Gayunpaman, hindi sumuko si Shaun.Sa halip, niyakap niya ang babae, mahigpit na hawak ang maselang katawan ng babae sa kanyang mga braso.Ang hangin ay umihip sa kanyang silk na nightgown.“Cathy, makipagdivorce ka sa kanya. Hindi ka karapat dapat para kay Wesley.”Natigilan si Catherine ng isang sandali bago manumbalik ang kanyang ulirat. Tinulak niya palayo ang lalaki. “Bitawan mo ‘ko. Kapag nakita tayo ng mga tao na mag-isa sa gitna ng gabi, hindi ko na malilinis ang pangalan ko kahit na tumalon ako sa ilog. Gusto mo bang mabugbog ako ulit?”Sumakit ang puso ni Shaun nang marinig niya ang mga salita ng babae at pinakawalan niya ang babae.Bagamana gusto niyang hawakan ang babae ng ganito habambuhay, mas natakot siya na masasaktan ang babae dahil sa kanya.“Shaun, kahit pa makipagdivorce ako sa kanya balang araw, hindi ito magiging dahil sayo. Huwag mong i-flatter ang sarili mo.” Pinalamig ni Catherine ang ekspresyon niya at sadyang sinabi sa isang malupit na tono.“Cathy, i
Siguro si Shaun ay bigla nalang din mawawala ng ganun isang araw…Hindi niya boluntaryong kinuyom ang manibela....Nang makita ni Shaun ang sasakyan niya na mawala at papasok na sa kanyang sasakyan, nakatanggap siya ng text message mula kay Catherine: [Shaun, ipangako mo sakin na hindi ka pupunta kay Wesley, o hindi na kita kakausapin mula sa buong buhay ko.]Ang maninipis na mga labi ni Shaun ay bahagyang kumurba.‘Cathy, ang puso mo ay malinaw na nagmamalasakit pa rin sakin.‘Kahit pa paulit ulit mong sabihin na hindi mo ‘ko mahal, ang posisyon ko sa puso mo ay iba pa rin.’Ibinaba niya ang kanyang ulo at sumagot: [Okay, hindi ako pupunta sa kanya, kaya kausapin mo ‘ko habambuhay, okay?]Matapos mapadala ang mensahe, walang naging sagot.Gayunpaman, hindi siya nabigo.Alam niya nang hindi sasagot ang babae.At para sa pananakit ni Wesley sa babae… Sumang-ayon siya sa hiling ni Catherine, pero kung hindi niya tuturuan si Wesley ng isang leksyon, ang pangalan niya ay hindi
Ang mata ni Wesley ay mapula. “Nairita lang ako noong araw na iyon. Una, yung insidente kay Senator Mead, pagkatapos ay kayo ni Shaun. Natakot lang ako ng sobra na mawala kita.”Habang nagsasalita siya, biglang may lumabas na nasasaktan na ekspresyon sa mukha niya.“Anong… problema?” Nagulat si Catherine.“Wala ito. Hindi lang ako nakapag pahinga ng maayos, kaya medyo hindi komportable ang dibdib ko,” Nagpanggap na kaswal sabihin ni Wesley.Alam ni Catherine na madalas hindi maganda ang pakiramdam niya dahil nawalan siya ng bato noong sinagip niya si Catherine tatlong taon ang nakalipas.Noon, sinabi rin ng doktor na hindi siya dapat sobrang pasiglahin.“Cathy, umuwi ka na, okay?” Biglang lumuhod sa sahig si Wesley. “Nangangako ako na hindi na ulit kita sasampalin. Bumalik tayo sa kung paano tayo dati, okay?”Tahimik siyang tinignan ni Catherine ng ilang saglit bago nagsalita sa mababang boses, “Tumayo ka. Babalik ako sa hapon.”Tumingala ang mata ni Wesley sa gulat. “Talaga?”
