Share

Kabanata 195

Gusto na lamang maiyak ni Catherine sa kahihiyan.

Mabilis niyang sinulyapan ang paligid matapos ang kanilang paghahalik at nakita niyang nagtipon ang iba sa isang gilid upang maglaro ng dice.

Tumawa si Chase. “Halika na’t sumali kayo ngayong tapos na kayong maglampungan. Nakailang laro na rin kami rito.”

Muli niyang naramdamang namula ang kanyang mga pisngi. “Huwag na,” patamad-tamad na sagot ni Shaun habang inilagay nito ang mukha sa kanyang mahabang buhok. “Umuwi na tayo.”

“Huwag muna, umiinom si Freya. Kailangan ko pa siyang ihatid pauwi.”

“Kumuha na lang siya ng taxi,”

Saglit itong nag-atubili bago tumanggi, “Hindi, kakaaway lamang nila ng kanyang boyfriend at ipinangako kong ihahatid ko pa siya pauwi. Hindi ko siya pwedeng isantabi nang dahil sa’yo.”

Bakas muli sa mukha ni Shaun ang pagkainis. “Ano ang ibig mong sabihin? Mas mahalaga pa ba ‘yang kaibigan mo?”

“...”

‘Syempre naman, mahalaga pa rin ang mga kaibigan.’

Gayunpaman, itinago na lamang niya ito sa kanyang puso a
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status