“Pero… kung handa kang harapin ang mga tao nang kasama ako, ibig sabihin nito’y ako pa rin ang kasama mong dumalo sa mga susunod na pagtitipon… habang hawak hawak ka sa aking tabi.”Buong pagdidiin ni Shaun sa bawat salitang kanyang binibitiwan na tila ba’y sinasabi niya ang kanyang mga pangako sa kasal.May naramdamang kakaiba si Catherine.Isa lamang siyang normal na babae. Hindi niya mapigilan ang sariling hindi manlambot para sa lalaki ngayong alam niyang may iba pang laman ang kanyang puso.Lalo na’t kung nanggagaling ang mga bulong na ito mula sa matamis at ‘di maitatangging kaaya-ayang mukha ng lalaking ito. Noong mga sandaling iyon, napuno si Catherine ng nakatatarantang kagwapuhan ng lalaki.“Tila’y kailangan ko pang patunayan ang aking pagmamahal sa iyo sa pamamagitan ng aking mga kilos.”Kumurba ang mga maninipis na labi ni Shaun patungo sa isang misteryosong ngiti bago niya halikan sa labi si Catherine.“‘Wag…” Namula si Catherine nang maisip niya ang gagawin dapat n
11:00 a.m.Umuwi si Shaun mula sa kanyang trabaho upang sunduin si Catherine.Umabante si Catherine upang hawakan ang kamay ni Shaun, at nangningning ang kanyang mga mata katulad ng mga bituin sa langit. “Gusto ko talaga itong evening gown na ito.”“Iyon ang mahalaga.”Sabi ni Shaun ng nakataas ang kanyang mga kilay. Hangga’t sa natutuwa si Catherine sa kanyang suot, sulit na sulit ang isang buong gabing kanyang ginugol upang pigilang maipasakamay ito ni Melanie.Habang papunta sila sa hotel, tumigil ang sasakyan sa isang intersection upang hintayin ang traffic light na maging green.Biglang may napansin si Catherine habang nakatingin sa labas ng bintana na nagpabulabog sa kanyang puso. “Pwedeng tumigil lang tayo sandali sa kanto? May bibilhin lang ako saglit sa pharmacy.”“Ano’ng kailangan mo? Ako na lang ang pupunta.” Tumingin si Shaun sa mga mata ni Catherine.“Um… birth control pills,” Sagot ni Catherine.“Kung gusto mo’y pwede naman nating pag-usapan ang tungkol sa pagkak
“Ang galing naman! So ang hotel palang ito ay kay Charlie rin! Narinig ko na ang turnover ng hotel sa taong ito ay isa sa top three ng mga hotel sa buong Australia. Tunay na napakagaling!”“Tama.” Inilipat ni Melanie ang kanyang paningin patungo kay Charlie na pinalilibutan ng madla. Hindi nakakailang kaaya-aya ang lalaki, bagama’t hindi ito sing gwapo o kasing katawan ni Eldest Young Master Hill. Isa pa, puno rin naman ng mga oportunidad at potensyal ang kanyang kinabukasan.Naroroon ang lahat ng miyembro ng mga Hill maging ang mga makapangyarihang mga pangalan sa larangan ng pulitika at pagnenegosyo. Pakiramdam ni Melanie ay isa siyang katangi-tanging babae dahil dumalo ang mga ito sa kanyang engagement ceremony.Ito ang pinapangarap niyang kasal noon pa lamang.Marahil ay pagsisisihan na ni Shaun ang kanyang desisyong hiwalayan siya pagkarating nito mamaya. Kasalanan niya rin namang ayaw niyang pakasalan ang isang tulad ni Melanie.Isa pa, dadalo rin si Catherine. Pihado ni Mel
“Alam mo, totoo ‘yon. Kawawa ka naman.” Suporta ni Melanie. “Isa pa, minsa’y sinasabi lang ‘yon ng mga lalaki para sa kapakanan ng kanilang katayuan at dignidad.”“Tama ka diyan, mahalagang bantayan ng isang lalaki ang kanyang dignidad. Ah, Young Master Campos, noong una akong nakarating ng Canberra at narinig ko ang kahiya-hiyang kwento tungkol sa’yo at sa isang kolehiyala’y inisip kong magbabago ang buhay ng kawawang babaeng iyon. ‘Yun pala’y nagkakamali ako.”Matapos niyang huminto sandali, tumingin si Catherine kay Melanie at seryoso ang tono nito nang magsalitang muli, “Pinakamamahal kong nakababatang katapid, dahil engagement ceremony mo ngayong gabi, gusto lang kitang bigyan ng isang maka-ateng payo. Isang araw ay tatanda at papangit din tayong mga babae. Nandiyan lang sa tabi-tabi ang mga magagandang babae ngunit hinding hindi kumukupas ang kagadahang loob. Ito ang totoong sikreto ng pagpapanatili ng isang matibay na buhay mag-asawa.”“Tama ka diyan, asawa ko.”Sabi ni Shau
