“Dad, masyado ka ideyalista. Kung hindi ako lalaban, papaalisin niya ako sa kompanya kapag nawala sila Grandma at Grandpa. Isang tao lang ang pwede sa Hill Corporation, at ang tao na iyon ay ako.” sabi ni Liam nang may malamig na singhal.“Okay, gusto ko rin na mamuno si Liam sa Hill Corporation. Gustong pakasalan ni Shaun si Catherine Jones, ngunit hindi matatag ang emosyon niya at muntik na niya saktan si Valerie noon. Mas lalong ayaw ko sa kanya ngayon.”Umiling si Lea. Kung kaya niya bumalik sa nakaraan, hindi niya talaga iluluwal si Shaun.… Pagkatapos ng tanghalian.Isang banayad at komportableng simoy ng hangin na mula sa bintana, ay mahinang umiihip kay Catherine. Ipinikit niya ang mga mata niya, ninanais niya matulog, ngunit bigla niya naramdaman na may humahalik sa mukha niya.Sino ito?Isang pamilyar na amoy ng cedar ang nagmula sa kabilang partido na hindi niya pinanindirian.Ang inaantok niyang mata ay dahan-dahan niyang binuksan, at nakita niya ang nakakasilaw n
“Sige, magiging tapat ako sayo.” kinuha ni Shaun ang kamay niya at nilagay ito sa ilalim ng baba niya. “Sa tuwing tinatawagan ko si Melanie, iyon ay dahil kamukha ka niya ng kaunti. Inaamin ko hindi pa ako nakakamove-on sa iyo simula noong bumalik ako sa Melbourne.”‘Hindi pa ako nakakamove-on sa iyo…’Iilan lang ang salitang iyon, ngunit pakiramdam ni Catherine ay ito lang ang pangungusap na sinabi niya na natural at nakakaantig sa kanya simula noong dumating siya dito sa Canberra.Bumilis ang tibok ng puso niyaNoong unang pagkilala niya kay Melanie, pakiramdam niya rin na medyo kahawig niya ito.Subalit, hindi niya inaasahan na iyon ang rason kung bakit niya nilapitan si Melanie.Kung sabagay, sobrang desidido siya noong umalis siya sa Melbourne.Sobrang nasaktan din siya sa kawalan ng tiwala ni Shaun.“Noong una, Iniisip ko dahil hindi mo ako minahal at nilapitan mo ako para akitin lang ako, magpapakasal ako sa babaeng kahawig mo at kalimutan iyon. Ngunit hindi ko inaasahan
“Sandali…” hinila siya pabalik ni Catherine.“Ano?” matagal na ang huli niyang pagkusa sa pagpigil sa kanya. Ang gwapong mukha ni Shaun ay nagniningning nang may nang aasar na ngiti. “Hindi mo kaya makita na umalis ako?”Kinagat ni Catherine ang labi niya at inangat ang manggas sa kaliwang kamay ni Shaun, at nakita na nakabalot ng benda ito. Siya ay… talagang nasugatan?“Maliit na sugat lang iyan.” isang hindi natural na itsura ang dumapo sa mata ni Shaun, at mabilis niya kinuha pabalik ang kamay niya.“Paano ka nagkaroon ng sugat?” tinitigan siya ni Catherine. Kung ito ay maliit na sugat lang, bakit siya nanginginig sa sakit sa simpleng magaan na dampi lang?“Nag-aalala ka ba sa akin?” ngumiti si Shaun. Ang malalim niyang boses ay puno ng tuwa. “Sumasakit ba ang puso mo para sa akin?”“...Lumabas ka na.” naiirita na si Catherine dahil sa hiya. Akala niya ay may pakialam ito sa kanya, ngunit…. ito ay dahil asawa pa rin siya nito sa papeles.Ngumiti ng may pagmamahal si Shaun at
“Dahil wala siyang sinabi sayo, hindi ko rin pwesto na magsalita.” ngumiti ng magalang si Chester. “Hindi mo kailangan mag-isip nang sobra. Basta alam mo na mahal ka niya.”Alam ng lahat na mahal siya ni Shaun.Dahan-dahan binaba ni Catherine ang mata niya. Subalit gayon pa man, may masama siyang nararamdaman sa puso niya na hindi maalis. “Ngunit gusto ko malaman kung sino ang nanakit sa kanya. Natatakot ako na nagalit niya ang pamilyang Hill dahil sa akin…”“Hindi simpleng tao si Shaun, kaya walang magagawa ang mga Hill sa kanya. ‘Wag ka mag-alala. Ngayon, ikaw lang ang makakasakit sa kanya.” Nang naglakad si Chester papuntang pinto, lumingon siya at nginitan siya. “Nagkakaroon ka na rin ng pakialam kay Shaun. Ibig sabihin ba niyan pumayag ka na mapatawad siya?”Natigil si Catherine ng ilang segundo, at ang mukha niya ay namula ng hindi namamalayan.Tumawa ng marahan si Chester. “Nakikiusap ako na manatili ka sa tabi niya. Medyo mainit ang ulo ni Shaun, ngunit may kinalaman ito s
