Ang unang kakaibang kilos ng paghaik ay ngayon naging pamilyar kay Catherine.Kahit ang katawan niya ay tila umangkop na sa halik.Gayunpaman, naramdaman niya ang puso niyang mas bumilis ng sobra kaysa dati. Ang halik ay sinamahan din ng bahid ng pagkatamis.Dati, naiinis siya sa pagiging malupit magsalita ni Shaun. Kahit na, talagang sobrang natulungan siya ng lalaki. Natapos ang halik na kumakalam ang kanyang sikmura.Matapos makaalis sa braso ng lalaki, nahihiyang pumunta si Catherine sa kusina para kumuha ng pagkain.Nakatingin sa likod ng babae, ngumiti si Shaun....Pagkatapos ng almusal, tinawagan ni Catherine si Mr. Frank para ipaalam dito na tapos na siya sa mga sketches.Sumagot si Mr. Frank na umalis daw siya ng trabaho sa araw at sinabihan ang babaeng pumunta sa Linden Clubhouse. Ang lider niya ay nandun, kaya mapag-uusapan nila ang mga disenyo ng magkasama.Dati ay madalas dumalo si Catherine sa ganitong mga klase ng social activities para makipagkita sa kanyang
Ang mga salitang ‘yun ay tila tunog ng bomba sa tabi ng tainga ni Catherine.Gayunpaman, napansin ni Catherine ang sarili niya na hindi inaasahang kalmado.Ang katotohanan ay sa wakas tumama sa kanya. Kaya pala trinato siya ni Sally na mas malamig at mas istrikto simula pagkabata. Palaging pinagpapalagay ni Catherine na si Sally ay isang likas na mailap na ina, pero nang bumalik si Rebecca, nakita niya ang iba pang banda ni Sally.Matagal niyang pinaghinalaan na siya ay isang ulila na walang mga magulang, pero tumanggi siya maniwala rito.Ang kinalabasan ng katotohanan ay mas masahol pa sa iniisip niya.Talagang kinamumuhian siya ng pamilya niya at naisipang pabayaan siya.Hah.“Alam mo bang lagi akong naaalibadbaran sayo?”Tinapik ni Rebecca ang kanyang magandang mukha. “Sobrang dami kong pinagdaanan sa oras ng pagdukot sakin, pero ikaw? Kinuha mo ang lugar ko at nabuhay sa karangyaan. Kahit mga gwapong lalaki kagaya ni Ethan ay hinabol ka… “Pero ngayon walang natira sakin,
Si Rebecca ay talagang masamang tao. Posibleng itarget niya si Catherine, lalo na matapos na malaglag ang Summit mula sa kapangyarihan. Nang wala masyadong pag-aalinlangan, pumunta si Wesley sa pribadong kwarto na nilabasan ni Rebecca. Inikot niya ang doorknob, para lang mapagtanto na naka-lock ang kwarto.Nakatayo malapit sa pintuan, nakarinig siya ng mga sigaw ng babae.Ito ay si Catherine.Letse!Nagbuhat siya ng upuan sa pasilyo at hinampas ng malakas ang pinto para mabuksan ito.Sa minutong pumasok siya, nakita niya ang dalawang lalaki na dinidiin si Catherine sa lapag sa magkabilang banda. Ang damit niya ay napunit ng pira-piraso. Na may namumulang mukha, patuloy siyang bayolenteng nagpupumiglas.“Sino ka?” Nagbago ang ekspresyon ng dalawang gwardya. Tumakbo si Wesley papunta sa kanila at binugbog sila sa lapag.Nang mapagtantong hindi tama ang mga bagay, ginamit ng mga lalaki ang oportunidad at tumakbo.Walang oras si Wesley para sunggaban sila. Mabilis siyang tumakb
Nang lumabas si Wesley at pinulot ang phone mula sa carpet, ang notification ay nagpakita ng tawag mula kay Shaun.Shaun?Bakit niya tinatawagan si Catherine?Sa sandaling iyon, maraming isipin at pagdududa ang lumitaw sa isipan ni Wesley. Sa wakas, pinulot niya ang phone at inabot sa babae habang pinipigilan ang kanyang pagkabalisa.Pinindot ni Catherine ang answer button at inilagay ang phone sa may tainga niya. Tumunog agad ang boses ni Shaun na may bahid ng pagkainis. “Tatlong beses na kitang tinawagan, Catherine. Kung hindi mo sinagot ang tawag ko ngayon, plano ko nang tumawag ng pulis.”Nakalubog sa tubig, may pwersang kinurot ni Catherine ang hita niya para panatilihing klaro ang pag-iisip niya. “Medyo sobra na yun.”“Alam na alam ko kung gaano ka kahina,” pagalit na sinabi ni Shaun, “Madali kang madala sa patibong sa oras na hindi ka nag-iingat.”Namuo ang luha sa mga mata ni Catherine. Talagang, nahuli siya sa patibong at halos mawasak, pero ayaw niya itong ipaalam sa l