“Papa, si Nicola ang may pakana nito,” Pagpuputol ni Catherine. “Kamakailan lamang, ikinulong ako ng mga Hill sa kanilang dungeon. Nakipagsabwatan si Nicola kay Valerie at inutusan ang mga tauhan nilang lasunin ang aking pagkain kaya’t nangyari ito.”“Ano?” Gulat na gulat si Joel nang marinig niya ito. Kung pag-iisipan talaga’y kaya nga itong gawin ni Nicola. “Hahanapin ko talaga ‘yung babaeng ‘yun…”“Papa, maraming kilalang bisita ang nandito upang masaksihan ang engagement ceremony sa pagitan ng mga Yule at Campos. Hindi ito ang panahon upang gumawa ng eksena. Isa pa, naririto rin sina Old Master Hill at ang iba pa. Sigurado akong hindi ka nila kakampihan.” Sinubukan ni Catherine na baguhin ang isip ni Joel.Kinuyom ni Joel ang kanyang mga kamao. Galit na galit ito. “Pero ‘yung mukha mo…”“Uncle Joel, may mga bagay na kailangan ng panahon,” Mahinang sinabi ni Shaun, “Sisiguraduhin kong mananagot ang mga gumawa nito kay Catherine.”Pakiramdam ni Joel ay may natanggal na tinik sa
“Tara, maupo tayo.” Kalmadong inihatid ni Shaun si Catherine papunta sa kanilang lamesa.Mayroong iba’t ibang klase ng prutas at mani na nakalagay roon.Sinubukang buksan ni Catherine ang ilan sa mga pine nuts ngunit agad din siyang sumuko dahil masyado itong matrabaho.Nang mapansin ito ni Shaun ay agad niyang kinuha ang mga mani at matapos ang ilang sandali ay naglapag ito ng ilang pirasong pine nuts sa harapan ni Catherine.Lumambot ang puso ni Catherine dahil sa ginawang ito ni Shaun.“Cathy…”Biglang tumunog sa kanyang mga tainga ang marahang tinig ni Wesley.Iniangat ni Catherine ang kanyang paningin upang hanapin ang pinagmulan ng tinig na ito. Matikas ang dating ni Wesley habang suot ang isang kulay asul na suit at puting pantalon. Nangningning ang mga mata nito sa pagkagulat at awa nang makita siya nito.Umabante si Wesley at iniangat ang kanyang kamay. Hindi niya namalayang hahaplusin na niya ang mukha ni Catherine.Nang biglang may isang kamay na kumuha sa kanyang b
”Ako…” “Narinig niyo ba ‘yun?” Gusto ng asawa kong umalis. Lahat ba ng maninira ng pamilya ay tulad mo?” Niyakap ni Shaun si Catherine palapit at marahang sinabi na, “Dear, umupo ka. Itutuloy ko ang pagbalat ng pine nuts para sa’yo.May kung anong kumislap sa mata ni Wesley habang tinitignan niya ang babaeng nakasandal ang ulo sa dibdib ng ibang lalaki. Tinakpan ng anino ang kanyang naninigas na katangian bago ito tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad.Bumuntong hininga si Catherine sa loob-looban niya at ang tingin nito ay nasa palayong anino ng lalaki.Talagang hinihiling niyang makapag move on na kaagad si Wesley.Dahil napagdesisyunan niyang bumalik sa puder ni Shaun, alam niyang walang pag-asang magkabalikan sila.Mas lalong impossible dahil kasal pa rin siya kay Shaun.“Kainin mo na ang pine nuts mo at kalimutan ang ibang lalaki.” Inikot niya ang ulo ni Shaun. “Mas komplikado si Wesley sa naiisip mo…”“...”“Hindi lahat ay makakapunta sa engagement party na ito. Hindi
Inikot ni Director Irvine ang mata niya sa buong silid para makitang walang kahit sino galing sa pamilyang Hill ang may intensyong tulungan si Shaun. “Makatuwiran akong tao. Dahil binali mo ang braso ko, dapat kong ibalik ang pabor sa’yo ngayon. Isa pa, naiinis ang asawa ko dahil sinubukan akong akitin ng asawa mo. pero pwede ko namang makalimutan ang mga ito kung hahayaan mo akong sampalin ang mukha ng asawa mo.”Tumawa si Catherine nang marinig niya iyon. “Meron ka bang pruweba na sinubukan ko talagang akitin ka? Sigurado akong maraming security camera sa paligid. Tignan natin ang footage kung nilapat ko nga talaga ang kamay ko sa’yo.”Naubusan na ng pasensya si Director Irvine. “Anong ibig mong sabihin? Bakit ko naman aakusahan ang pangit na babaeng tulad mo?”“Ang kilalang Director Irvine ay hindi ka aakusahan. Hindi na maganda ang mga resulta ng maling gawain mo pero ayaw mo pa rin umamin. Sa tingin ko, ang isang sampal ay hindi sapat.” Walang pag-asang suhesyon ni Melanie, “