"Pamangkin ko siya sa dugo. Tratratuhin ko siya ng auos." Winagayway ni Liam ang kamay niya."... Sige." Tumango si Catherine nang maintindihan niya ang intensyon ng anak niya."Dadalhan kita ng pagkain bukas."Nang umalis si Catherine kasama si Lucas, nakita niyang inaaliw ni Liam si Suzie na mukhang natutuwa naman. Hindi niya matiis maisip noong kapapanganak lang ni Suzie. Palagi siyang umiiyak at ayaw sa lahat na sumusubok buhatin siya bukod kay Catherine.Ngunit, nang bumik si Liam para bisitahin si Suzie at buhatin siya, tatahan siya sa pag iyak. Siguro ito ang magandang ehemplo ng 'blood is thicker than water',o 'di kaya naman, dahil may hawig si Liam kay Shaun. Siguro nararamdaman ng bata...Noong nasa bisig ni Liam si Suzie nung gabi, bigla itong bubulong, "Uncle Liam, ang tatay ko ba ay kasing bait mo sa bata?" Nagulat si Liam.Sa itsura ng cute na bata na namumutla dahil sa sakit niya, hindi niya maiwasang sabihin na, "Kapag nakita niya ang kacute-an mo, sigurado akong
Lumaki si Suzie sa ibang bansa simula pagkabata at napapalibutan lang ng dalawang miyembro ng pamilya, si Catherine at Lucas.Ang ibang tao ay may lolo’t lola, pero siya ay wala.Isang ideya ang sumagi sa isip niya bigla.Tumango siya at pinulupot ang braso sa leeg ni Liam, tumatawag ng, “Daddy.” Kumibot si Liam.“Tignan mo, tinatawag ka niyang Daddy tapos tinatanggi mo? Hindi nagsisinungaling ang bata.”Nakaramdam ng kawalan ng pag-asa si Liam.Kailan pa siya nagka-anak na malapit nang mag tatlong taon? “Hi, Great-grandma,” Binati ni Suzie ang Old Madam Hill nang matamis.“Aww. isa kang katuwa-tuwang bata. Masunurin ka, magalang at matalino. Kaagad mong nakilala ang great-granma mo. Paano mo nalaman?” Natunaw ang puso ni Old Madam Hill.Maraming anak at apo si Old Madam Hill, pero sumasakit lang ang ulo nito sa mga iyon pag tumatanda—lalo na ang mga apo.Babaero si Willie, si Shaun naman naging dahilan kung bakit namatay ang sariling anak.Si Liam naman, tumatanggi pang ma
"Hindi. Magmaneho ka dito at sunduin ako. Pumunta tayo doob ng sabay."… Sa ospital. Sinabihan na ni Old Madam Hill ang lahat sa pamilya. Nagmadaling nagpadala si Liam ng mensahe kay Catherine ng patago, sinasabi sa kanya na huwag dalhin si Lucas mamaya.Ang kanyang lola ay sobrang saya na meron na siyang apong babae. Kung magkataon na malaman na meron ding apong lalaki, siguradong tapos na sila.Si Catherine, na papunta sa ospital, ay naramdaman na ito ay nakakabaliw.Nawala ang kanyang anak isang gabi at ngayon naging anak na ni Liam. Si Liam ay talagang hindi maaasahan.Sa loob ng isang oras, si Old Master Hill, Mason, Valerie at Spencer ay dumating. Silang lahat ay may duda noong una.Subalit, ng makita nila ang mukha ni Suzie, hindi na sila naglakas loob na magkaroon ng mga duda.Kamukha niya ng sobra si Lea noong bata pa siya. Si Lea ay naaliw kay Suzie sa unang tingin pa lang.Siya ay career-oriented na babae, kaya hindi niya kailanman inisip na magkaroon ng maraming a
"Mom, tumigil ka na sa pagbanggit ng nakaraan. Siguro ang mga bagay ay hindi nararapat para kay Catherine." Si Valerie ay medyo masaya tungkol dito, ngunit hindi niya ito pinakita."Okay, sa tingin hindi maganda ang environment ng ospital na ito. Bumalik na tayo sa mansyon ng pamilya Hill. Kumuha ng medical team na pumunta para hindi na maabala si Suzie na manatili sa ospital," Utos ni Old Master Hill.Si Suzie ang pinaka unang great-granddaughter ng pamilya Hill. Kailangan siyang mapalaki ng maingat. Ng umalis ang pamilya Hill sa ospital kasama si Suzie, lumabas si Catherine sa kanto ng pader habang hawak ang kamay ni Lucas.Kasinungalingan na sabihin na siya ay hindi galit o malungkot. Subalit, ng makita niyang masaya si Suzie sa braso ni Lea, hindi komportable ang pakiramdam niya sa kanyang puso.Kahit na hindi ito sinabi ng malakas ni Suzie, alam ni Catherine na si Suzie ay naiinggit sa ibang mga batang may mga lolo at lola.Siguro… mas nakabuti nga ito. Kung bumalik si Suzi