“Hindi na kailangan ‘yan dahil hindi ako interesadong malaman. Dahil tinapon nila ‘ko, ibig sabihin na hindi ako kailangan. Walang nang dahilan na galugarin pa ang masakit na karanasan.”Umiling si Catherine at hindi nasisiyahang sinabi, “Pakiramdam ko lang na hindi patas ang buhay. Bakit ang mga taong kagaya ng pamilyang Jones ay may kakayahang paikutin ang mga bagay at magkaroon ng madaling sobrang pagtatagumpay.” Sa mukha ng malaking enterprise kagaya ng Hudson, malinaw na alam niyang wala siyang kakayahang kalabanin sila.Sandaling nag-alinlangan si Wesley, at sa isang iglap ay sinabi, “Pwede kitang tulungan kung papayag ka—”Hindi na kailangan,” sumabad si Catherine sa pangungusap ng lalaki.“Cathy, lahat ng sinabi ko kagabi ay totoo. Gusto kitang pakasalan,” taos pusong dinagdag ni Wesley, “Itatrato ko ang kalaban mo bilang kalaban ko.”Agad na umiling si Catherine.Nagpakasal siya para maghiganti, at pinagsisihan niya ito. Ayaw niyang ulitin ang parehong pagkakamali.Ha
“...”Nakaramdam ng pagkaantok si Catherine sa una. Nang marinig ang mga salita ni Aunty Linda, gayunpaman, ay kinilabutan siya.Talagang hindi niya mapaniwala ang sarili niya na siya ay darling ni Shaun. Gayunpaman, naniwala siya na ang lalaki ay may malasakit sa kanya.Sa pagkakaalam na may nagmamalasakit sa kanya ay nakaramdam siya ng kaunting pagkasigla.Pinaalala ni Aunty Linda, “Sa susunod, mas mabuting ipaalam mo kay Mr. Hill kung hindi ka babalik. May gawi ang mga kalalakihan na sobrang mag-isip.”“Okay.” Tumango si Catherine na may halo halong nararamdaman.Dahil muntik na siyang mahuli sa patibong ni Rebecca kahapon, kailangan niyang manatiling alerto sa lahat ng oras. Hindi siya laging papalarin na may magliligtas sa kanya.Talagang kahabag habag na nawala niya ang sketches. Humanap pa si Shaun ng tao para tulungan siyang matapos ang mga ito sa kalagitnaan ng gabi. Ang taong iyon ay talagang magaling.“Oo nga pala, Aunty Linda, nakita mo ba ang taong lumabas sa stu
“Gusto kong malaman kung saan ka galing kagabi,” inulit ni Shaun ang kanyang sarili sa mababang boses. “Catherine, anong karapatan mo? Nawala lang ako ng isang gabi nagpalipas ka na ng gabi sa ibang lugar.”Nakatingin sa magulong emosyon na gumagalaw sa gwapong mukha ng lalaki na tila bagyo, likas na napaatras si Catherine. “Gumagawa ka na naman ng palagay mo tungkol sa akin?”Natense ang katawan ng lalaki bago ito sumagot ng walang pasensya, “Kung hindi dahil sa hindi pagkakaunawaan kamakailan, sa tingin mo nakahiga ka pa sa kamang ito ng buo?”Ibinaba ng babae ang kanya ulo. “Nagshopping ako kasama si Freya kagabi. Pagkatapos ‘nun, naghapunan kami at nagkaraoke. Dahil sa pagod namin, nakatulog kami ‘ron at umuwi lang pagkagising namin.”“Sigurado kang hindi ka nagsisinungaling?” Mapanganib na nanliit ang mata ng lalaki.“Wala akong ginawang masama.” Ngumuso ang babae para mas mukhang nakakaawa. “Sobrang stressed out lang ako kamakailan. Tignan mo, 22 taong gulang palang ako pero
“...”Well, well, well, talagang sinasagad ni Catherine ang mga limitasyon ni Shaun.Anong karapatan niyang hilahin ang tainga ng lalaki? Kahit pa hindi masakit, ang kilos ay nagdala ng nakakakuryenteng pakiramdam sa bawat parte ng katawan ng lalaki. Gayunpaman, sa huli ay ang lalaki pa rin ang nagmamay-ari sa kanya.“Catherine, ‘wag mong kalimutan kung sino ka.” Tinitigan niya si Catherine na may walang ekspresyong mukha.Ang walang takot na babae ay sinabi sa sarili na magtake ng risk ngayon. Kung lahat ay hindi pagkakaunawaan lamang, pananatilihin niyang tago ang kanyang nararamdaman. Ipagpapatuloy niya ang pagganap sa kanyang tungkulin at gawin ang kinakailangan.“Naalala ko ang tungkulin ko sa relasyong ito. Kadalasan, ang mayamang lalaki ay bibigyan ang kanyang kalaguyo ng pera at hindi nasasangkot sa personal na buhay nito. Subalit, hindi lang sa pinapanood mo kung nasaan ako 24/7, pero niririsk mo rin ang lahat para lang iligtas ako kapag nasa panganib ako. Hindi pa banggi