”“Ha?!”Nabalot ng pagkabigo si Catherine na kararating lamang sa ospital pag
Itinaas ni Lucas ang kanyang mga manggas at sinabing, “Mama, parehas kami—”“Hindi pwede. Masyado ka pang bata para magbigay ng dugo,” pagtitigil sa kanya ng doktor. “Kailangan ng halos 500 milliliters ng dugo ng pasyente. Kahit ang mga matatanda’y hindi rin kakayaning magbigay ng gano’ng karaming dugo. Tiyak na mawawalan ng malay ang isang batang tulad mo. Nasaan ang ama ng bata?”“Ama?” Kinuyom ni Catherine ang kanyang mga kamao. Kapag nalaman ito ni Shaun ay tiyak na ihihiwalay niya ang dalawang bata sa kanya.Sa puntong iyon ay hinila ni Lucas ang kamay ng ina. “Mama, pwede tayong humingi ng tulong kay Tito Liam. Narinig ko noon na sinabi niyang pare-parehas kami ng blood type ni Suzie.”Matapos niyang matigilan nang panandalian, agad na tinawagan ni Catherine si Liam.Sa loob ng sampung minuto’y nagmamadaling pumasok si Liam.“Ano’ng nangyari kay Suzie? Noong nalaman ko agad na may nangyari sa kanya, mga walong red light ang hindi ko sinunod para lang makarating agad dito.”
“At ayon. Case closed.”Nang naghahanda nang umalis ang kapulisan, umimik si Freya sa pagkayamot, “Malinaw na hindi pagnanakaw ang gumawa nito. May nagbayad sa kanila para gantihan kami.”“Tama na, Freya. Nagawa ng mga pulis ang kanilang makakaya.”Pinigilan ni Catherine ang kaibigan at hinayaang umalis ang mga pulis.”“Sigurado akong sinuhulan sila ni Thomas,” Galit na sinabi ni Freya.Nanuya si Catherine. “Oo naman. Sabi nga nila, practice makes perfect. Hangga’t dumadami ang mga masasamang gawain ni Thomas ay mas gumagaling siyang itago iyon. Dati’y kinakailangan pang linisin ni Shaun ang kanyang mga kalat, ngunit ngayo’y mukhang kaya na niya itong linising mag-isa sa puntong hindi na niya kailangang alalahanin pa ang mga susunod na mangyayari.”“Hindi ba natin ipaghihiganti si Suzie?” Nayayamot pa ring tanong ni Freya.“Dahan-dahanin natin. Ngunit alam ko… na hindi ako matatahimik hangga’t hindi ko sila nababalikan.”Ipinaubaya ni Catherine si Lucas sa kaibigan. “Lalabas l
Lumabas ng sasakyan si Sarah at pinayuhan si Catherine, “Kumalma ka, Catherine. Alam kong maaaring naka-trigger sa’yo ang balita ng aming kasal, ngunit ilegal ‘yang ginagawa mo ngayon. Katatawag ko lang sa pulis.”Natigilan si Shaun. Pagkatapos ay nagpaliwanag si Sarah, “Sumosobra na siya ngayon. Nakita mo ba itong kalat na idinulot niya? Mabuti’y walang nasaktan. Kapag hindi pa natin siya tinuruan ng leksyon, marahil ay mas malala pa rito ang gagawin niya sa susunod.” Panandaliang nanahimik si Shaun.Nababatid niyang mahal pa rin siya ni Catherine, ngunit natatakot siya sa mga kinikilos nito. Pakiramdam niya’y kailangan nga nila itong turuan ng leksyon.Nanuya si Catherine habang tinitignan ang dalawa. “Huwag ninyo masyadong isipin ang mga bagay-bagay. Hindi ako naparirito dahil nagseselos ako. Nais ko kayong balahan na may hangganan din ang aking pasensya. Sarah Langley, bantay-bantayan mo ‘yang si Thomas. May mga lalaking pumasok sa aking bahay kahapon nang walang pahintulot at
