Si Rebecca ay talagang masamang tao. Posibleng itarget niya si Catherine, lalo na matapos na malaglag ang Summit mula sa kapangyarihan. Nang wala masyadong pag-aalinlangan, pumunta si Wesley sa pribadong kwarto na nilabasan ni Rebecca. Inikot niya ang doorknob, para lang mapagtanto na naka-lock ang kwarto.Nakatayo malapit sa pintuan, nakarinig siya ng mga sigaw ng babae.Ito ay si Catherine.Letse!Nagbuhat siya ng upuan sa pasilyo at hinampas ng malakas ang pinto para mabuksan ito.Sa minutong pumasok siya, nakita niya ang dalawang lalaki na dinidiin si Catherine sa lapag sa magkabilang banda. Ang damit niya ay napunit ng pira-piraso. Na may namumulang mukha, patuloy siyang bayolenteng nagpupumiglas.“Sino ka?” Nagbago ang ekspresyon ng dalawang gwardya. Tumakbo si Wesley papunta sa kanila at binugbog sila sa lapag.Nang mapagtantong hindi tama ang mga bagay, ginamit ng mga lalaki ang oportunidad at tumakbo.Walang oras si Wesley para sunggaban sila. Mabilis siyang tumakb
Nang lumabas si Wesley at pinulot ang phone mula sa carpet, ang notification ay nagpakita ng tawag mula kay Shaun.Shaun?Bakit niya tinatawagan si Catherine?Sa sandaling iyon, maraming isipin at pagdududa ang lumitaw sa isipan ni Wesley. Sa wakas, pinulot niya ang phone at inabot sa babae habang pinipigilan ang kanyang pagkabalisa.Pinindot ni Catherine ang answer button at inilagay ang phone sa may tainga niya. Tumunog agad ang boses ni Shaun na may bahid ng pagkainis. “Tatlong beses na kitang tinawagan, Catherine. Kung hindi mo sinagot ang tawag ko ngayon, plano ko nang tumawag ng pulis.”Nakalubog sa tubig, may pwersang kinurot ni Catherine ang hita niya para panatilihing klaro ang pag-iisip niya. “Medyo sobra na yun.”“Alam na alam ko kung gaano ka kahina,” pagalit na sinabi ni Shaun, “Madali kang madala sa patibong sa oras na hindi ka nag-iingat.”Namuo ang luha sa mga mata ni Catherine. Talagang, nahuli siya sa patibong at halos mawasak, pero ayaw niya itong ipaalam sa l
“Hindi na kailangan ‘yan dahil hindi ako interesadong malaman. Dahil tinapon nila ‘ko, ibig sabihin na hindi ako kailangan. Walang nang dahilan na galugarin pa ang masakit na karanasan.”Umiling si Catherine at hindi nasisiyahang sinabi, “Pakiramdam ko lang na hindi patas ang buhay. Bakit ang mga taong kagaya ng pamilyang Jones ay may kakayahang paikutin ang mga bagay at magkaroon ng madaling sobrang pagtatagumpay.” Sa mukha ng malaking enterprise kagaya ng Hudson, malinaw na alam niyang wala siyang kakayahang kalabanin sila.Sandaling nag-alinlangan si Wesley, at sa isang iglap ay sinabi, “Pwede kitang tulungan kung papayag ka—”Hindi na kailangan,” sumabad si Catherine sa pangungusap ng lalaki.“Cathy, lahat ng sinabi ko kagabi ay totoo. Gusto kitang pakasalan,” taos pusong dinagdag ni Wesley, “Itatrato ko ang kalaban mo bilang kalaban ko.”Agad na umiling si Catherine.Nagpakasal siya para maghiganti, at pinagsisihan niya ito. Ayaw niyang ulitin ang parehong pagkakamali.Ha
“...”Nakaramdam ng pagkaantok si Catherine sa una. Nang marinig ang mga salita ni Aunty Linda, gayunpaman, ay kinilabutan siya.Talagang hindi niya mapaniwala ang sarili niya na siya ay darling ni Shaun. Gayunpaman, naniwala siya na ang lalaki ay may malasakit sa kanya.Sa pagkakaalam na may nagmamalasakit sa kanya ay nakaramdam siya ng kaunting pagkasigla.Pinaalala ni Aunty Linda, “Sa susunod, mas mabuting ipaalam mo kay Mr. Hill kung hindi ka babalik. May gawi ang mga kalalakihan na sobrang mag-isip.”“Okay.” Tumango si Catherine na may halo halong nararamdaman.Dahil muntik na siyang mahuli sa patibong ni Rebecca kahapon, kailangan niyang manatiling alerto sa lahat ng oras. Hindi siya laging papalarin na may magliligtas sa kanya.Talagang kahabag habag na nawala niya ang sketches. Humanap pa si Shaun ng tao para tulungan siyang matapos ang mga ito sa kalagitnaan ng gabi. Ang taong iyon ay talagang magaling.“Oo nga pala, Aunty Linda, nakita mo ba ang taong lumabas sa stu
