Nang pumunta ulit si Catherine sa harapan ni Shaun, nagtagpo ang kanilang mga mata, at nakapapaso ang pagtingin nito.Namula si Catherine sa titig nito at agad agad niyang ibinaba ang kanyang mga mata, hindi alam kung gaanong nakatutukso ang kanyang itsura ngayon.Tila’y mabilis na naputol ang mga kuwerdas sa utak ni Shaun at agad niyang hinawakan si Catherine sa kanyang baywang. “Tapon mo na bang gawin iyon?”Bahagyang nawindang si Catherine at hindi ito agad nakasagot. Tumungo lamang ito nang hindi niya namamalayan.Pagkatapos na pagkatapos ay iniangat ni Shaun ang kanyang katawan.“Ano ang ginagawa mo?” Napayakap si Catherine sa leeg ni Shaun sa takot.“Catherine Jones, aaminin kong pagaling nang pagaling ang iyong panunukso.” Bahagyang namamaos ang boses ni Shaun habang ibinubuhat nito ang babae paakyat ng kwarto.Nasisiraan na ng bait si Catherine. ‘Kailan ba kita tinusko? Kuya, ikaw kaya ang nagsabing punasan kita. Hindi ba dapat magaling kang magpigil ng iyong sarili? Hin
Sa galit ni Shaun ay agad agad niya itong tinawagan. “Catherine Jones, bumalik ka rito ngayon ngayon din! Kailangan ko pa bang ipaalala sa iyo ang laman ng kontrata? Tingin mo ba’y charity ito na magtatrabaho ako nang libre kapag may nakita akong hindi tma? O tingin mo’y milyon milyon ang halaga ng iyong kakayahang magluto?“Isa pa, hindi rin naman ito ang iyong unang pagkakataon. Bakit ka pa nagpapanggap?”Ang lahat ng kanyang sinabi’y tila latigo na humagupit sa puso ni Catherine habang pinakikinggan niya ito mula sa kabilang linya.Sa simula’y tila nagsisisi pa ito, ngunit ngayo’y nagalit na siya. “Paano mo nalamang hindi ito ang una kong pagkakataon?”“Nagsimula kayong mag-date ni Ethan Lowe noong kayo’y nasa high school pa lamang. Papaanong unang pagkakataon mo ito?” Hindi naniniwala si Shaun na kayang mapanatiling banayad ng mga kabataan ngayon ang kanilang mga pagsasama.“Hindi siya ang una kong pagkakataon.” Pakiramdam ni Catherine na siya’y inaagrabyado. “Ngunit nagkaroon
“Winasak ng bruhang ‘yon si James! Wala siyang puso!”Tuluyan nang bumuhos ang luha ni Sally.“Papa, mama, ‘wag na po kayong mag-away!” Agad na tumakbo si Rebecca papunta sa dalawa upang itigil ang kanilang pag-aaway. “Pa, nakalimutan niyo na po ba? Hindi ito ang panahon para maglugmok. Nasa atin pa rin ang Hudson Corporation. Isa iyon sa Top 500 enterprises sa buong bansa. Tiyak na mas malaki pa iyon kaysa sa Summit!”“Pero iyon ay… sa old madam…” Pag-aalangan ni Jeffrey.“Papa, kung hindi mo magagawan na paraan upang mapasakamay iyon, baka may magbago,” Sinabi ni Rebecca nang may mahinang boses.“Tama si Rebecca,” Walang awang sinabi ni Sally. “Ang lakas mambola ng mga madam na iyon noon, tatlo hanggang lima pa silang nagkukumpulan. Ngunit noong nagkagulo ang Summit, tumakbo agad sila paalis. Kapag lumubog ang Summit, wala nang lugar sa Melbourne ang ating pamilya!”Bahagyang lumaban si Jeffrey bago walang awang kumislap ang kanyang mga mata. “Tama!”...Nanaginip si Catherin
“Hindi ang taong basta basta mo na lamang minamahal,” Payabang nitong sinabi habang siyang pinakawalan. Hindi na niya ito pahihirapan pa.Natapos na lamang nang gayon ang kanilang pag-uusap at napabuntong hininga ni Catherine. Tila’y matagal-tagal niya pang kailangang magkunwaring in love sa lalaking iyon....9:00 am.Nang makarating siya sa opisina, dumiretso agad ito upang hanapin si Joseph.Naka-leave si Catherine mula nang siya ay arestuhin ng mga police at hindi na ito nakabalik sa kumpanya mula noon.Noong una’y inakala niyang mag-aalala siya sa mga komento ng kanyang mga kasama dahil tiyak na mahihirapan si Joseph dahil dito, at ayaw na niyang masira pa ang reputasyon ng Talton Design.Bagama’t tapos na ang kaso, nakokonsensya pa rin ito para kay Joseph.“Joseph, pasensya na’t kararating ko pa lamang sa kumpanya pero ang laki na agad ng atraso ko as iyo pati sa kumpanya.”Nagpapasalamat naman si Catherine dahil hindi pa rin siya sinisante ni Joseph kahit na sumailalim
