Namumula sa kahihiyan si Catherine at naglakad na papunta sa kanya at nilusot ang kamay niya sa loob ng kumot. Hindi makakaihi si Shaun dahil hindi niya ito makita.“Gaano ka pa ba katagal?” Tinitigan siya ni Shaun ng namumula.Determinado na siya sa loob loob niya, pumasok si Catherine sa ilalim ng kumot.Sa saglit na iyon, pumasok ang doktor. “Mr. Hill, titignan ko ang…”Sa pagkikita sa sitwasyon, namula ang doktor habang nanigas sa pwesto niya.“Pasensya. Pasensya na. Maling oras ba ang pagpasok ko? Aalis na ako ngayon… Ngayon din…”Mabilis na lumabas sa kumot si Ctaherne. Natuliro siya. Diyos ko po, mali ba ang pagkaintindi ng doktor sa kanila?"Hindi, doktor. Ang ginagawa ko lang ay-""Naintindihan ko na at wala ako nakita. Babalik ulit ako mamaya. Maaari niyo na ituloy." Iniwas ang mata niya habang namumula ang mukha. Nagmadali rin siya maglakad palabas sa pinto.Nang nasa punto na siya, tumalikod ulit siya sa paharap sa kanila. "Alam ko na bata pa kayo, pero dapat mag-i
"Ano ang punto ng pagtawag sa doktor? Hindi rin naman niya mababawasan ang sakit." sinara ni Shaun ang mga mata niya, ang mga pilikmata niya ay mukhang magulo. Umungol siya ng mahina.Umaakto siya na parang sinusubukan niya talaga tiisin ang sakit. Hinawakan ni Catherine ang kamay niya dahil sa ekspresyon niya at pati na ang maputla ng gwapo niya na mukha. "May magagawa ba ako para sayo?""Tutulungan mo ba ako?" Binuksan niya ang madilim niyang mata."Oo." Seryosong tumango si Catherine."Uh…" Sumimangot si Shaun na para bang pinag-iisipan niya ito. Pagkatapos ay kaswal niyang sinabi, "Bakit hindi mo ako bigyan ng halik para mabaling ang atensyon ko?"“...”Lumaki ang mata ni Catherine, nagtataka sa kung anong klaseng solusyon iyon.Kung hindi lang sa mahinang kondisyon nito, pagdududahan niya talaga kung iyon ang intensyon niya."Kung ayaw mo gawin iyon, okay lang din." Nilingon ni Shaun ang mukha niya palayo at umungol ulit."Hindi, hindi. Gagawin ko iyon."Siya naman ang
Naintindihan na ni Catherine ngayon bakit siya kakaiba tignan ng lahat ngayon.Ilang saglit pa, lumabas siya ng nakasimangot. "Kasalanan mo lahat ito. Tignan mo kung ano nangyari sa labi ko pagkatapos mo ako halikan. Paano ko ito maaalis?"Pagkatapos siya tignan ni Shaun, ngumiti ito sa kaloob-looban niya dahil sa ginawa niya. Habang may maputlang mukha, umungol siya ng mahina. "Pasensya na. Hindi ako nag-ingat. Sobrang sakit ng katawan ko kagabi at kasalanan ko iyon. Mamayang gabi, susubukan ko tiisin ang sakit para di ka maabala."Dahil mukhang sobrang hina ng lalaki, hindi na niya pinuna pa ito sa saglit na iyon.Sige. Wala na siyang magagawa dahil may masakit sa kanya.Nang pumunta sila Hadley at Chase ng alas nuwebe ng umaga, nagulat sjla na nakasuot ng mask ang isa. "Cathy, bakit ka nakasuot ng mask?""Marami kasi tao sa ospital, kayasa tingin ko mas ligtas kung nakasuot nito," Sumagot si Catherine nang may seryosong itsura. "Narinig ko may mga tao na nagkakasakit sakit nga
“Talagang pasensya na, Mr. Hill. Ito ay pagkakamali ng trabahador namin. Ito ang bayad para kay Miss Jones at para sayo.”Kumurap si Catherine nang makita ang tseke na naghahalagang 300,000 dolyar sa kamay niya. Matapos ay sumulyap siya sa tseke na may halagang 100 milyong dolyar na hawak ni Shaun.Grabe, talagang ang laki ng pagitan ng pagtrato sa kanilang dalawa.Bagaman hindi siya nasaktan, nakaranas siya ng malalang trauma at halos mabawian ng buhay. Lubos na nalungkot siya.Ang lubos na nagpalungkot pa sa kanya ay ang simpleng pagtapon ni Shaun sa tseke sa bedside table. “Okay. Makakaalis na kayo ngayon.”“...”“Mr. Hill, ayos lang ba sa iyong makipagpalitan ng business cards sa akin? Ang deputy general manager ay nagtangkang sulitin ang oportunidad para makipagkilala sa malaking abogado.“Pagod ako. Ihatid mo siya, Catherine.”Walang pasensyang pinikit ni Shaun ang mga mata niya.Ang deputy general manager, na sa ibang lugar ay kadalasang nirerespeto, ay nakaramdam ng sa
