Hindi rin naman ito ikinapanatag ng loob ni Shaun bagkus ay mas ikinadismaya niya ito. “Hindi ka agad pumunta sa akin noong nangangailangan ka ng tulong. Sa halip ay tumungo ka sa lalaking interesado sa iyo. Catherine Jones, masyado ba akong mabait sa iyo nitong mga nakaraang araw?”“Hindi, kinausap ko na si Wesley patungkol doon at nauunawaan niya rin naman—”“Huwag na huwag mong sasabihin na kaibigan na lang ang turing sa iyo ng lalaking iyon.” Mapanuyong ngumiti ang lalaki. “Kung gayo’y wala bang problema sa iyong makipagkaibigan ako sa mga babaeng sinubukan akong halinahin noon?”“...”Ikinagulat naman ito ni Catherine. Matapos niyang ilagay ang sarili sa position ng lalaki, napagtantuan niya rin ang pagkakamaling kanyang ginawa.“Pasensya na.” Maya maya’t iniyuko niya ang kanyang ulo. “Tatawagan kita agad kapag kailangan ko ng iyong tulong sa susunod at hindi na ako tatanggap ng tulong mula sa kanya. Sa iyo lang talaga ako may pakialam.”Pinakawalan siya ng lalaki at nagsind
Gusto na lamang maiyak ni Catherine sa kahihiyan.Mabilis niyang sinulyapan ang paligid matapos ang kanilang paghahalik at nakita niyang nagtipon ang iba sa isang gilid upang maglaro ng dice.Tumawa si Chase. “Halika na’t sumali kayo ngayong tapos na kayong maglampungan. Nakailang laro na rin kami rito.”Muli niyang naramdamang namula ang kanyang mga pisngi. “Huwag na,” patamad-tamad na sagot ni Shaun habang inilagay nito ang mukha sa kanyang mahabang buhok. “Umuwi na tayo.”“Huwag muna, umiinom si Freya. Kailangan ko pa siyang ihatid pauwi.”“Kumuha na lang siya ng taxi,”Saglit itong nag-atubili bago tumanggi, “Hindi, kakaaway lamang nila ng kanyang boyfriend at ipinangako kong ihahatid ko pa siya pauwi. Hindi ko siya pwedeng isantabi nang dahil sa’yo.”Bakas muli sa mukha ni Shaun ang pagkainis. “Ano ang ibig mong sabihin? Mas mahalaga pa ba ‘yang kaibigan mo?”“...”‘Syempre naman, mahalaga pa rin ang mga kaibigan.’Gayunpaman, itinago na lamang niya ito sa kanyang puso a
Sa mga sandaling iyo’y nagulat si Catherine na nawala na lamang ang kanyang tama. “Hala… Nakakalakad ka pa ba? Tutulungan na kita.”“Hindi, hindi pa ako lasing. Hindi ako malalasing.” Hindi gaanong matatag na kinaway ni Freya ang kanyang kamay at naglakad na paalis.“Tito?” Malito-litong itinaas ni Shaun ang kanyang mga kilay.Napatalon sa takot si Catherine. “Kamukha mo kasi ang kanyang tiyuhin, kaya’t patago ka niyang tinatawag na ‘tito’.”“Sabihin mong huwag niya ako tawagin ng ganon. Hindi kami magkamag-anak.”Sinimulan na muli ni Shaun ang sasakyan, at napabuntong hininga na lamang si Catherine. Pasalamat niya’y hindi ito nagsuspetya.Habang pabalik ay nanguna na ang alak at antok kay Catherine at unti-unti na itong nakatulog.Matapos ang ilang sandaling hindi na niya nabilang, may dahan-dahang dumampot sa kanya.Agad niyang binuksan ang kanyang mga mata at nakita ang kay gwapong mukha ng lalaki. Buong akala’y nananaginip ito, iniunat ni Catherine ang kanyang mga labi patu
Kinurot ni Shaun ang kanyang mga pisngi. “Behave ka, ha. Hihintayin ko pa rin ‘yung pangako mo sa akin pagkakuha mo sa Hudson.”Tuluyan nang nahina si Catherine nang marinig niya ang boses ng lalaki.Sa kabilang banda’y malito-lito lamang silang tinignan ni Elle.Napansin ito ni Catherine. Matapos umalis ni Shuaun, itinanong niya si Elle nang may ngiti, “Kilala mo ba si Shaunny?”Ngumiti lamang si Elle nang narinig niya ang pangalang ‘Shaunny’ at buong galang na sinagot, “Opo.”Napatingin-tingin muna si Catherine bago itanong, “Kung gayo’y alam mo kung mayroon na siyang ex-girlfriend. Ilan na ba sila?”“Miss Jones, mas mainam na si Mr. Hill na lamang ang inyong tanungin patungkol diyan.” Tinapos agad ni Elle ang usapan sa loob na iilang mga salita.Nawalan ng gana si Catherine. Mahirap paaminin ang bodyguard na ito.Noong araw ding iyon ay bumitiw na si Catherine sa kanyang posisyon sa Talton upang paghandaan ang Hudson.….Sa pamamahay ng mga Jones.Maganda ang pakiramdam n
