Parehas na Director Irvine at President Thompson ang nakaramdam ng pag ngatig ng tuhod nang maalala nilang pinahiya nila si Shaun kanina. Wala nang dahilan pa ang pag-iyak nila sa bagay na nangyari na.“Eldest… Eldest Young Master Hill, mali ko na hindi makakita ng diretso. Bakit hindi mo na lang baliin ang braso ko?” Paiyak na si Director Irvine sa puntong ito. “O kaya gusto mo ba akong sampalin sa mukha?”Inabot ni Shaun ang malagkit na pisngi ng lalaki para kurutin. “Tunog mayabang ka kanina, ha? ‘Di ba’t sabi mo na hinipo ka ng asawa ko kanina?”“Eldest Young Master Hill, paumanhin.” Lumuhod ang lalaki sa lapag.“Kay Liam ka magmakaawa. Tignan mo kung makakabuo siya ng bagong microchip sa isang linggo para matulungan ka.”Kinibot niya ang labi niya pangiti bago naglakad habang hawak ang kamay ni Catherine patungo sa pinto.Sa puntong ito, walang naglakas ng loob na pigilan sila. Kahit si Charlie at Melanie ay hindi mapakali at nag-aaalala.Nang halos marating niya ang pintu
Bumuntong hininga ng sobrang lalim ni Old Master Hill pagka alis ng iba.Sinalinan siya ng tubig sa baso ni Old Madam Hill. “Sa edad nating ito, bakit hindi mo na lang isuko ang kapangyarihan. Sa totoo lang, walang kahit sino sa mga bata pa ang mas magaling kay Shaun. Wala lang ito kumpara sa mawala ang titulo natin bilang pinaka mayamang pamilya.”“Naiirita lang ako na ang binatang ito ay napaka rebelde.” Tinatapik niya ang mabigat niyang dibdib. “Pero wala siyang awa, ‘yun ang sigurado ako. Walang kahit sino sa pamilya ang maikukumpara sa kanya. May potensyal si Lea pero wala siya kumpara rito.”“Kailangan niyang maging walang awa para mapanatili sa pusisyon bilang pinaka mayamang pamilya sa bansa.”...Hotel parking lot.Pagkapasok sa kotse, hindi matiis ni Catherine na magnakaw ng tingin sa lalaki sa tabi niya habang naglalagayt ng seat belt.Nagmaneho siya ng limited edition na sasakyan ngayon. Ang maangas na high-tech na driver’s seat ay nakabalot sa kanyang matatag na pig
Sa wakas, nag-aatubiling hinila ni Shaun ang sarili sa pulang labi ni Catherine.Nalalasahan niya pa rin si Shaun sa labi niya. Nahihiya niyang inangat ang tingin niya at nagulat na kalahating bukas ang bintana. “Sa tingin ko… Nakarinig ako ng sasakyang lumagpas sa atin kanina…”Gustong patayin ng babae ang sarili niya ngayon. May nakakita ba sa kanila kanina?“Hmm.” Nagningning ang mata ng lalaki bago siya ngumiti. “Wala namang mali sa mag-asawang naghahalikan.”Kinagat niya ang labi niya. ‘Wala naman itong kinalaman sa pagiging mag-asawa o hindi ‘e. Hindi naman ako kasing walang hiya mo.’ naisip ni Catherine sa sarili niya.“Kanina lang… Bakit mo hinawakan ang kamay ko?” Marahas siyang tinignan ni Shaun.Ang hiya ay napalitan ng pagkalito sa mukha niya pagtapos ng ilang segundo.“Hindi ko alam ang sinasabi mo.” Tumingin ito sa tabi.“Ang ibig sabihin ko ay noong pagsuporta ng pamilyang Hill kay Direcotr Irvine na baliin ang braso ko.” Sumandal siya paharap at tumawa sa tenga
”Pero…”“Ako nang bahala rito. Naalala mo ba kung paano namatay si Sheryl?”“Sige.” Kumislap ang mata ni Nicola sa galit. “Hindi niya ako pwedeng sisihin sa pagiging malupit dahil wala rin siyang awa.”“Sige.”...Umaga.Paalis na si Catherine papunta sa trabaho pagkatapos. Sa segundong lumabas siya sa pinto, napansin niyang sinusundan siya ni Shaun. Ang lalaki ay nakasuot ng beige loungewear at ang parehas na kamay kaswal na nasa bulsa. Ang balat mayaman nito ay sumasalamin sa kaakit-akit na mature na lalaki.Ang elevator ay patungo sa penthouse na napapailalim sa safety examination ngayon, kaya kailangan niyang gumamit ng elevator pampubliko.Lumingon siya nang walang pag-asa sa gwapong mukha sa harap niya. Ang lalaking ito ay mukha walang kahihirap na gwapo sa kahit anong suotin niya.“Bakit mo ako sinusundan? Hindi ka ba magpapalit para pumunta ng trabaho?”“Hahatid lang kita sa kotse.”Tumigil ang puso niya sandali sa pagtibok nang marinig iyon sa mababang boses ni Shau
”Nagustuhan mo ba?”Marahang ngumiti si Shaun habang nakatagilid ang ulo sa isang gilid para obserbahan ang reaksyon ni Catherine.“Bakit mo ‘ko binilhan ng sasakyan bigla? Meron na ako.” Sinubukan niya ang lahat ng makakaya niya para ayusin ang sarili sa pang-aasar nito.“Ang kotseng iyon ay hindi ganun kaganda para sa asawa ko. Gusto ko ang pinakamaganda para sa’yo.” Pinindot niya ang key fob at ang pinto para lumatag ito ng parang pakpak, pinapakita ang mamahalin pero eleganteng interior.“Nagustuhan ko. Salamat.” Tango niya ng masaya.Tinanggihan niya man ang mga regalo noon.Ngunit, asawa na siya nito ngayon, kaya naramdaman niyang tama lang ito.“‘Yon na ‘yon?” Pabiro niyang tinaasa ang mga kilay niya, halatang hindi natuwa. “Wala na?”Ang tingin sa mukha niya ay kaagad na pinapula ang mukha ni Catherine. “Ano pang gusto mo? Asawa mo ako, kung ano ang iyo ay akin.”“Tama. Kahit ang katawan ko ay pagmamay-ari mo.” Pagsandal niya nang mas malapit at tinulak siya sa pinto.