“Oo, maswerte akong nakilala kita. Ikaw ang lucky star ko, ang tagapagligtas ko.” Ayaw ni Catherine makipagtalo sa pasyente.Sa oras na matapos siyang magsalita, nagpadala si Wesley ng WhatsApp message sa kanya. [Narinig ko mula kay Joseph na may nangyari sayo habang nagtatrabaho. Okay ka lang ba? Pwede ba kong pumunta at bisitahin ka? Medyo nag-aalala ako.]Nagbuntong hininga ng malalim. Talagang, trinato siya ng mabuti ni Wesley.Sa kasamaang palad, hindi niya na kailangan maghiganti kay Ethan. Hindi niya na rin kailangan pakasalan ang tiyuhin ni Ethan.Sumagot siya, [Salamat sa concern mo. Okay lang ako. Ang progress ng renovation ng villa ay hindi maapektuhan.]Wesley: [Ang proyekto sa villa ay hindi urgent. Ang pinakaimportante ay ligtas ka.]“Sino ang kausap mo?” malungkot na tanong ni Shaun.“Freya.” mabilis na ibinaba ni Catherine ang phone niya. Nang sabihin niya ang kasinungalingan, hindi siya namula, o kinabahan.“Akala ko kausap mo si Wesley, si Ethan, at ang iba pa
”Hindi mo ba naiintindihan ito? Ako ang may kontrol sa katawan at buhay mo. Wala ka nang kapangyarihan sa buhay mo.”Nang hindi nag-aalangan, ginamit ni Shaun ang hindi niya injured na kamay para kargahin ang babae mula sa upua.“Shaun…”“Kung plano mong lumaban, mas mabuting manahimik ka nalang,” Babala ni Shaun sa babae habang nakakunot ang noo.“Hindi, gusto kong sabihan ka na ibaba ako. Kaya kong maglakad mag-isa pabalik sa kwarto ko. Ang injuries mo ay lalala kapag ginamit mo ang isa mong kamay para kargahin ako sa ganitong paraan,” sagot ni Catherine. Nagbuntong hininga ang babae at sumuko sa kanyang kapalaran.Nasiyahan si Shaun sa kung gaanong masunurin at maintindihin si Catherine. Matapos niyang bitawan ang babae, pumunta ito sa kwarto kasama ang lalaki.Plinano niya nang una na ipagpatuloy ang kanyang trabaho kapag nakatulog na si Shaunn. Gayunpaman, sa sandaling nasa kama na siya, sobrang antok niya na nakatulog siya ng mahimbing.Sa sandaling lumabas si Shaun ng ban
“...”Ang gwapong mukha ni Shaun ay hindi mahahalatang nanigas ng sandali.“Oo nga pala, ano nga ang sasabihin mo?” Tanong ni Catherine nang maalala niya.Suminghal si Shaun sa nang-aasar na paraan. “Gusto kitang tanungin kung bakit hindi ka nasakal hanggang sa kamatayan.”Walang masabi si Catherine, nagtataka kung bakit nagsasalita ang lalaki sa mapanakit na paraan. Ang dahilan pa ng kanyang pag-uusisa ay ang nangyari kagabi. Dahil ang villa ay pagmamay-ari ng lalaki, siguradong alam niya. “Kagabi… Kilala mo ba kung sino ang pumasok sa study at gumamit ng laptop ko? May tumapos ng sketches ko para sa akin.”“Oh. May nakita akong kaibigan para tapusin ang mga ‘yun para sayo para hindi ka mamatay sa cardiac arrest. Kung mangyari ‘yun, kailangan ko kumuha ng bagong chef.” Humigop si Shaun sa baso ng gatas na hawak niya. Sobrang kalmado siyang sumagot na tila ang panahon ang kanilang pinag-uusapan. “Well, ito ay isang ekspresyon. Wala nang susunod.”Talagang natigilan si Catherine.
Ang unang kakaibang kilos ng paghaik ay ngayon naging pamilyar kay Catherine.Kahit ang katawan niya ay tila umangkop na sa halik.Gayunpaman, naramdaman niya ang puso niyang mas bumilis ng sobra kaysa dati. Ang halik ay sinamahan din ng bahid ng pagkatamis.Dati, naiinis siya sa pagiging malupit magsalita ni Shaun. Kahit na, talagang sobrang natulungan siya ng lalaki. Natapos ang halik na kumakalam ang kanyang sikmura.Matapos makaalis sa braso ng lalaki, nahihiyang pumunta si Catherine sa kusina para kumuha ng pagkain.Nakatingin sa likod ng babae, ngumiti si Shaun....Pagkatapos ng almusal, tinawagan ni Catherine si Mr. Frank para ipaalam dito na tapos na siya sa mga sketches.Sumagot si Mr. Frank na umalis daw siya ng trabaho sa araw at sinabihan ang babaeng pumunta sa Linden Clubhouse. Ang lider niya ay nandun, kaya mapag-uusapan nila ang mga disenyo ng magkasama.Dati ay madalas dumalo si Catherine sa ganitong mga klase ng social activities para makipagkita sa kanyang