Nagsimula na ang pagtitipon at umupo sa kanang kamay ni Director Irvine si Jeffrey.Uminom ng kaunting tsaa si Director Irvine upang basain ang kanyang lalamunan at nagtanong, “Narito na ba ang lahat?”“Narito na ang lahat bukod kay Chris Jefferson,” ‘ika ni President Cabel, “Ngunit alam naman ng lahat na hindi pumupunta ng shareholders’ meeting si President Jefferson. Hindi naman talaga siya nakikisali sa mga affairs ng kumpanya at narito lamang siya upang magpakasasa sa kanyang mga dividend.”“Kung sa gayo’y magsimula na tayo.”Sinabi ni Director Irvine, “Sa kasalukuya’y pitumpu’t taong gulang na ako at hindi na ganoong kabuti ang aking kalagayan katulad noon. Nais kong bumitiw sa aking pwesto upang alagaan ang aking kalusugan, kaya’t kinakalangan ng isang nararapat na tao sa posisyon ng pagka-chairman. Nagkataon lamang na nitong tao’y namayapa na si Old Madam Jones at nalipat ang animnapung bahagdan ng kanyang mga share sa kanyang anak na si Jeffrey Jones. Sa hinaharap, inaasaha
Naramdaman ni Jeffrey na pamilyar ang itsura ng taong ito, ngunit hindi niya masabi kung sino mismo. Tumayo si Director Irvine at sinabing, “President Jefferson, hindi ba’t nakatira ka na ngayon sa Brisbane? Bakit mo naisipang pumunta sa kumpanya ngayon?”Nanigas ang hitsura. Agad niyang naunawaan na siya ang taong madalang magpakita sa mga pagpupulong, si Chris Jefferson.Gayunpaman, 10% lamang ang shares nito at wala ito kumpara sa 60% ng kanyang ama. Isa pa, si Jeffrey na ang naihalal na Chairman.Hindi niya pinakitaan ng kahit anong paggalang si Christ at kinutya pa ito sa pagsasabing, “Syempre, makadadalo ka rito bilang isang shareholder, ngunit hindi mo maaaring gamitin ang iyong posisyon upang magdala ng basura rito.”Sinulyapan niya si Catherine matapos magsalita.Itinaas ni Catherine ang kanyang kilay at napatawa. “Sarili mo ba ang iyong tinutukoy?”“Nananaginip ka pa rin ba, Catherine Jones?” Ngisi ni Rebecca, “Ang aking ama na ngayon ang bagong Chairman ng Hudson. Maaa
Kinuyom ni Jeffrey ang kanyang mga kamao at agad pinakalma ang sarili. “Kahit totoo man iyon, nalipat na sa aking pangalan ang lahat ng mga share. Wala nang silbi pang magsalita. Hindi mababago ng board meeting ang katotohanang ako ang pinakalamaking shareholder.”“At sino ang nagsabing nasa ilalim sila ng iyong pangalan?” Kuntentong napangiti si Catherine. “Hindi mo ba tinignang mabuti, 30% ng mga share ang inilipat sa aking pangalan ng Department of Industry and Commerce.”Tuluyang nagbago ang itsura ni Jeffrey. Hindi na niya mapigilan kaya’t agad niyang inilabas ang kanyang telepono upang tawagan ang ahensya. Wala pang isang minuto’y tinignan niya si Catherine at wala na itong gusto pang gawin kundi balatan siya nang buhay.Humarap si Catherine sa madla. “Parang nagkataon naman ang mga pangyayari. Bigla na lamang namatay ang aking lola, at tila’y bigla lamang din siyan naparalisa. Sa ibang tao ko pa nalaman ang kanyang pagkamatay, at kailan ko lamang nalaman na mayroon pala akong
Sarkastikong tumawa si Catherine. “Oo, ako ang nangunsinti sa korapsyon ng pamangkin ng isang taong kakilala. Masyado siyang naging sakim kahit na sa paggawa ng exterior wall ng bahay. Hindi mo nga kaya magtayo ng bahay pero ngayon gusto mong maging developer. Sinong maniniwala sa’yo?”“Oo, hindi tama iyon.” Si President Reed ang unang nagsalita laban dito.“Gusto ko ring magreconsider. Hindi natin pwedeng sirain ang reputasyon ng Hudson.”Nang mag sundan ng shareholder ang bakas, malumanay na sinabi ni Catherine sa lahat, “Totoong bata pa ako pero bukas ang isip ko at seryoso. Kung wala akong alam na kahit ano, pwede kong tanuning ang mga senior ko na nandito ngayon para sa advice. Hindi madali para sa Hudson ang makamit ang level na meron ito ngayon. Kahit ano pa ang banepisyo na pinangako ni Jeffery, ang pinaka goal natin ay ang makita ang profit ng Hudson na nagbibigay sa atin ng magandang sweldo.”“Tama,” Sumagot din si Chris. Makapangyarihan ang kanyang boses. “Ang karakter n