Share

Kabanata 400

“Tara, maupo tayo.” Kalmadong inihatid ni Shaun si Catherine papunta sa kanilang lamesa.

Mayroong iba’t ibang klase ng prutas at mani na nakalagay roon.

Sinubukang buksan ni Catherine ang ilan sa mga pine nuts ngunit agad din siyang sumuko dahil masyado itong matrabaho.

Nang mapansin ito ni Shaun ay agad niyang kinuha ang mga mani at matapos ang ilang sandali ay naglapag ito ng ilang pirasong pine nuts sa harapan ni Catherine.

Lumambot ang puso ni Catherine dahil sa ginawang ito ni Shaun.

“Cathy…”

Biglang tumunog sa kanyang mga tainga ang marahang tinig ni Wesley.

Iniangat ni Catherine ang kanyang paningin upang hanapin ang pinagmulan ng tinig na ito. Matikas ang dating ni Wesley habang suot ang isang kulay asul na suit at puting pantalon. Nangningning ang mga mata nito sa pagkagulat at awa nang makita siya nito.

Umabante si Wesley at iniangat ang kanyang kamay. Hindi niya namalayang hahaplusin na niya ang mukha ni Catherine.

Nang biglang may isang kamay na kumuha sa kanyang b
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status