Nagpalit ng damit si Catherine at naghanda umalis. Noong bumaba siya, nakasalubong niya si Melanie na kakabalik lang.“Saan ka pupunta ng gabing-gabi? Huwag mo sabihin sa akin na may pupuntahan ka na mga lalaki?” Ang mga sinabi ni Melanie ay hindi nakakatuwa.“Lasing ang kaibigan ko kaya susunduin ko siya.” Hindi na siya tinignan pa ni Catherine at diretsong nagmaneho papunta sa daungan.May ilang malalaking yate na nakaparada dito.Nakita niya ang isa sa mga pinakamalaki at sumakay dito. Mainit sa loob at mahigit pa sa dosenang lalaki at babae ang nandoon. Lahat ng babae ay nakasuot ng bikini. Nilagay ni Catherine ang kamay niya sa bulsa dahil sa kapaligiran. Gusto niya tawagan si Joel.Subalit, bago niya pa mapindot ang numero, isang lalaki ang biglang nagmadali na pumunta sa likod niya at ikinulong ang katawan. Kinuha niya ang phone at dinala siya sa taas.Pumiglas si Catherine ngunit hindi siya makawala. Alam niya na nahulog siya sa patibong, ngunit hindi pa nagtatagal simula
Nangangatog ang ngipin ni Catherine dahil sa galit. Dahil sinadya niyang sabihin na hihinto siya sa pagsayaw pagkatapos umabot ng sampung libong dolyar, gaano katagal siya aabot sa ganon na halaga?Dahil doon, tumawa ang mga lalaki. “Kung sa ganon, konting gantimpala lang ang ibibigay namin para matuwa kami ng mas matagal.”“Tama iyon, hayaan natin lumipas ang oras at manood.”Habang nanonood ang grupo ng tao, dahan-dahan niya binalot ang sarili sa bakal na poste at sumayaw. Kaya niya sumayaw, ngunit alam niya na kung mas gagalingan niya sumayaw sa harap ng mga tao na ito, mas lalo sila mawawala sa katuwiran.Subalit nakalimutan niya isipin ang maganda niyang katawan at kamangha-mangha niyang ganda. Kahit na simple lang ang sayaw niya, nagdadala ng tukso ang bawat galaw niya sa mga lalaki na nanonood.Mapaglaro siyang kinuhaan ni Rodney ng bidyo at ipinadala kay Shaun. [Shaun, tinutulungan kita turuan ng leksyon ang babae na ito.]...Sa manor ng mga Hill.Matutulog na sana si
“Ayos, kaya mo uminom ng alak.”Nagsaya ang mga tao, at ang sumunod na young master ay pumunta para bigyan siya ng isang libo para uminom ulit ng isang baso ng alak.Inom siya nang inom hanggang sa nasanay na ang tiyan niya sa sakit. Pagkatapos niya inumin ang inabot ng ika-siyam na lalaki, ang natitira na lang ay si Rodney Snow.Pagewang-gewang siya naglakad. Dalawa na ang nakikita niya at para bang dumami si Rodney. Nakilala niya lang ito sa suot niya amerikana na yari sa balat. Hindi na niya makilala ang itsura nito. “Young Master Snow, tapos mo na dapat ako paglaruan ngayon. Huling baso na para sa isang libo, okay?”Tinignan ni Rodney ang babae sa harap niya. Karamihan ng lalaki ay hindi kaya uminom ng siyam na baso ng matapang na alak ng sunod-sunod. Lasing na siya, ngunit maliwanag pa ang mga mata niya habang tinitignan siya nito pabalik. Diretso ang likod niya at puno ito ng kayabangan.Tumama siya sa mababang boses. “Bakit ako papayag? Hindi ko bibigyan ang babaeng katulad
Tinignan ng mga lalaki si Shaun at natulala. Alam ng lahat na ang Eldest Young Master Hill ay hindi malapit sa mga babae.“Eldest… Eldest Young Master Hill, bakit ka nagpunta dito?”“Sino ang nagpainom sa kanya?” Ang madilim na titig ni Shaun ay dumaan sa bawat mukha ng nasa yate isa-isa.Naramdaman nilang lahat na kinilabutan ang puso nila. Tinignan lang nila si Rodney para humingi ng tulong. “Young Master Snow, ikaw ang nagsabi ngayon lang.”“Ayos lang.” Tinaaas ni Rodney ang kaliwa niyang kamay at binaba ito. Naglakad siya papunta kay Shaun at tumawa sa mababang boses. “Shaun, tinutulungan lang kita maglabas ng galit. Kasalanan niya dahil niloko at pinaglaruan ka niya. Dahil naglakas loob siyang magpunta dito sa Canberra, siyempre, kailangan ko siya turuan ng leksyon sa ngalan mo.”Bago pa siya matapos, sinuntok siya nang malakas ni Shaun sa mukha. Nagulat si Rodney at siya ay binugbog hanggang sa nagdugo ang labi niya.“Shaun Hill…” Nagalit si Rodney.Mabilis na umalis ang m
