“Maliit na bagay lang naman ‘yon. Hindi naman sa pinapatakbo ko ang kumpanya nang dahil sa aking itsura, bagkus ay dahil sa aking kakayahan.” Pabirong sagot ni Catherine. “Sige na, pag-usapan natin ang kinalalagyan ng mga ongoing nating mga project sa iba’t ibang lugar…”Matapos ang isang oras na pag-uusap ay natapos ang pagtitipon.Pagbalik ni Catherine sa kanyang opisina, mayroong isang invitation card na nakalagay sa kanyang lamesa. Ito ay mula kina Melanie at Charlie, at sila’y magkakaroon ng isang engagement ceremony sa Pavilion Intercontinental Hotel bukas.Ano ang ipinapalabas ni Melanie sa pagpapadala ng imbitasyon?Habang pinag-iisipan niya ito’y may natanggap siyang tawag mula sa hindi kilalang numero. “Ate, nakita mo na ba ang aking invitation card?”“Huwag mo nga akong tawaging ganyan. Wala akong nakababatang kapatid na sinubukang agawin ang aking asawa.” Maaari nang maging matapang si Catherine dahil sa kanilang marriage certificate.“Ang kapal mo talaga, ‘no? Sino n
Naligo muna saglit si Catherine pagkabalik niya ng New Metropolis Park bago siya nagmadaling pumunta sa kanyang study dala-dala ang kanyang laptop.Nagpadala ng email patungkol sa sales data ng real estate mula sa iba’t ibang rehiyon ang lahat ng sangay ng kanyang kumpanya. Agad na nawala ang kanyang atensyon sa mga report matapos niyang itong sulyapan saglit. Hindi niya mapigilan ang sariling hanapin ang Shaunarah Corporation sa Internet.Lubos niyang ikinagulat ang mga resulta.Wala pang limang taon nang itinatag ang Shaunarah Corporation.Ngunit ang market value nito’y lumagpas na ng 200 billion dollars.Bukod pa rito, ang negosyo ng parehong Shaunarah Corporation at Hill Corporation na kumikita ng pinakamalaking salapit ay mga proyektong may kinalaman sa electronics.Walang dudang hindi matitibag ang posisyon ng Hill Corporation sa industriya, ngunit gayunpaman ay kinakaya pa rin ng Shaunarah Corporation na humabol at mangibabaw mula sa iba dahil kumikita ito ng halos isang-k
Napansin ni Catherine ang awkward na emosyon na kumislap sa mukha ni Shaun bago itong natural na ngumiti. “Napagdesisyunan ito matapos ng internal na pagtatalakay.”“Ahh gano’n pala…” Bulong ni Catherine.Hindi niya sana ito didibdibin kung sinabi lamang ng lalaki ang totoo.Marahil ay hindi pa rin nito alam na kilala na niya ang isang babaeng nagngangalang Sarah.Ilang ulit na itong nangyari. Palagi na lamang siya nitong binibigo tuwing napag-iisipan niyang tanggapin ito nang tuluyan.“Huwag na natin ‘yun pag-usapan. Ano ‘to?” Iwinagayway niya ang invitation card na nasa kanyang kamay.Biglang naalala ni Catherine na iniwan niya ito sa kanyang lamesa matapos niyang makauwi. “Inimbitahan ako ni Melanie.”“Inimbitahin niya rin ako.” Tawa ni Shaun. “Iniisip niya sigurong dapat niyang ipagmayabang na pakakasalan niya si Charlie Campos.”Walang masabi si Catherine.Inimbitahan din ng babaeng iyon pati ang kanyang ex-boyfriend. Tila’y maganda ang mga mangyayari bukas.“Pero… kahit
“Pero… kung handa kang harapin ang mga tao nang kasama ako, ibig sabihin nito’y ako pa rin ang kasama mong dumalo sa mga susunod na pagtitipon… habang hawak hawak ka sa aking tabi.”Buong pagdidiin ni Shaun sa bawat salitang kanyang binibitiwan na tila ba’y sinasabi niya ang kanyang mga pangako sa kasal.May naramdamang kakaiba si Catherine.Isa lamang siyang normal na babae. Hindi niya mapigilan ang sariling hindi manlambot para sa lalaki ngayong alam niyang may iba pang laman ang kanyang puso.Lalo na’t kung nanggagaling ang mga bulong na ito mula sa matamis at ‘di maitatangging kaaya-ayang mukha ng lalaking ito. Noong mga sandaling iyon, napuno si Catherine ng nakatatarantang kagwapuhan ng lalaki.“Tila’y kailangan ko pang patunayan ang aking pagmamahal sa iyo sa pamamagitan ng aking mga kilos.”Kumurba ang mga maninipis na labi ni Shaun patungo sa isang misteryosong ngiti bago niya halikan sa labi si Catherine.“‘Wag…” Namula si Catherine nang maisip niya ang gagawin dapat n