Umiling si Catherine nang nakangiti.Nakatanggap nanaman siya ng panibagong papuri nang makarating siya ng opisina.Harvey York, ang assistant niya, ay lumapit nang nakangiti. “Chairwoman Jones, gumaganda ka nitong mga nakaraang araw sa mga nangyayari. Alam ng buong Canberra na ikaw ay spoiled kay Eldest Master Hill na parang baby. Oo nga pala, ito ang imbitasyon sa business dinner ng Holt Corporation. Ito naman ang imbitasyon galing sa young lady ng Heaven Corporation para sa fashion party nila…”Wala siyang masabi sa dami ng imbitasyon.“Ilalabas na ng Shaunarah Corporation ang kanilang microchip, kaya lahat ng business ay sinusubukang pagandahin ang koneksyon sa Eldest Young Master Hill. Ang pagiging asawa niya ay ginawa kang importanteng tao para mapanatili ang magandang relasyon sa kanya.”“Tama ka. Mahirap makakuha ng ganitong imbitasyon noon.” Sarkastiko siyang tumawa. “Kung ganoon, lahat ay tungkol sa koneksyon sa Canberra.”“Ito ay dahil magaling si Eldest Young Master H
”Catherine, huwag kang makialam. Sa amin na lang ito ni Freya.” Galit na si Patrick ngayon. “Huwag mong akalain na pwede ka nang yumabang dahil asawa ka na ni Eldest Young Master Hill.”“Ganito mo pala nakikita ang mga kaibigan ni Freya… Hindi mo siya nirerespeto at halata namang hindi ka karapat-dapat sa kanya.”Kinuha ni Catherine ang kape at umalis pagtapos sabihin ‘yun.“Matagal-tagal akong mananatili sa Canberra at hindi ako aalis hanggang hindi nakiktia si Freya.”Ang galit niyang boses ay narinig ni Catherine sa likod niya bago siya nagbingi-bingihan sa mga salita nito....Pagbalik sa opisina.Biglang tinawagan ni Shaun si Catherine. Sumagot siya kaagad habang umiinom ng kape.“Narinig kong nakipag date ka sa ibang lalaki nang hindi ko alam…”“Ano?” Nabuga niya ang kape sa bibig niya, naiinis. “Kay Elle mo nanaman ba narinig ‘yan?”“Sa ngayon hindi. Asawa kita, at ang titulong iyon ay halos gawin kang celebrity. Pinapanood ka ng paparazzi kahit nasaan ka pero nagawan
”...Baliw siya.”Si Catherine ay walang masabi.Sa tingin niya ba siya pa din ay isang tatlong taong gulang na bata?!Kalimutan mo na ito, uuwi siya at magluluto ng roast pork para sa kanya....Matapos sa trabaho, si Catherine ay pumunta ng supermarket at bumili ng baboy.Binuksan niya ang radyo habang nagmamaneho.Isang piraso ng nagbabagang balita ang kakapasok lang ay narinig sa radyo. “Dinadala namin sa inyo ang pinakabagong update. Ang direktor ng Yule Corporation, si Joel Yuel, ay nasangkot sa isang aksidente sa bunguan ng kotse at lorry kalahating oras ang nakalipas na. Ang driver ay namatay sa eksena habang si Joel Yule ay dinala sa ospital para sa emergency treatment, ngunit ang kanyang kasalukuyang kondisyon ay hindi pa alam. Ayon sa ilan balita mula sa eksena, ang sitwasyon ay malagim. Malamang na ang stock market bukas ay maapektuhan ng matindi...”Ang mga salita pagkatapos ay tumama sa tenga ni Catherine na malabo. Siya ay nagulat.Kahit na ang oras na kasama niy