“Manahimik ka, sinungaling kang babae ka!”Sinigawan siya ni Shaun, “Sa tingin mo ba maniniwala pa ako sa’yo? Sabi mo mahal mo ‘ko pero dahil lang ‘yun sa pagkuha ko ng kaso mo. Ngayong tapos na, gusto mo akong palayuin ngayon. Sabi mo hindi mo na mahal si Ethan Lowe pero hindi ka makapaghintay sumama sa kanya sa hotel.”Kung nangyari na ito noon, makikipagtalo si Catherine sa kanya pero siya ay totoong pagod at malungkot ngayon. Kahit ang lakas para makipagtalo ay ubos na rin. “Nakita mo ba akong pumunta ng hotel kasama siya?”“Kung hindi kayo sa hotel pumunta, bakit hindi ka umuwi kagabi? Bakit nakasabit sa’yo ang mga damit niya? Tignan mo nga ang itsura mo. Malinaw naman na hindi ka natulog kagabi.”Tinignan ni Shaun ang mata niya nang puno ng pandidiri.Nakaramdam ng irita si Catherine. Tuloy-tuloy siyang nag vigil sa kanyang lola kagabi pero ang mga nasa isip niya ay marumi.Para bang nabaliw siya, hinubad niya ang damit niya at tinapon ito sa lapag. “Ikaw mismo tumingin. Su
“Ako…” “Ikaw ang nagreport sa akin pagkatapos magimbestiga ng kalahati pa lang.” Matatag na pagtanggi ni Shaun sa pag-ako ng sisi. Nung maalala niya ang ginawa ni Catherine kanina, hindi siya makapaniwala na makakagawa siya ng hindi rational na bagay.Sobrang hiya siguro si Catherine, lalo na’t kamamatay lang ng lola niya at ang puso niya ay napakalungkot ngayon. Kaya siguro sinabihan siya ni Aunty Linda na wala ito sa mood.Teka, marami na siyang pinagdaanang problema nito lang. Hindi kaya hirap na hirap na siya?Umakyat siya kaagad sa hagdan at binuksan ang pinto, sumampa siya sa kama. Saka niya nakita si Catherine nakahiga sa ilalim ng kumot at nakapikit ang mata. Ang kanyang mukha ay kasing puti ng paper at parang hindi siya humihinga.Hindi mapaliwanag na alon ng takot ang naramadaman niya sa puso niya nang ilabas niya ang daliri niya sa ilalim ng ilong nito.Mabinang binuksan ni Catherine ang mata niya. Nang makita niya si Shaun, mahina siyang umupo. Ang boses niya ay puno
Akala ni Shaun na kailangan niya magsayang ng hininga pero umupo lang si Catherine at kumain ng walang pagdadalawang isip. Inubos niya ang lahat ng hinanda sa kanya na parang robot na sinusunod ang utos ng master nito.Hindi talaga alam ni Shaun kung anong gagawin.Wala siya masyadong alam sa pagsusuyo sa babae.Humingi na siya ng tawad. Ngayon, gusto niya itong bumalik sa dating siya na kakaiba at hindi usual.Sa study nung gabi, gumawa siya ng video call kasama ang ilan sa kanyang mga kaibigan.Si Chester Jewell ay nakasuot ng bathrobe at may hawak na baso ng wine. Elegante siyang ngumiti at sinabing, “Nakakagulat ka naman. Masyado kang libre ngayon para alalahanin kami.”Humalakhak din si Rodney Snow. “Oo nga, hindi ka nagaaksaya ng oras na kontakin kami kung hindi kami ang mauuna.”Tumawa rin si Chase Harrison. “Hulaan ko. Nakasakit ka ng babae at hindi mo alam kung anong dapat gawin.”Hindi masayang tinitigan ni Shaun si Chase. Sinabi siguro ng chismosong Hadley na ‘yun sa
Kinabukasan ng umaga.Gumising si Catherine kung anong oras siya usual na nagigising. Natagal nang gising si Shaun at napakunot ang noo niya ng makita itong patayo. “Anong ginagawa mo?”“Magluluto ng agahan.”Simumangot si Shaun. Kamamatay lang ng lola niya pero nasa mood siya para gumawa ng agahan.”“‘Wag na, hayaan mo na si Aunty Linda gawin ‘yun ngayong umaga.” Hinablot niya ang braso nito.“Hindi, trabaho ko ang ipaghanda ka ng agahan.” Masunuring akto ni Catherine na parang tagapagsilbi.Umupo si Shaun, lumalaki ang inis. “Hindi tayo kakain. Magbihis ka. May pupuntahan tayo.”Kumunot ang noo ni Catherine. Kung hindi niya ito ikukulong, e ‘di pupunta na lang siya ng trabaho. Ngunit, nasa kanya ang huling salita. “Sige.”Pagkatapos maglinis, pinagmaneho siya ni Shaun sa palabas ng city.Hindi alam ni Catherine kung saan sila pupunta at hindi na rin nagtanong. Ayaw niya itong kausapin.Napagtanto niya lang noong makarating sila ng sementeryo na dito nilibing ang kanyang lol
