Share

Kabanata 1201

“Oo.” Tungo ni Lea. “Noong taong iyon, katatapos lang naming maghiwalay ng ama mo, at wala rin naman sa isip kong magpakasal agad muli. Nag-away kami ng ama mo noong araw na iyon at uminom ako pagkatapos. Hanggang sa huli’y napunta ako kay Mason.”

Itinaas ni Shaun ang kanyang mga kilay nang makita nito ang natutulalang itsura ni Lea. Bilang isang anak, ang tanging magagawa niya lamang noon ay huminga nang malalim. “Ano’ng posibilidad na ama ko pala ang taong iyon?”

Laking gulat ni Lea sa sinabi ng anak kaya’t nauutal itong sumagot, “Impo… imposible!”

“Sinasabi ko lang naman. Huwag mo na masyadong pag-isipan. Oh, siya, may kailangan pa akong gawin, kaya mauuna na ako. Sa inyo muna sina Suzie at Lucas ngayong gabi.”

Pagkatapos niyang magsalita ay iniwan na ni Shaun ang isang tulalang Lea.

Agad siyang tumungo sa kabibili lamang na villa ni Brennan. Bagama’t sa kanya na ang Hill Manor ngayon, masyado itong marangya. Sa kasalukuya’y hindi muna roon naninirahan si Brennan.

“Gabi na, an
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status