Share

Kabanata 1202

“Nauunawaan ko, Dad.” Huminga nang malalim si Shaun. Noong una’y bilib si Shaun sa kanyang sarili, ngunit ngayon, kumpara kay Brennan, napagtantuan niyang marami pa siyang dapat matutuhan.

“Anak nga kita. Kapag nakabangon kang muli, darating ang oras para sa ating mag-ama na makabalik sa mga nang-api sa atin.” Nababalot ng poot ang mga mata ni Brennan.

Bahagyang gumalaw ang mga labi ni Shaun. “Siya nga pala, Dad. Matapos niyong maghiwalay ni Mom dalawampung taon na ang nakalilipas, nag… nagsama ba ulit kayo sa iisang kama?”

Nagulat si Brennan sa tanong. Matapos ang ilang sandali ay bumakas ang pagkairita sa mga mata nito. “Bakit mo naman ako tinatanong niyan? Sa tagal ay nakalimutan ko na. Isipin ko nga lang ‘yang si Lea ay nahihilo na agad ako.”

“Dahil ba iyon sa kanila ni Mason?” Hindi mapigilan ni Shaun ang magtanong.

“Ano pa ba? Hindi iyon kakayanin ng sinumang lalaki. Wala akong pakialam kung ano ang pinagsamahan nila ni Mason. Sana man lang ay dumistansya muna siya roon para
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status