Pagkatapos sunugin ang mga alay, biglang tumayo si Shaun sa harapan ng libingan ni Granny Jones at mabait na lumuhod. Ang kanyang manipis na labi ay medyo gumagalaw na para bang may sinasabi.Medyo nagulat si Catherine. Kahit na ang lola niya ay mas matanda, hindi niya inakalang gagawa ng ganitong bagay ang may mapagmataas at makapangyarihang ugali.Isang hindi alam na pakiramdam ang naramdaman niya sa kanyang puso. “Anong sinabi mo sa lola ko?”Tinignan siya ni Shaun. “Sinabi ko na hanggang masunurin kang manatili ka sa tabi ko, proprotektahan kita kaya pwede na siyang magpahinga ng matiwasay.”Hindi matiis ni Catherine na ngumuso. “Kalimutan mo na. Sapat ng meron kang tiwala sa akin.”Nang bumaba sila sa bundok at lumampas sa isang libingan, nakita ni Shaun ang litrato rito at biglang napatigil. “Ang babaeng ito…”“Ah, aunt ko siya.” Tumigil si Catherine at nagbigay respeto.“May hawig siya sa’yo,” sabi ni Shaun.“Oo, sinabi rin ng lola ko na magkamukhang-magkamukha nga raw k
“Wag kang mag-alala, bababa ako at aayusin ko ito kaagad.”...Naghintay si Catherine sa baba ng kalahating oras bago may nagdala sa kanya sa opisina ng manager— ni Mr. Frank.Sinalinan siya ni Frank ng tsaa sa baso.Nang umupo sila, ang kanyang phone ay tumunog.Humingi siya ng tawad at sinabing, “Mr. Jones, may importanteng nangyaring kailangan kong puntahan sa Engineering Department. Pakihintay na lang ako ng mas matagal.Walang magawa si Catherine kundi ang tumango.Pagkatapos ng higit 20 minuto, halos mag 5:30 p.m. na. Palihim siyang nag-alala. Mukhang uuwi nanaman siya ng late ngayon.Pagdududahan nanaman siya ni Shaun, kaya inunahan na niya ito at tinawagan. “Baka late ako makauwi ngayon. Naghihintay pa ako sa kliyente.”Natuwa si Shaun na inunahan niya itong tumawag at magreport ng kanyang schedule per hindi siya natuwa na naghihintay sa ibang tao ang babae. “Nasaan ka?”“Sa Hudson Corporation.”Tumingin si Shaun sa labas. Mukhang malapit lang siya sa Hudson. “Ah.”N
Naguluhan si Catherine. "E 'di ipakita mo sa'kin.""Doctor ka ba? Alam mo ba kung paano sumuri ng sugat?"Natahimik si Catherine sa mga salita niya, mas lalo lang nagpanic nung nakita niya ang kumakalat sa likod niya. "Ang likod mo ay nagdudugo.""Manahimik ka."Hindi nanahimik si Catherine. Natakot siya lalo at tinawagan ang ambulansya.Swerte't dumating na ang ambulansya paglipas ng tatlong minuto.Pagkapasok, kaagad na ginupit ng paramedic ang damit ni Shaun. Nang may malaking parte ng madugong pasa at sugat ang nakita sa kanyang likod, nagulat si Catherine.Hindi na siya naglakas ng loob na isipin na siya ang makaranas ng sugat na 'yun. Malamang ay mahihimatay siya sa sakit pero si Shaun ay hindi nagsabi ng kahit anong salita simula nung masaktan siya. Hinawakan pa nga nito si Shaun ay naglakad sa paligid.Biglang hindi niya alam kung paano ilalarawan ang lalaking ito.Minsan, kinaiinisan niya na palagi siyang pinapahiya nito pero paulit-ulit niya itong nililigtas sa kapah
“Pangdemonyo ba ang paghawak ko?” Makulimlim ang gwapong mukha ni Shaun.“Cough. Mali ako.” Maamong sinampal ni Chase ang bibig niya. “Gayon pa man, anong karapatan ng Hudson na saktan ka nang hindi nagpapaliwanag? Sisirain ko talaga ang proyekto nilang property development.”“Narinig ko na naging isa sa mga pinakamagaling na limang daan na negosyo sa buong mundo ang Hudson mula sa pagiging maliit na negosyo ng isang dekada lang. Maganda yung takbo nito dahil may misteryosong powerhouse na sumusuporta dito,” biglang sabi ni Hadley, “Ang powerhouse ay mula sa Canberra.”Nagulat si Chase sa sinabi niya. Kinagat ni Shaun ang labi niya. “Oo. Tama siya. Sige na at tignan mo kung ang nangyari ngayon ay aksidente o kasalanan ng tao, Hadley.”Natigil sa Catherine. “Siguro aksidente lang iyon dahil wala naman ako ginalit sa Hudson. Bukod sa mga Jones, si Janet, at Cindy, sa tingin ko wala naman akong ginalit sa Melbourne.”“...”Napangiti si Chase. “Sister-in-law, medyo marami ka nagalit,