“Anong nararamdaman mo ngayong hindi ka pinapansin ng pinakamamahal mong lalaki?” Ang boses ni Catherine na walang pakialam ay narinig ni Sarah.Tumalikod siya at tinitigan ang magandang mukha ni Catherine. Kung pwede niya lang hatiin ito sa dalawa.“Catherine Jones, ‘wag kang masyadong mayabang. Hindi lang naintindihan ni Shaun ang kapatid ko. Isa pa, pinupuna mo lang naman si Thomas nang walang ebidensya.”Inayos ni Sarah ang kanyang sarili. Kung may ebidensya siya sa kagagawani ni Thomas, wala siya dapat dito para manggulo. Dapat hinanap niya si Thomas at ginulo ito.Ngayon, hindi humingi ng tulong si Thomas kay Sarah. Ibig sabihin handa ito sa gagawin ni Catherine sa kanya. “ Oo, wala akong ebidensya, pero hindi ibig sabihin na hindi ito iimbestigahan ni Shaun. At dahil katulad ito ng kapatid mo, sa tingin mo hindi niya ito sususpetsyahan? Siguradong malalaman ni Shaun ang munting laro nito.”Pagkatapos na pagkatapos magsalita ni Catherine, bumagsak ang mukha ni Sarah.“Sar
Kapag nilooban ng apat na lalaki sa gabi, hindi sila matatalo ng isang magandang babae. Baka nga siya ay...Walang malay na hinigpitan ni Shaun ang hawak sa manibela. "Merong school district sa may Hackett neighborhood kung saan maraming estudyante ang naninirahan. Ang sekuridad sa lugar ay mahigpit, kaya paano sila nakapasok sa bahay at nagnakaw ng mga gamit ng 10 ng gabi?" "Oo, ito ang unang malalang kasong nangyari doon. Inaresto na ng pulis ang apat na kriminal. Nalaman ng mga kriminal na si Miss Jones ang tagapagmana ng Yule Corporation at naisip na ito'y mayaman, kaya naman pumunta sila doon para nakawin ang mamahaling mga gamit.""Tapos, ito ang unang beses makarinig ng mga bulgar na sinira ang lahat ng gamit sa bahay. Sinira nila lahat hanggang sa hindi na halos magmukhang bahay ito. Hindi na ito katira-tira ngayon. Para bang… naghihiganti sila."Minasahe ni Shaun ang kanyang sentido. Maya-maya, matigas niyang sabi, "Sige at imbestigahan kung may kinalaman si Thomas dito."
"Bakit ka nagpapanik? Pinaalala mo ba kay Assistant Walker ang sinabi ko?""Oo…""Mabuti kung ganoon. Kahit magkano ang ibayad mo, siguraduhin mo lang na tikom ang bibig niya. Isa pa, magpakabait ka na ngayon at baka hindi na kita masalba sa susunod."Nginitngit ni Sarah ang ngipin niya pagkababa na pagkababa niya ng tawag.Hindi na kailangan sabihin, …Sa ospital.Noong pinapakain ni Catherine si Suzie ng lugaw sa kanyang braso, nakatanggap ng tawag si Freya.Pagkatapos noon, sabi nk Freya, "Merong magandang balit at masamang balita. Ang magandang balita ay tumawag na ang pulis at sinabi sa akin na merong ebidensyang nagpapakita na binayaran nag mga bulgar. Ang assistant ni Thomas ang naglipat ng pera sa miyembro ng pamilya nila."Inangat ni Catherine ang ulo niya at sinabing, "Para sa masamang balita, umamin ba ang assistant ni Thomas sa krimen?""Oo." Buntong hininga ni Freya. "Ibig sabihin lang nito, nakatakas nanaman si Thomas pero hulaan mo kung sino nagpasa ng ebidens
"Pamangkin ko siya sa dugo. Tratratuhin ko siya ng auos." Winagayway ni Liam ang kamay niya."... Sige." Tumango si Catherine nang maintindihan niya ang intensyon ng anak niya."Dadalhan kita ng pagkain bukas."Nang umalis si Catherine kasama si Lucas, nakita niyang inaaliw ni Liam si Suzie na mukhang natutuwa naman. Hindi niya matiis maisip noong kapapanganak lang ni Suzie. Palagi siyang umiiyak at ayaw sa lahat na sumusubok buhatin siya bukod kay Catherine.Ngunit, nang bumik si Liam para bisitahin si Suzie at buhatin siya, tatahan siya sa pag iyak. Siguro ito ang magandang ehemplo ng 'blood is thicker than water',o 'di kaya naman, dahil may hawig si Liam kay Shaun. Siguro nararamdaman ng bata...Noong nasa bisig ni Liam si Suzie nung gabi, bigla itong bubulong, "Uncle Liam, ang tatay ko ba ay kasing bait mo sa bata?" Nagulat si Liam.Sa itsura ng cute na bata na namumutla dahil sa sakit niya, hindi niya maiwasang sabihin na, "Kapag nakita niya ang kacute-an mo, sigurado akong