Naguluhan si Catherine. "E 'di ipakita mo sa'kin.""Doctor ka ba? Alam mo ba kung paano sumuri ng sugat?"Natahimik si Catherine sa mga salita niya, mas lalo lang nagpanic nung nakita niya ang kumakalat sa likod niya. "Ang likod mo ay nagdudugo.""Manahimik ka."Hindi nanahimik si Catherine. Natakot siya lalo at tinawagan ang ambulansya.Swerte't dumating na ang ambulansya paglipas ng tatlong minuto.Pagkapasok, kaagad na ginupit ng paramedic ang damit ni Shaun. Nang may malaking parte ng madugong pasa at sugat ang nakita sa kanyang likod, nagulat si Catherine.Hindi na siya naglakas ng loob na isipin na siya ang makaranas ng sugat na 'yun. Malamang ay mahihimatay siya sa sakit pero si Shaun ay hindi nagsabi ng kahit anong salita simula nung masaktan siya. Hinawakan pa nga nito si Shaun ay naglakad sa paligid.Biglang hindi niya alam kung paano ilalarawan ang lalaking ito.Minsan, kinaiinisan niya na palagi siyang pinapahiya nito pero paulit-ulit niya itong nililigtas sa kapah
“Pangdemonyo ba ang paghawak ko?” Makulimlim ang gwapong mukha ni Shaun.“Cough. Mali ako.” Maamong sinampal ni Chase ang bibig niya. “Gayon pa man, anong karapatan ng Hudson na saktan ka nang hindi nagpapaliwanag? Sisirain ko talaga ang proyekto nilang property development.”“Narinig ko na naging isa sa mga pinakamagaling na limang daan na negosyo sa buong mundo ang Hudson mula sa pagiging maliit na negosyo ng isang dekada lang. Maganda yung takbo nito dahil may misteryosong powerhouse na sumusuporta dito,” biglang sabi ni Hadley, “Ang powerhouse ay mula sa Canberra.”Nagulat si Chase sa sinabi niya. Kinagat ni Shaun ang labi niya. “Oo. Tama siya. Sige na at tignan mo kung ang nangyari ngayon ay aksidente o kasalanan ng tao, Hadley.”Natigil sa Catherine. “Siguro aksidente lang iyon dahil wala naman ako ginalit sa Hudson. Bukod sa mga Jones, si Janet, at Cindy, sa tingin ko wala naman akong ginalit sa Melbourne.”“...”Napangiti si Chase. “Sister-in-law, medyo marami ka nagalit,
Sumimangot si Shaun. “Walang kaduda-duda doon. Paano namana ng lalaki na nagpapunta kay Catherine doon? Parang medyo ligtas siya noong oras na iyon.”“Sinabi niya na namumuno lang siya sa pagpapunta kay Miss Jones para kunin ang sukat. Habang papunta sila, masyado sila naokupa ng pinag-uusapan kaya nakalimutan niya bigyan ng helmet si Miss Jones.”“Masyado naokupa?” tinuro ni Shaun ang kumot na tinitignan niya pagkatapos ay biglang suminghal.Hindi komportable si Hadley. Nagseselos ba si Shaun dahil sa maliit na isyu na ito? “Ganito kadalasan ang kilos ng mga salespeople. Madaldal sila kaysa sa iba.”“Kahit papaano, kailangan niya akuin ang responsibilidad ngayon,” malamig na sinabi ni Shaun, “Magpadala ka ng sulat mula sa abogado sa Hudson. Kung hindi kasiya-siya ang kabayaran nila, hindi ko sila palalampasin.”“Sige po.”Sa puntong iyon, nagdala si Catherine ng mga pagkain sa lamesa. Sa pagtanto na nandoon ang presensa ni Hadley, natigil siya. “Pasensya ka na, naghanda lang ako
Namumula sa kahihiyan si Catherine at naglakad na papunta sa kanya at nilusot ang kamay niya sa loob ng kumot. Hindi makakaihi si Shaun dahil hindi niya ito makita.“Gaano ka pa ba katagal?” Tinitigan siya ni Shaun ng namumula.Determinado na siya sa loob loob niya, pumasok si Catherine sa ilalim ng kumot.Sa saglit na iyon, pumasok ang doktor. “Mr. Hill, titignan ko ang…”Sa pagkikita sa sitwasyon, namula ang doktor habang nanigas sa pwesto niya.“Pasensya. Pasensya na. Maling oras ba ang pagpasok ko? Aalis na ako ngayon… Ngayon din…”Mabilis na lumabas sa kumot si Ctaherne. Natuliro siya. Diyos ko po, mali ba ang pagkaintindi ng doktor sa kanila?"Hindi, doktor. Ang ginagawa ko lang ay-""Naintindihan ko na at wala ako nakita. Babalik ulit ako mamaya. Maaari niyo na ituloy." Iniwas ang mata niya habang namumula ang mukha. Nagmadali rin siya maglakad palabas sa pinto.Nang nasa punto na siya, tumalikod ulit siya sa paharap sa kanila. "Alam ko na bata pa kayo, pero dapat mag-i
