Share

Kabanata 143

“Tama!” Sumali si Freya upang salbahin ang kanyang kaibigan. “May atraso na siya ngayon kay Mr. Hill, kaya’t kailangan niya talaga itong i-treat mamayang gabi.”

“Oo naman, may nai-book na akong lugar. Kita kita na lang tayo mamaya,” ‘ika ni Catherine habang hinihila si Shaun palabas ng pintuan.

Dahil kung hindi’y nag-aalala itong mas lalo pang lumala ang sitwasyon.

Napasimangot na lamang sina Wesley at Ethan habang nagtataka nang nakita nilang hinihila ni Catherine palabas ang abogado.

Lalo na’t nakausap na rin ni Wesley si Shaun noon pa. Alam nitong mayabang at walang pakundangan ang abogado, ngunit kaya itong hilahin palabas ni Catherine?

Bigla nitong naalala kung paano nawala ang dalawang iyon mula sa restawran na kanilang kinainan noong isang araw. Doon niya napagtantuang may kakaibang pagsasama ang dalawang iyon.

Hindi rin ikinatuwa ni Ethan ang mga pangyayari. Kinuwestiyon niya si Freya na naroon pa rin sa loob ng silid. “Mukhang maganda ang pagsasama ni Cathy kay Mr. Hill
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status