“Gusto kong malaman kung saan ka galing kagabi,” inulit ni Shaun ang kanyang sarili sa mababang boses. “Catherine, anong karapatan mo? Nawala lang ako ng isang gabi nagpalipas ka na ng gabi sa ibang lugar.”Nakatingin sa magulong emosyon na gumagalaw sa gwapong mukha ng lalaki na tila bagyo, likas na napaatras si Catherine. “Gumagawa ka na naman ng palagay mo tungkol sa akin?”Natense ang katawan ng lalaki bago ito sumagot ng walang pasensya, “Kung hindi dahil sa hindi pagkakaunawaan kamakailan, sa tingin mo nakahiga ka pa sa kamang ito ng buo?”Ibinaba ng babae ang kanya ulo. “Nagshopping ako kasama si Freya kagabi. Pagkatapos ‘nun, naghapunan kami at nagkaraoke. Dahil sa pagod namin, nakatulog kami ‘ron at umuwi lang pagkagising namin.”“Sigurado kang hindi ka nagsisinungaling?” Mapanganib na nanliit ang mata ng lalaki.“Wala akong ginawang masama.” Ngumuso ang babae para mas mukhang nakakaawa. “Sobrang stressed out lang ako kamakailan. Tignan mo, 22 taong gulang palang ako pero
“...”Well, well, well, talagang sinasagad ni Catherine ang mga limitasyon ni Shaun.Anong karapatan niyang hilahin ang tainga ng lalaki? Kahit pa hindi masakit, ang kilos ay nagdala ng nakakakuryenteng pakiramdam sa bawat parte ng katawan ng lalaki. Gayunpaman, sa huli ay ang lalaki pa rin ang nagmamay-ari sa kanya.“Catherine, ‘wag mong kalimutan kung sino ka.” Tinitigan niya si Catherine na may walang ekspresyong mukha.Ang walang takot na babae ay sinabi sa sarili na magtake ng risk ngayon. Kung lahat ay hindi pagkakaunawaan lamang, pananatilihin niyang tago ang kanyang nararamdaman. Ipagpapatuloy niya ang pagganap sa kanyang tungkulin at gawin ang kinakailangan.“Naalala ko ang tungkulin ko sa relasyong ito. Kadalasan, ang mayamang lalaki ay bibigyan ang kanyang kalaguyo ng pera at hindi nasasangkot sa personal na buhay nito. Subalit, hindi lang sa pinapanood mo kung nasaan ako 24/7, pero niririsk mo rin ang lahat para lang iligtas ako kapag nasa panganib ako. Hindi pa banggi
Sa sumunod na araw.Matapos ang agahan, hinahanda na ni Shaun ang kanyang sarili para sa trabaho.Sa isang iglap, hinila siya ni Catherine sa braso. “Pakiramdam ko ay ayokong magmaneho ngayong araw. Pwede mo ba ‘kong ihatid?”Sumimangot ang lalaki. Ang lugar na pupuntahan niya ngayon ay nasa salungat na direksyon ng pinagtatrabahuhan ng babae. Bukod pa ‘ron, mayroon siyang meeting na naghihintay sa kanya sa trabaho ngayong umaga.Ang babaeng ito ay talagang magulo. Hindi nagtagal bago niya samantalahin ang lalaki.“Pero may sasakyan ka.”“Gusto kong magpalipas ng oras kasama ka sa sasakyan.” Malandi siyang kumindat sa lalaki.“...”Sumulyap ang lalaki sa kanya na tila sinasabing nakakainis siya. “Tara na.”Napuno ng galak ang kanyang puso.Sa katotohanan, simpleng gusto niyang maramdaman na hindi mapababa sa sasakyan sa subway station. Kung sabagay, sobrang laking pagtitiyaga ang ginamit niya para pabagsakin ang lalaking ito.Injured ang kamay ni Shaun, dahil dito si Hadley
Nagpatuloy si Ethan, “Nagtanong tanong ako at sigurado akong ang 500 milyong dolyar ay sobra pa sa kailangan. Cathy, ayokong binababa mo ang sarili mo sa ganoong lebel. Nabigo na kita dati sa hindi ko pagtatagumpay na protektahan ka pero pagbubutihin ko na simula ngayong araw.”Naghihirap ang lalaki kamakailan. Bagaman may pagkakataon pa na hindi na malinis si Catherine, napagtanto ng lalaki na hindi ito kasalanan ng babae. Kung sabagay, sarili lang niya ang masisisi niya.Isang komplikadong itsura ang lumitaw sa mukha ng babae habang binabalik ang card. “Hindi kita tatanggapin.”“Cathy…” walang pasensyang sagot ng lalaki, “Gusto mo bang manatili sa tabi ni Shaun magpakailanman? Hindi mo nga siya gusto. Bukod pa ron, isipin mo kung paano ka niya tinignan nung isang araw. Hindi ka nga niya nirerespeto. Tingin lang sayo ng lalaki ay isang laruan.”“Hindi totoong hindi ko siya gusto.”Sumimangot ang babae. “Galit lang siya nung isang araw.”“Bakit mo siya kinakampihan?”Ang pagkagu