"Ano ang punto ng pagtawag sa doktor? Hindi rin naman niya mababawasan ang sakit." sinara ni Shaun ang mga mata niya, ang mga pilikmata niya ay mukhang magulo. Umungol siya ng mahina.Umaakto siya na parang sinusubukan niya talaga tiisin ang sakit. Hinawakan ni Catherine ang kamay niya dahil sa ekspresyon niya at pati na ang maputla ng gwapo niya na mukha. "May magagawa ba ako para sayo?""Tutulungan mo ba ako?" Binuksan niya ang madilim niyang mata."Oo." Seryosong tumango si Catherine."Uh…" Sumimangot si Shaun na para bang pinag-iisipan niya ito. Pagkatapos ay kaswal niyang sinabi, "Bakit hindi mo ako bigyan ng halik para mabaling ang atensyon ko?"“...”Lumaki ang mata ni Catherine, nagtataka sa kung anong klaseng solusyon iyon.Kung hindi lang sa mahinang kondisyon nito, pagdududahan niya talaga kung iyon ang intensyon niya."Kung ayaw mo gawin iyon, okay lang din." Nilingon ni Shaun ang mukha niya palayo at umungol ulit."Hindi, hindi. Gagawin ko iyon."Siya naman ang
Naintindihan na ni Catherine ngayon bakit siya kakaiba tignan ng lahat ngayon.Ilang saglit pa, lumabas siya ng nakasimangot. "Kasalanan mo lahat ito. Tignan mo kung ano nangyari sa labi ko pagkatapos mo ako halikan. Paano ko ito maaalis?"Pagkatapos siya tignan ni Shaun, ngumiti ito sa kaloob-looban niya dahil sa ginawa niya. Habang may maputlang mukha, umungol siya ng mahina. "Pasensya na. Hindi ako nag-ingat. Sobrang sakit ng katawan ko kagabi at kasalanan ko iyon. Mamayang gabi, susubukan ko tiisin ang sakit para di ka maabala."Dahil mukhang sobrang hina ng lalaki, hindi na niya pinuna pa ito sa saglit na iyon.Sige. Wala na siyang magagawa dahil may masakit sa kanya.Nang pumunta sila Hadley at Chase ng alas nuwebe ng umaga, nagulat sjla na nakasuot ng mask ang isa. "Cathy, bakit ka nakasuot ng mask?""Marami kasi tao sa ospital, kayasa tingin ko mas ligtas kung nakasuot nito," Sumagot si Catherine nang may seryosong itsura. "Narinig ko may mga tao na nagkakasakit sakit nga
“Talagang pasensya na, Mr. Hill. Ito ay pagkakamali ng trabahador namin. Ito ang bayad para kay Miss Jones at para sayo.”Kumurap si Catherine nang makita ang tseke na naghahalagang 300,000 dolyar sa kamay niya. Matapos ay sumulyap siya sa tseke na may halagang 100 milyong dolyar na hawak ni Shaun.Grabe, talagang ang laki ng pagitan ng pagtrato sa kanilang dalawa.Bagaman hindi siya nasaktan, nakaranas siya ng malalang trauma at halos mabawian ng buhay. Lubos na nalungkot siya.Ang lubos na nagpalungkot pa sa kanya ay ang simpleng pagtapon ni Shaun sa tseke sa bedside table. “Okay. Makakaalis na kayo ngayon.”“...”“Mr. Hill, ayos lang ba sa iyong makipagpalitan ng business cards sa akin? Ang deputy general manager ay nagtangkang sulitin ang oportunidad para makipagkilala sa malaking abogado.“Pagod ako. Ihatid mo siya, Catherine.”Walang pasensyang pinikit ni Shaun ang mga mata niya.Ang deputy general manager, na sa ibang lugar ay kadalasang nirerespeto, ay nakaramdam ng sa
“Oo, maswerte akong nakilala kita. Ikaw ang lucky star ko, ang tagapagligtas ko.” Ayaw ni Catherine makipagtalo sa pasyente.Sa oras na matapos siyang magsalita, nagpadala si Wesley ng WhatsApp message sa kanya. [Narinig ko mula kay Joseph na may nangyari sayo habang nagtatrabaho. Okay ka lang ba? Pwede ba kong pumunta at bisitahin ka? Medyo nag-aalala ako.]Nagbuntong hininga ng malalim. Talagang, trinato siya ng mabuti ni Wesley.Sa kasamaang palad, hindi niya na kailangan maghiganti kay Ethan. Hindi niya na rin kailangan pakasalan ang tiyuhin ni Ethan.Sumagot siya, [Salamat sa concern mo. Okay lang ako. Ang progress ng renovation ng villa ay hindi maapektuhan.]Wesley: [Ang proyekto sa villa ay hindi urgent. Ang pinakaimportante ay ligtas ka.]“Sino ang kausap mo?” malungkot na tanong ni Shaun.“Freya.” mabilis na ibinaba ni Catherine ang phone niya. Nang sabihin niya ang kasinungalingan, hindi siya namula, o kinabahan.“Akala ko kausap mo si Wesley, si Ethan, at ang iba pa