Ang mga luha na mula sa galit ay tumulo pababa ng pisngi ni Freya habang paakyat siya. Sa kabutihang palad, andoon si Catherine para suportahan siya,“Pasensya na, hindi ko dapat sinabi iyon.”“Dati ko pa gusto sabihin iyon.” Pinunasan ni Freya ang mga luha niya gamit ang likod ng kamay niya. “Napansin mo na parang may mali pagkatapos sila makita ng dalawang beses. Ngunit ang bilang kung ilang beses ko na nakita si Linda ay halos pareho kung ilang beses kami lumabas para magdate ni Patrick.”Nagulat si Catherine dito. Nag-aaral siya sa ibang bansa sa nakalipas na mga taon, kaya hindi malinaw sa kanya ang buhay ng pag-ibig ng kaibigan niya.Isang mapait na ngiti ang kumalat sa mukha ni Freya. “Pito mula sa sampung beses na lumabas kami, isasama niya si Linda, pati sa sinehan. Yung tatlong beses na naging mag-isa kami, aalis siya kaagad pagkatapos dahil tinawagan siya ng babaeng iyon.”“Bakit hindi mo sinabi sa akin?” Nagsisisi si Catherine ngunit nagagalit din siya. “Hindi na sana
Bigla na lamang nakarandam ng pangangatog ang abogadong kausap ni Shaun kaya ito’y nanahimik. Kinuha nito ang kanyang wine glass at sumali na lamang na naglalaro ng dice game sa gilid. Umupo si Chase sa tabi ng kanyang kaibigan, walang masabi. “Brother, niyaya ko na si Catherine dito dahil sadyang ganoon na lamang akong kabait. Pwede bang tigilan mo na ‘yang cold treatment na ‘yan?”“Sigurado ka bang hindi mo siya kinumbida rito para kay Miles Clark?” Malamig na pangungutya ni Shaun.“Parang ewan naman.” Hindi sigurado si Chase sa kanyang sasabihin. “Well, ikaw rin naman ang mukhang hindi interesado noong nagpakita siya.”Walang emosyon ang bakas sa ngiting ipinakita ni Shaun. “Ha, wala ‘yun. Isang babaeng tulad niya? Salamat na lang.”Sa mga sandali ring yaon ay may ilang mga taong pumasok mula sa pinto. Sa tabi ni Stephen Campbell ay sina Janet at Rebecca.“...”Walang masabi si Shane.Napakaswerte niya naman at talagang inilagay pa ang lahat ng kanyang mga kalaban sa iisang
“Young Master Harrison, gusto niyo rin bang pumunta roon? Tignan mo, wala nang natira rito sa inyong kwarto.” Pangutyang tawa ni Stephen habang papalapit ito sa pinto.“F*ck you, Stephen Campbell. Sinasadya mo ito, ‘no?” Galit na hinampas ni Chase sa mesa at tumayo.“Well, matatalino naman silang mga tao at syempre doon sila kung nasaan ang pera.” Itinaas ni Stephen ang kanyang mga kilay. “Marahil ay bilang na ang mga araw ninyo bilang pinakamayamang pamilya sa Melbourne.”“Nananaginip ka pa siguro kung iniisip mong basta basta ka na lamang makakaayat sa tuktok sa pakikipag-relasyon sa mga babaeng tulad niya.” Itinuro ni Chase si Rebecca at mapanuyang tumawa. “Isang second-hand na babaeng tulad niya? Parang fiancée pa siya ng iba noong nakaraang buwah, ha. Mag-ingat ka.”Walang bahid ng emosyon sa mukha ni Rebecca. “Young Master Clark, ikaw ang mag-ingat, dahil kung hindi, marahil ang unang gawin ng aking ama sa sandaling maging presidente siya ng kumpanya sa susunod na buwan ay ip
Mapagmalaki ang ngiti ni Janet. “Rinig mo ‘yon? Gusto niyang lumabas ka na.”Nawala ang lahat ng kulay at sigla sa mukha ni Catherine sa loob ng ilang segundo.“Ikaw ang ibig kong sabihin.”Dahan-dahang tumayo si Shaun, iniunat ang kanyang mahabang binti at isinipa paalis ng couch si Rebecca.Ikinagulat ito ng lahat. Isinigaw naman ng babae, “Shaun Hill, ano ba ang tingin mo sa sarili mo upang sipain ako nang ganon! Walang hiya ka! Hindi ko ito pakakawalan.”“Ah, ganon? Aabangan ko iyan kung gayon.” Nang may nandidiring itsura sa kanyang mukha, kumuha siya ng isang napkin mula sa lamesa at maingat na pinunasan ang kanyang balikat kung saan nito inilagay ang kanyang ulo kani-kanina lang.Nawala ang lahat ng galit sa loob loob ni Catherine nang makita niya ang mga pangyayari.Mabuti’t ginawa niya ang nararapat, dahil kung hindi’y tiyak siyang panlalamigan niya ito habambuhay.“Shaun, pagsisisihan mo ito. Tignan mo lang. Isang araw, magmamakaawa ka sa aking tabihan ka sa pagtulog.