Si Suzie, na masaya pa din, ay sinabi, "Ang pangalan ko ay Susan Jones.""Ang apelyido mo ay Jones?"Ang lahat ay nakatunganga habang naging iba ang kanilang tingin. Patuloy na tumitingin si Valerie."Maaari kaya na ang apelyido ng kanyang ina ay Jones…" Ang calves ni Liam ay nanginig.Mabilis niyang sinabi, "Nagkataon ito, ngunit hindi ganoon karami ang mga tao na may Jones bilang kanilang apelyido tama?""Tama na. Hindi importante anong apelyido meron si Suzie. Papalitan niya naman ito sa Hill ano pa man," Seryosong sinabi ni Old Master Hill."Ayokong magkaroon ng Hill na apelyido."Nang marinig siya ni Suzie, siya ay sobrang gulat na siya ay panguso at paiyak na."Ayokong baguhin ang aking apelyido.""Sige, hindi namin babaguhin ito kung ayaw mo. Hindi ito importanteng bagay."Si Old Madam Hill ay nakatitig kay Old Master Hill."Nawalan lang siya ng ina at pinipilit mo na siya na baguhin ang kanyang apelyido? Dahan dahan lang. Bakit ka masyado nagmamadali?" Nalungkot si
"Napansin mo din ito?" Mapait na tawa ni Lea."Liam, anong klaseng tao sa tingin mo ang ama mo?" Binuksan ni Liam ang kanyang bibig ng isang segundo, ngunit nanatiling tahimik sa huli.Tatlong taon nakalipas, ang lahat ay pinaghinalaan siya ng ang mga litrato ni Shaun sa mental hospital ay kumalat.Tanging si Liam lang ang nakakaalam na siya ay inosente.Nang nalaman niya na ang balita ay galing mula sa pamilya Campos, nahulaan niya na si Mason ang siyang gumawa nito.Ang kanyang ama ay mukhang magalang at hindi interesado sa lahat, ngunit ang nakikita sa labas ay maaaring hindi totoo.Sa kasamaang palad, gaano man siya magtanong, si Mason ay hindi kailanman tumugon sa kanyang tanong direkta.Sa lahat ng mga taong iyon, pakiramdam ni Liam na nasasakal siya sa pagtrabaho sa Hill Corporation.Subalit, hindi kailanman nagbanggit si Mason tungkol sa pagtulong sa kanya. Ang oras na ginamit ni Mason sa kanya ay hindi katulad ng oras na nilaan niya kay Charlie.Tuwing pumupunta si L
Pinaalala ni Old Madam Hill kay Shaun, "Nga pala, si Suzie ay medyo sobra ng dalawang taon ngunit hindi pa tatlong taong gulang.""Kapag bibili ka ng regalo, bumili ka ayon sa kanyang edad.""Atsaka, hayaan mong sabihin ko sayo na hinahayaan ko si Suzie na gamitin ang kwarto na hinanda dati para sa kambal. Hindi mo naman ito gagamitin."Binaba niya ang tawag pagkatapos niya magsalita.Hawak ni Shaun ang kanyang phone at nanatili sa parehong posisyon ng matagal na panahon. Higit sa dalawang taong gulang. Kung ang mga anak ni Catherine ay buhay pa, sila ay nasa ganoong edad din.Sa sandaling iyon, tumunog muli ang phone niya.Si Sarah ang siyang tumawag. "Shaunic, kailangan mo pa bang magtrabaho pa ngayon? Hindi ba't sumang ayon ka na pumili ng wedding shoot package mamaya?""Wala akong oras ngayon. Kailangan ko pumunta ng mansyon matapos ako magtrabaho, kaya hindi ako uuwi," Paliwanag ni Shaun.Kinagat ni Sarah ang kanyang labi. "Galit ka pa din ba sa akin dahil ang aking kapa
Kumurap si Hadley."Siya ang pinakabatang miyembro ng pamilya Hill. Narinig ko na si Madam Hill ay sobrang natuwa. Ang pamilya Hill ay hindi pa naging ganito kasaya, kaya bumili ako ng mas maraming regalo." Suminghal si Shaun."Hindi ko naman anak iyan." “...” Sa katotohanan, iyon ay anak niya talaga.… Umakuat si Shaun sa hagdan.Ng pagpasok niya sa villa, isang maliit na babae na nakatali sa dalawang braid ay tumatakbo papunta sa kanya.Nakatalikod siya habanv tumatakbo at sinabi, "Ang pusa ay lumabas. Hahabulin ko iti.""Huwag ka lumabas, hindi pa magaling ang sugat mo." Katatapos lang ni Lea na nagsalita ng mabunggo si Suzie sa calves ni Shaun at natumba sa lapag."Bata ka, tumingin ka sa harap mo kapag naglalakad ka." Yumuko si Shaun at tinulungan siya patayo.Tumingala si Suzie at nakita ng malapitan ang mukha ni Shaun.Ito ay mukha na halata at perpektong inukit na itsura.Meron siyang pares ng nakakaakit na double eyelids.Nakita na ni Suzie ang mukhang ito dati.