Noong sandaling iyon ay laking pasasalamat ni Catherine sa sarili na pinatay niya ang ilaw kanina, dahil kung hindi ay nakita ni Shaun ang kahihiyan sa kanyang mga pisngi. Tiyak na hindi kaaya-ayang tignan ang kanyang sira-sirang mukha.“Hindi ako…”“Alam kong pinipilay mo ako. Bakit hindi mo na lang tignan kung injured ako?” Malikot na tawa ni Shaun sa kanyang mga tainga.“Sige, tignan ko pagkatapos kitang sipain ulit.”Sa wakas ay iniangat niyang muli ang kanyang binti.Mabilis naman itong iniwasan ni Shaun at sa halip ay hinawakan niya ang binti ng babae habang nakataas ito. “Naku po, mahal ko, may balak ka ba talagang pilayin ako?”Nakaramdam ng pangingilabot si Catherine nang marinig niyang tawagin siya nang ganon ng lalaki. Hindi niya talaga lubos na maunawaan kung bakit tila’y walang pakialam ang lalaki sa kanyang hindi kaaya-ayang mukha. “Shaun, pwede na ba natin itigil ito? Gusto ko nang matulog.”“Natutulog sa isang kama ang mag-asawa.”Pagkatapos itong sabihin ni Sha
“Maliit na bagay lang naman ‘yon. Hindi naman sa pinapatakbo ko ang kumpanya nang dahil sa aking itsura, bagkus ay dahil sa aking kakayahan.” Pabirong sagot ni Catherine. “Sige na, pag-usapan natin ang kinalalagyan ng mga ongoing nating mga project sa iba’t ibang lugar…”Matapos ang isang oras na pag-uusap ay natapos ang pagtitipon.Pagbalik ni Catherine sa kanyang opisina, mayroong isang invitation card na nakalagay sa kanyang lamesa. Ito ay mula kina Melanie at Charlie, at sila’y magkakaroon ng isang engagement ceremony sa Pavilion Intercontinental Hotel bukas.Ano ang ipinapalabas ni Melanie sa pagpapadala ng imbitasyon?Habang pinag-iisipan niya ito’y may natanggap siyang tawag mula sa hindi kilalang numero. “Ate, nakita mo na ba ang aking invitation card?”“Huwag mo nga akong tawaging ganyan. Wala akong nakababatang kapatid na sinubukang agawin ang aking asawa.” Maaari nang maging matapang si Catherine dahil sa kanilang marriage certificate.“Ang kapal mo talaga, ‘no? Sino n
Naligo muna saglit si Catherine pagkabalik niya ng New Metropolis Park bago siya nagmadaling pumunta sa kanyang study dala-dala ang kanyang laptop.Nagpadala ng email patungkol sa sales data ng real estate mula sa iba’t ibang rehiyon ang lahat ng sangay ng kanyang kumpanya. Agad na nawala ang kanyang atensyon sa mga report matapos niyang itong sulyapan saglit. Hindi niya mapigilan ang sariling hanapin ang Shaunarah Corporation sa Internet.Lubos niyang ikinagulat ang mga resulta.Wala pang limang taon nang itinatag ang Shaunarah Corporation.Ngunit ang market value nito’y lumagpas na ng 200 billion dollars.Bukod pa rito, ang negosyo ng parehong Shaunarah Corporation at Hill Corporation na kumikita ng pinakamalaking salapit ay mga proyektong may kinalaman sa electronics.Walang dudang hindi matitibag ang posisyon ng Hill Corporation sa industriya, ngunit gayunpaman ay kinakaya pa rin ng Shaunarah Corporation na humabol at mangibabaw mula sa iba dahil kumikita ito ng halos isang-k
Napansin ni Catherine ang awkward na emosyon na kumislap sa mukha ni Shaun bago itong natural na ngumiti. “Napagdesisyunan ito matapos ng internal na pagtatalakay.”“Ahh gano’n pala…” Bulong ni Catherine.Hindi niya sana ito didibdibin kung sinabi lamang ng lalaki ang totoo.Marahil ay hindi pa rin nito alam na kilala na niya ang isang babaeng nagngangalang Sarah.Ilang ulit na itong nangyari. Palagi na lamang siya nitong binibigo tuwing napag-iisipan niyang tanggapin ito nang tuluyan.“Huwag na natin ‘yun pag-usapan. Ano ‘to?” Iwinagayway niya ang invitation card na nasa kanyang kamay.Biglang naalala ni Catherine na iniwan niya ito sa kanyang lamesa matapos niyang makauwi. “Inimbitahan ako ni Melanie.”“Inimbitahin niya rin ako.” Tawa ni Shaun. “Iniisip niya sigurong dapat niyang ipagmayabang na pakakasalan niya si Charlie Campos.”Walang masabi si Catherine.Inimbitahan din ng babaeng iyon pati ang kanyang ex-boyfriend. Tila’y maganda ang mga mangyayari bukas.“Pero… kahit