Hindi rin naman ito ikinapanatag ng loob ni Shaun bagkus ay mas ikinadismaya niya ito. “Hindi ka agad pumunta sa akin noong nangangailangan ka ng tulong. Sa halip ay tumungo ka sa lalaking interesado sa iyo. Catherine Jones, masyado ba akong mabait sa iyo nitong mga nakaraang araw?”“Hindi, kinausap ko na si Wesley patungkol doon at nauunawaan niya rin naman—”“Huwag na huwag mong sasabihin na kaibigan na lang ang turing sa iyo ng lalaking iyon.” Mapanuyong ngumiti ang lalaki. “Kung gayo’y wala bang problema sa iyong makipagkaibigan ako sa mga babaeng sinubukan akong halinahin noon?”“...”Ikinagulat naman ito ni Catherine. Matapos niyang ilagay ang sarili sa position ng lalaki, napagtantuan niya rin ang pagkakamaling kanyang ginawa.“Pasensya na.” Maya maya’t iniyuko niya ang kanyang ulo. “Tatawagan kita agad kapag kailangan ko ng iyong tulong sa susunod at hindi na ako tatanggap ng tulong mula sa kanya. Sa iyo lang talaga ako may pakialam.”Pinakawalan siya ng lalaki at nagsind
Gusto na lamang maiyak ni Catherine sa kahihiyan.Mabilis niyang sinulyapan ang paligid matapos ang kanilang paghahalik at nakita niyang nagtipon ang iba sa isang gilid upang maglaro ng dice.Tumawa si Chase. “Halika na’t sumali kayo ngayong tapos na kayong maglampungan. Nakailang laro na rin kami rito.”Muli niyang naramdamang namula ang kanyang mga pisngi. “Huwag na,” patamad-tamad na sagot ni Shaun habang inilagay nito ang mukha sa kanyang mahabang buhok. “Umuwi na tayo.”“Huwag muna, umiinom si Freya. Kailangan ko pa siyang ihatid pauwi.”“Kumuha na lang siya ng taxi,”Saglit itong nag-atubili bago tumanggi, “Hindi, kakaaway lamang nila ng kanyang boyfriend at ipinangako kong ihahatid ko pa siya pauwi. Hindi ko siya pwedeng isantabi nang dahil sa’yo.”Bakas muli sa mukha ni Shaun ang pagkainis. “Ano ang ibig mong sabihin? Mas mahalaga pa ba ‘yang kaibigan mo?”“...”‘Syempre naman, mahalaga pa rin ang mga kaibigan.’Gayunpaman, itinago na lamang niya ito sa kanyang puso a
Sa mga sandaling iyo’y nagulat si Catherine na nawala na lamang ang kanyang tama. “Hala… Nakakalakad ka pa ba? Tutulungan na kita.”“Hindi, hindi pa ako lasing. Hindi ako malalasing.” Hindi gaanong matatag na kinaway ni Freya ang kanyang kamay at naglakad na paalis.“Tito?” Malito-litong itinaas ni Shaun ang kanyang mga kilay.Napatalon sa takot si Catherine. “Kamukha mo kasi ang kanyang tiyuhin, kaya’t patago ka niyang tinatawag na ‘tito’.”“Sabihin mong huwag niya ako tawagin ng ganon. Hindi kami magkamag-anak.”Sinimulan na muli ni Shaun ang sasakyan, at napabuntong hininga na lamang si Catherine. Pasalamat niya’y hindi ito nagsuspetya.Habang pabalik ay nanguna na ang alak at antok kay Catherine at unti-unti na itong nakatulog.Matapos ang ilang sandaling hindi na niya nabilang, may dahan-dahang dumampot sa kanya.Agad niyang binuksan ang kanyang mga mata at nakita ang kay gwapong mukha ng lalaki. Buong akala’y nananaginip ito, iniunat ni Catherine ang kanyang mga labi patu
Kinurot ni Shaun ang kanyang mga pisngi. “Behave ka, ha. Hihintayin ko pa rin ‘yung pangako mo sa akin pagkakuha mo sa Hudson.”Tuluyan nang nahina si Catherine nang marinig niya ang boses ng lalaki.Sa kabilang banda’y malito-lito lamang silang tinignan ni Elle.Napansin ito ni Catherine. Matapos umalis ni Shuaun, itinanong niya si Elle nang may ngiti, “Kilala mo ba si Shaunny?”Ngumiti lamang si Elle nang narinig niya ang pangalang ‘Shaunny’ at buong galang na sinagot, “Opo.”Napatingin-tingin muna si Catherine bago itanong, “Kung gayo’y alam mo kung mayroon na siyang ex-girlfriend. Ilan na ba sila?”“Miss Jones, mas mainam na si Mr. Hill na lamang ang inyong tanungin patungkol diyan.” Tinapos agad ni Elle ang usapan sa loob na iilang mga salita.Nawalan ng gana si Catherine. Mahirap paaminin ang bodyguard na ito.Noong araw ding iyon ay bumitiw na si Catherine sa kanyang posisyon sa Talton upang paghandaan ang Hudson.….Sa pamamahay ng mga Jones.Maganda ang pakiramdam n