11:00 a.m.Umuwi si Shaun mula sa kanyang trabaho upang sunduin si Catherine.Umabante si Catherine upang hawakan ang kamay ni Shaun, at nangningning ang kanyang mga mata katulad ng mga bituin sa langit. “Gusto ko talaga itong evening gown na ito.”“Iyon ang mahalaga.”Sabi ni Shaun ng nakataas ang kanyang mga kilay. Hangga’t sa natutuwa si Catherine sa kanyang suot, sulit na sulit ang isang buong gabing kanyang ginugol upang pigilang maipasakamay ito ni Melanie.Habang papunta sila sa hotel, tumigil ang sasakyan sa isang intersection upang hintayin ang traffic light na maging green.Biglang may napansin si Catherine habang nakatingin sa labas ng bintana na nagpabulabog sa kanyang puso. “Pwedeng tumigil lang tayo sandali sa kanto? May bibilhin lang ako saglit sa pharmacy.”“Ano’ng kailangan mo? Ako na lang ang pupunta.” Tumingin si Shaun sa mga mata ni Catherine.“Um… birth control pills,” Sagot ni Catherine.“Kung gusto mo’y pwede naman nating pag-usapan ang tungkol sa pagkak
“Ang galing naman! So ang hotel palang ito ay kay Charlie rin! Narinig ko na ang turnover ng hotel sa taong ito ay isa sa top three ng mga hotel sa buong Australia. Tunay na napakagaling!”“Tama.” Inilipat ni Melanie ang kanyang paningin patungo kay Charlie na pinalilibutan ng madla. Hindi nakakailang kaaya-aya ang lalaki, bagama’t hindi ito sing gwapo o kasing katawan ni Eldest Young Master Hill. Isa pa, puno rin naman ng mga oportunidad at potensyal ang kanyang kinabukasan.Naroroon ang lahat ng miyembro ng mga Hill maging ang mga makapangyarihang mga pangalan sa larangan ng pulitika at pagnenegosyo. Pakiramdam ni Melanie ay isa siyang katangi-tanging babae dahil dumalo ang mga ito sa kanyang engagement ceremony.Ito ang pinapangarap niyang kasal noon pa lamang.Marahil ay pagsisisihan na ni Shaun ang kanyang desisyong hiwalayan siya pagkarating nito mamaya. Kasalanan niya rin namang ayaw niyang pakasalan ang isang tulad ni Melanie.Isa pa, dadalo rin si Catherine. Pihado ni Mel
“Alam mo, totoo ‘yon. Kawawa ka naman.” Suporta ni Melanie. “Isa pa, minsa’y sinasabi lang ‘yon ng mga lalaki para sa kapakanan ng kanilang katayuan at dignidad.”“Tama ka diyan, mahalagang bantayan ng isang lalaki ang kanyang dignidad. Ah, Young Master Campos, noong una akong nakarating ng Canberra at narinig ko ang kahiya-hiyang kwento tungkol sa’yo at sa isang kolehiyala’y inisip kong magbabago ang buhay ng kawawang babaeng iyon. ‘Yun pala’y nagkakamali ako.”Matapos niyang huminto sandali, tumingin si Catherine kay Melanie at seryoso ang tono nito nang magsalitang muli, “Pinakamamahal kong nakababatang katapid, dahil engagement ceremony mo ngayong gabi, gusto lang kitang bigyan ng isang maka-ateng payo. Isang araw ay tatanda at papangit din tayong mga babae. Nandiyan lang sa tabi-tabi ang mga magagandang babae ngunit hinding hindi kumukupas ang kagadahang loob. Ito ang totoong sikreto ng pagpapanatili ng isang matibay na buhay mag-asawa.”“Tama ka diyan, asawa ko.”Sabi ni Shau
“Papa, si Nicola ang may pakana nito,” Pagpuputol ni Catherine. “Kamakailan lamang, ikinulong ako ng mga Hill sa kanilang dungeon. Nakipagsabwatan si Nicola kay Valerie at inutusan ang mga tauhan nilang lasunin ang aking pagkain kaya’t nangyari ito.”“Ano?” Gulat na gulat si Joel nang marinig niya ito. Kung pag-iisipan talaga’y kaya nga itong gawin ni Nicola. “Hahanapin ko talaga ‘yung babaeng ‘yun…”“Papa, maraming kilalang bisita ang nandito upang masaksihan ang engagement ceremony sa pagitan ng mga Yule at Campos. Hindi ito ang panahon upang gumawa ng eksena. Isa pa, naririto rin sina Old Master Hill at ang iba pa. Sigurado akong hindi ka nila kakampihan.” Sinubukan ni Catherine na baguhin ang isip ni Joel.Kinuyom ni Joel ang kanyang mga kamao. Galit na galit ito. “Pero ‘yung mukha mo…”“Uncle Joel, may mga bagay na kailangan ng panahon,” Mahinang sinabi ni Shaun, “Sisiguraduhin kong mananagot ang mga gumawa nito kay Catherine.”Pakiramdam ni Joel ay may natanggal na tinik sa