Halata na kakatapos lang matuyo ng buhok niya, kaya medyo magulo ang itsura niya. Sa gwapo niyang mukha, mayroon na hindi mapigilan na diwa ng pagiging mailap na nagmumula sa buong katawan niya.Tinignan siya ni Catherine nang may pagkamangha.Sa saglit na iyon, gusto niya talaga pasalamatan si Freya.Kasalanan niya na napunta siya sa lalaking ito.Tinulungan siya ni Shaun nang paulit-ulit.Siya rin ang nagpapatatag sa kanya para mabuhay hanggang ngayon.Ngayong gabi, binili niya ang kwintas ng reyna, at siya ang kinaiinggitan na babae sa buong Melbourne.Ordinaryong tao lang siya na may karangyaan at madali siya maantig.“Shaunny…” Umangat si Catherine at ikinawit ang braso niya sa leeg ni Shaun. Ang maganda niyang mukha ay nagpapakita ng hiya. “Gusto mo ba...subukan iyon?”Nakapagdesisyon na siya. Hindi alintana kung tatanggapin man siya ng mga Hill o hindi sa, gusto niya ibigay ang pinakamahalagang bagay niya sa lalaking ito.Nanigas si Shaun.Tumatanggi siya sa mga bagay
Kumabog ang puso ni Catherine ng inisip niya ulit iyon.“Hindi ko na ulit gagawin iyon sa susunod.” mahina siyang umiling.Ngumiti si Shaun. “Tignan mo at wala kang imik ngayon. Kailan mo ba ako mabibigyan ng anak, hm?”Ang mukha ni Catherine ay namula kaagad.Niyakap niya ito sa leeg at binaon niya ang mukha niya sa dibdib nito. Sobrang nahihiya siya kaya hindi siya makapagsalita.“Kalimutan mo iyon. Di kalaunan ay magiging akin ka rin.”Palautos ang tono ni Shaun noong niyakap siya nito.Ito ay kalugod-lugod para sa kanya at pakiramdam niya ay pinagpala siya....Nang natulog silang dalawa, hindi nila alam na kumalat ang balita tungkol sa nangyari sa kaganapan noong gabing iyon sa buong Melbourne. Alam na ito ng lahat.Sa saglit na iyon, sa tahanan ng mga Jones, nakatanggap si Jeffery ng tawag mula sa isang kasosyo.“President Jones, nakita mo na ba ang mababang pagkatao ng anak mo?“Hehe, hayaan mo manatili sa akin ang anak mo ng isang gabi at makikipagtulungan ako sayo
Nanginig si Jeffery nang may malamig na hangin na dumapo. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakaramdam siya ng pagsisisi sa puso niya.Ito ay naging maayos na bahay dati. Paano ito nasira sa loob lang ng tatlong buwan?Kinabukasan, nakatanggap si Jeffery ng tawag na natanggal siya mula sa board of directors ng Hudson.Nagmamadali siya pumunta sa kumpanya ng galit, ngunit hindi siya pinapasok ng guwardiya at pinaalis siya.Nang walang ibang mapuntahan, naglasing si Jeffery sa bar at bumalik lang sa bahay ng hatinggabi.Sa gabing iyon, lasing niyang binuksan ang pinto ng villa. Walang ilaw sa loob at ang malamig na liwanag ng buwan ay tumatagos sa bintana na muka kisame hanggang sahig.Mayroon na wheelchair sa gitna ng sala, at may nakaupo na matandang babae na medyo kuba at makalat na buhok. Nakakatakot tignan ang pigura.Natakot si Jeffery at nanghina ang mga binti niya. Sinubukan niya tumalikod at tumakbo.Subalit sumarado ang pinto sa likod niya, at mas lalong naging madilim ang
Biglang namutla si Jeffrey. Alam niyang hindi maganda ang mga mangyayari sa kanya.Kung hindi pa siya tumestigo ngayon, marahil ay sa piitan din ang kanyang kahahantungan nang dahil inilipat sa kanya ni Sally ang responsibilidad. “Sige, aamin na ako. Si Sally Lennon iyon. Pinagsamantalahan niya habang tulog ang iyong lola at… sinuffocate na ito hanggang mamatay.Marahil ay ito na ang huling bahid ng kanyang konsensya, ngunit sa wakas ay napaluhod si Jeffrey at umiyak.Umiyak din sina Catherina at Aunty Wendy. Hindi nila inaasahang ganitong karumal-dumal ang kahihinatnan ni Old Madam Jones.Tinanong ni Aunty Wendy, “Isang tanong. Noong nahulog ang old madam sa hagdan, si Rebecca ba ang may kagagawan nu’n?“Hindi ko alam ang tungkol doon.” Umiling si Jeffrey, ngunit sa pagkakaalam niya kay Rebecca, hindi malayong kaya niyang gawin iyon, subalit ay iisa na nga lamang ang kanyang tinuturing na anak at ayaw niyang maging ito ay makulong.Sa huli’y idinampot si Jeffrey upang kwestiyuni