Pagkarating ng hapon ay kalalabas lamang ni Catherine mula sa elevator nang biglang nagpakita si Ethan at hinarangan ang kanyang dinadaanan.“Alam mo ba kung gaano ka nakakabwisit? Hindi ba’t nilinaw ko na sayo noong huli?”Nakita siya ni Catherine at naghanap ng ibang madadaanan.“Cathy, namatay na ang iyong lola!” Biglang hinawakan ni Ethan ang kanyang braso. “Wala ka bang nalalaman tungkol doon?”Nanginig ang buong katawan ni Catherine. Dahan dahan siyang tumalikod nang may mga matang hindi makapaniwala. “Hindi ‘yan totoo!”“Sinasabi ko ang totoo. Tumatawag ako nang tumatawag kanina pa dahil gusto kitang i-comfort, ngunit parang wala pa yatang sinasabi sa iyo ang mga Jones.”Katatapos pa lamang magsalita ni Ethan nang biglang pumiglas sa kanyang hawak si Catherine at tumakbo papunta sa kanyang sasakyan.Subalit masyadong nanginginig ang kanyang mga kamay na hindi niya mabuksan ang pintuan nito.“Halika na, hindi ka makakapagmaneho nang maayos niyan. Ihahatid na lang kita roo
“Pwede bang ‘wag niyong dalhin ang personal niyong pag-aaway sa burol ng lola niyo?!”Malamig silang pinutol ni Catherine at tahimik na naglakad sa kabaong. Mukhang wala na siyang iba pang pwedeng gawin para sa kanyang lola kundi ang lumuhod.Hindi maganda ang naramdaman niya. Ang kanyang lola at lolo ay parehas na makapangyarihan sa Melbourne noong sila ay bata pa. Kung wala sila, wala rin ang pamilyang Jones ngayon.Ngunit, nang mamatay sila, mabilis at tahimik silang nawala. Wala man lang kahit sinong bisita dito para pagluksaan sila....Dumilim. Bumalik si Shaun sa villa at nakita si Aunty Linda na nagluluto sa bahay.“Asan si Catherine?”“Hindi pa siya bumabalik.” Kakatapos lang niya magsalita nang makita niya ang gwapong mukha na biglang nanigas.Patago siyang bumuntong hininga sa kanyang puso. Hindi niya kailanman nakita si Shaun na clingy noon. Hinanap niya ang asawa niya sa oras na makatungtong siya sa bahay.Tinignan ni Shaun ang watch niya na nagsasabing 6:30p.
“Alamin mo kung nagpunta ba sila sa hotel?” Tumayo si Shaun, namumuo ng poot ang madilim niyang mata.Marahang kumunot ang kilay ni Hadley. Matagal na siyang nagseserbisyo kay Shaun pero madalang niya ito makitang ganito kagalit. Siguro kahit si Shaun ay hindi napagtanto kung paano nabago ni Miss Jones ang emosyon niya.“Hindi na kailangang malaman pa.” Kinuyom ni Shaun ang kanyang kamay, ang kanyang boses ay tunog malamig at matikas. “Gusto kong makita kung gaano siya katagal sa labas.”Nagkibitbalikat si Hadley....Sa funeral parlor.Nakaluhod lang si Catherine buong gabi.Si Jeffrey, Sally, at Rebecca ay bumalik ng hating gabi.Silang dalawa lang ni Ethan ang natira sa loob ng malaking hall.“Bumalik ka doon.” Alam ni Catherine na nagpaiwan si Ethan dahil sa kanya pero ayaw niyang maging mapagpahalaga.“Hindi ako aalis. Napaka bait ni Granny Jones sa akin noon. Ang ihatid siya sa huling hantungan ng ganito ay dapat lang.” pagpupumitin ni Ethan na manatili sa tabi niya.M
Nagulat din si Catherine. Saka niya lang napagtanto na ang damit ni Ethan ay nasa balikat niya.Kung ganoon, iba nanaman ang iisipin ni Shaun pero pagod siya at wala sa mood para makipag away.“Mr. Hill, anong ginagawa mo?” Lumaki ang mata ni Ethan. Wala nang mas ibabagal pa, nararamdaman niya ang pag-angkin ng lalaki kay Catherine.Ngunit, hindi niya naintindihan. Tinulungan lang naman ni Shaun Hill si Catherine sa lawsuit, ‘di ba?“Ano sa tingin mo ang ginagawa ko?” Hinawakan ni Shaun ang baba ni Catherine ng walang ekspresyon at hinalika ito nang hindi nagdadalawang isip. “Akin siya kaya layuan mo siya. Kung hindi, lalamatan mo ang relasyon ko sa pamilyang Lowe.Sobrang nagulat si Ethan. “Impossible! Hindi ka niya mahal. Cathy, anong nangyayari?”Walang emosyon si Catherine dahil sa sobrang kahihiyan.Ilang beses na niyang naisip ang momentong ito. Hahawakan niya ang kamay ni Shaun nang nakataas ang noo at magpapakita sa harapan ni Ethan, dinedeklara bilang kanyang tiya.Hin