Nanigas ang katawan ni Shaun. Hinawakan niya ang balikat nito nang galit at tinanong sa paos na boses, “Sinong gusto mo ang humilot sa tiyan mo?”Si Wesley Lyons? Kung ganon, papalabasin niya talaga ito sa kwarto niya.“Shaunny, Shaunny…” Sumimangot si catherine habang tuliro. Naalala niya noong sumakit ang puson niya noong meron siya, tutulungan siya ni Shaunny hilutin ang tiyan niya.“Catherine Jones, sigurado ka ba na lasing ka?” Pinisil ni Shaun ang mukha niya ng madiin. Pinaglalaruan ba siya nito ulit?“Ang sakit, ang sama mo.” Lasing na inangat ni Catherine ang isa niiyang paa para sipain ng marahan si Shaun.Muntik na magdugo ang ilong ni Shaun. Anong bulok na ideya ba ang pumasok sa utak ni Rodney para pasuotin siya ng ganitong damit? Pinapahirapan lang siya nito.“Catherine Jones, pwede ka managinip kung gusto mo tulungan kita hilutin ang tiyan mo.” Pinisil ni Shaun ang mukha niya hanggang sa mamula ito“Mm… Masakit… Shaunny.” Parang bata na kinagat ni Catherina ang lab
Asan siya?Naalala ni Catherine na may nangyari kay Freya kagabi. Noong nagpunta siya, gusto siya turuan ng leksyon ng kaibigan ni Shaun. Para makalaya sila ni Freya, kailangan niya umabot ng sampung libong dolyar, kaya napainom siya nang marami. Atsaka, noong may dumating, parang...hinalikan niya ito…?Pagkatapos ay medyo naaalala niya na sumakay sila sa helicopter...Dahil marami siya ininom, ang memorya niya ay magulo. Saan nagpunta ang helicopter kagabi?May kasama ba siya matulog?Kinilabutan siya sa pag-iisip noon, inangat niya ang kumot para tignan ang suot at muntik na siya umiyak nang makita niya na suot pa rin niya ang playboy bunny na damit. Subalit parang hindi naman ito tinanggal, kaya okay iyon.Tumingin siya sa paligid at nakita ang damitan. Kailangan niya ng pantakip sa sarili.Noong nakatayo na siya mula sa kumot, biglang bumukas ang pinto.Eleganteng pumasok si Shaun habang may suot na asul na robe, at ang buong katawan ni Catherine ay nanigas noong nakita si
“Paano ako naging loko-loko?” Ang mga kamay ni Shaun ay nasa parehong gilid ng balikat niya nang may naiinis na titig.Hindi namalayan ni catherine na tinakpan niya ang labi niya, at nararamdaman niya na nag-iinit ang mukha niya. “Manahimik ka.”“Bakit? Kinamumuhian mo na ako ngayon?” Hinila palayo ni Shaun ang kamay niya at nginitngit ang ngipin niya. “Catherine Jones, hindi pa katagalan noong umalis ako ngunit hindi ka makapaghintay na makipag-ugnayan kay Wesley Lyons. Sabihin mo nga sa akin, alam ba niya na kasama mo ako ngayon?”“Shaun Hill, tama na…”Namutla si Catherine. Naalala niya ang pangako niya kay Wesley, at nakakaramdam na siya ng awa dito.Nagalit si Shaun sa itsura niya habang nag-iisip kaya binaba niya ang ulo niya para halikan ang mapula niyang labi.Akala niya ay nandidiri na siya kay Catherine, ngunit nang matikman niya ulit ang pamilyar na lasa, inisip niya lang na sobrang sarap nito.Pumiglas si Catherine, ngunit wala itong kwenta. Ang mga kamay niya ay din
“Lumabas ka,” diretsong sinabi ni ShaunNamula ang mata ni Melanie at hindi makapaniwala ang itsura niya. “Eldest Young Master, nobya mo ako…”“Pwede ka huminto sa pagiging nobya ko sa kahit na anong oras.” hinawakan siya ni Shaun sa pulso at bumaba.Ito ang unang beses na ang kusa siyang hawakan ito, ngunit bago pa siya matuwa dito, siya ay tinulak palabas ng pinto. “Melanie Yule, hindi ka kumatok at bigla ka pumasok sa bahay ng ibang tao. Hindi ka ba tinuruan ng magandang asal ng pamilya mo?”Nasamid si Melanie sa kalungkutan. “Hindi naman sa wala akong magandang asal. Dahil may tinatago si Young Master Hill na babae sa bahay niya at ayaw mo makita ko siya, tama?”Galit na galit ang itsura ni Shaun. Ang t*anga na babae na ito ay sobra na. “Kailangan ko pa ba ipaliwanag kung ano ang ginagawa ko? Alamin mo ang lugar mo.”Pagkatapos niya tapusin ang sinabi niya sinara niya ang pinto ng may malakas na kalabog.Nakatulala na nakatayo si Melanie sa labas ng pinto. Hindi niya maintin