Isinigaw ni Sally, “Halinaw talaga iyang ama mo! Talagang sinabi niyang ako raw ang pumatay sa iyong lola. Rebecca, protektahan mo ang iyong sarili!”Mabilis na idinampot si Sally at naglulupasay si Rebecca. Nagtiis siya sa nayon sa loob ng dalawampung taon at hindi naging madali upang makarating sila rito, ngunit pagkatapos lamang ng isang taon ay nasira na agad ang kanilang pamilya.Kapag may nangyari kina Jaffrey at Sally, ano pa ba ang kinakailangan niya upang maging panganay na anak ng mga Jones?Hindi, hindi. Hindi na siya papayag na bumalik sa mga panahong iyon!Agad niyang tinawagan si Stephen. “Stephen, nagmamakaawa ako sa’yo. Tulungan mo ako. Idinampot ng mga pulis sina mama at papa. Kapag tinulungan mo ako, nangangako akong pakakasalan kita. Ibibigay ko sa iyo ang kalahati ng mga share ng Hudson.”“Rebecca Jones, nauunawaan ko na ngayon. Minamalas ang sinumang sumasama sa iyo. Una ay si Ethan Lowe, at ngayon nama’y makukulong ang iyong mga magulang. Tuluyan na ring nasi
Hindi pa nakita ni Catherine na ganitong kagalit ang kanyang asawa sa matagal na panahon. Agad niyang ibinaba ang tawag at tinangkang magpaliwanag. “Nakita mo na ba ang mga litrato? Hindi mo naiintindihan—”“Hindi ko naiintindihan? Paano ko hindi maiintindihan?”Inihagis ni Shaun ang phone na kanyang hawak papunta sa kama. Punong puno ang kanyang mga mata ng pagkadismaya, pandidiri, at poot.“Tignan mo na lang iyang mga nakakadiri mong litrado. Sinasabi mong ayaw mo si Wesley Lyons ngunit ang higpit ng iyong pagkayakap at hinubaran mo pa siya! Catherine Jones, wala ka na ba talagang kahihiyan?”Masakit ang pagkatama ng phone sa kanyang dibdib, ngunit mas masakit ngayon ang kanyang puso.Sino ba namang lalaki ang kakalma kapag nakita nila ang mga litratong ganito? Lumalabas na kumaliwa siya sa kanyang relasyon sa lalaki.“Hindi! Sinet up ko niyan! Noong gabing iyan, pinilit ako ni Rebecca Jones na uminom at iniligtas ako ni Wesley Lyons! Walang nangyari sa pagitan naming dalawa!”
Noong una’y nakaramdam ng pagsususpetya si Catherine, ngunit matapos marinig ang tinig ni Wesley, naramdaman niya’y masyado siyang nagiging negatibo sa mga pangyayari. Isang tunay na gentleman si Wesley. Hindi niya kayang ipagkalat ang mga litratong iyan.“Galit na siya. Lalaki lang ang gulo kapag tumawag ka pa.” Mapait na ngumiti si Catherine. “Hindi ba’t sinabi mong nasira mo na ang camera noon? Bakit…”“Sinira ko nga. Tinignan ko pa nga.” Bakas sa boses ni Wesley ang kanyang pamimighati. “Palagay ko’y nailipat na agad kay Rebecca Jones ang mga litratong iyon. Masyado akong naging pabaya. Nalaman kong si Rebecca ang nagpakalat ng mga litratong iyon sa pamamagitan ng isang reporter.”Ngumiwi si Catherine. Mukhang minaliit niya si Rebecca. Masyado nang nakapupukaw ang mga litratong ito.“Pasensya ka na,” Sabi ni Wesley. “Wala itong problema sa akin dahil lalaki ako, ngunit siguradong maaapektuhan nito ang iyong reputasyon. Kung may magagawa ako para sa iyo, ipaalam mo lang sa akin
Natahimik ang lahat. Pagkatapos ng higit kalahating minutong katahimikan, tumungo si General Manager Wolfe. “Gagawin natin kung ano ang sinabi ni Chairwoman Jones.”‘Di kinalauna’y nag-post ng isang update ang Facebook page ng Hudson.[Higit isang buwan na noong kinuha ang mga litrato. Sinet up at pinagtangkaan si Chairwoman Jones. Mabuti na lamang ay naroon si G. Wesley Lyons upang iligtas si Chairwoman Jones, ngunit walang nangyari sa pagitan ng dalawang partido. Magkaibigan pa rin ang dalawa hanggang ngayon. Inaasahan naming hindi na ito pag-uusapan pa ng lahat.]Pagkatapos ay personal na shinare ni Wesley ang post na ito.[Nang mga oras na iyon, dinroga si Chairwoman Jones, ngunit agad agad itong bumalik sa wisyo at nagbabad sa malamig na tubig. Malakas ang butihing Chairwoman. Inaasahan kong maintindihan ito ng lahat at huwag na siyang punain nang dahil lamang sa ilang litrato.]Nang mai-upload ang post na ito, hindi inaasahang magiging mabuti ang epekto nito.Pinuri ng mga