"Totoo iyon, maaaring hindi ka sanay magtrabaho simula alas-nuwebe hanggang alas-singko," Sabi ni Wesley. "Kung gusto mo ng kalayaan, maaari ako mag-ayos ng trabaho para sa iyo. Kailangan ko ng tao na tutulong sa akin sumuri ng mga parmasya sa ibang bansa-""Hindi iyon maaari. Ang kaliwa at kanang kamay ko ay sina Logan at Austin. Hindi ko hahayaang malayo sila sa akin," Bumaba si Catherine mula sa taas at ginambala siya nang may tawa."Totoo iyon. Hindi ko masyado pinag-isipan iyon " Nakita ni Wesley na ngumiti siya at sa wakas ay nakahinga ng maluwag ang puso niya. "Mag-usap muna kayo. Ako magluluto ngayong gabi."Pagkatapos ay nirolyo niya ang manggas niya at pumunta ng kusina.Naglakad si Catherine palapit kay Logan at tinignan siya, tinanong niya, "Naisip mo na ba kung anong posisyon ang gusto mo?"Binaba ni Logan ang boses niya at sinabi, "May mga nakatagong camera na nakakabit sa living room, dining hall, sa kwarto mo, at sa kusina. Hindi na ako naglakas loob magpunta sa ib
"Paano ang isang bodyguard na tulad niya ang maglalakas loob kumain ng niluto ng magaling na President Lyons?" Ngumiti ng kaunti si Catherine.Tinignan niya ang gwapong mukha ni Wesley. Habang mas ngumingiti si Catherine, mas nanginginig ang puso niya.Mukhang simula noong nakilala niya si Wesley, may mahinahon at tahimik siyang itsura.Parehas ng itsura niya ngayon.Nagbago ba siya habang nasa proseso, o ganito na siya kahusay noon pa sa pagtatago ng tunay niyang kulay?Kung namatay nga si Ethan sa mga kamay niya, gaano kasama ang tao na ito para patayin ang pamangkin niya ng walang awa?Marunong ba magmahal ang napakasamang tao?Totoo ba ang pagmamahal niya para kay Catherine?Inisip niya kung ano ang sinabi ni Shaun. Nagtitimpi si Wesley dahil gusto niya maghiganti sa kanya. Siya ang magiging pangalawang Lea Hill.Lumabas ang ideya na iyon sa utak niya.May hinala siya na kung tama ang hula niya, baka mas maging malala pa siya kay Lea.Kahit gaano kasama si Mason noon, ma
Binabaan ni Elle ang boses niya. "Sa panahon na ito, sinasamahan ni Chance si Yael araw-araw at minsan ay dinadala niya ito para sa maternity check-up o para mamili. Hindi na ako naglakas loob sumunod ng malapit dahil natatakot ako na malaman ni Chance. Kahit papaano, sobrang galing niya hindi masundan.""Kung gayon… wala kang nalaman?" Sobrang nadismaya si Shaun. Nagkamali ba siya ng hula?"Hindi, may nalaman ako," Sabi ni Elle. "Kahapon, sina Chance at Yael ay nagpunta sa isang pribadong kainan para maghapunan. Hindi na ako naglakas loob pumasok pagkatapos nila, ngunit nakita ko rin sina Ivan at Charlie Campos dumating ilang sandali lang pagkatapos. Nanatili sila sa kainan ng mahigit isang oras."Ang kamay ni Shaun na nasa lamesa ay dahan-dahan niya niyukom. "Sobrang pagkakataon naman noon."Tumango si Elle ng may komplikadong titig. "Oo. Hindi katagalan pagkaalis nina Ivan at Charlie, sina Chance at Yael ay lumabas na rin. Si Yael ay parang nasa magandang mood.""Mukhang tama n
"Oo, noong kinilala namin si Suzie, binigyan siya ni Mason ng kaunting pera. Binigyan niya ito ng mas kaunti kaysa sa binibigay niya sa mga pamangkin niya. Hindi naging komportable si Liam doon at sinabi na wala naman talaga pakialam sa kanya si Mason simula noong bata pa siya." Mas lumalala ang pakiramdam ni Lea habang nagsasalita siya, at mas lalo niya namimiss si Liam.Tinaas ni Shaun ang kilay niya. "Kung gayon ay hindi ba iyon kakaiba para sa iyo? Pinapabayaan lang ba ni Mason ang sarili niyang anak dahil lang hindi ka niya gusto? Paano siya naging walang puso? Kahit ang mga tigre ay hindi kinakain ang sarili nilang anak."Naglabas ng matinding pagsisisi at pagkalungkot ang mata ni Freya. "Hindi ko rin alam kung ano ang nangyayari. Simula noong una hanggang sa huli, ginamit niya lang ako. Ngunit anak pa rin niya si Liam.""Kaya nga… hinihiling ko sayo na alalahanin ang nangyari noong gabing iyon. Sigurado ka ba na si Mason iyon? Naisip mo ba na baka kinamumuhian ka niya noon at
“Oo.” Tungo ni Lea. “Noong taong iyon, katatapos lang naming maghiwalay ng ama mo, at wala rin naman sa isip kong magpakasal agad muli. Nag-away kami ng ama mo noong araw na iyon at uminom ako pagkatapos. Hanggang sa huli’y napunta ako kay Mason.”Itinaas ni Shaun ang kanyang mga kilay nang makita nito ang natutulalang itsura ni Lea. Bilang isang anak, ang tanging magagawa niya lamang noon ay huminga nang malalim. “Ano’ng posibilidad na ama ko pala ang taong iyon?”Laking gulat ni Lea sa sinabi ng anak kaya’t nauutal itong sumagot, “Impo… imposible!”“Sinasabi ko lang naman. Huwag mo na masyadong pag-isipan. Oh, siya, may kailangan pa akong gawin, kaya mauuna na ako. Sa inyo muna sina Suzie at Lucas ngayong gabi.”Pagkatapos niyang magsalita ay iniwan na ni Shaun ang isang tulalang Lea.Agad siyang tumungo sa kabibili lamang na villa ni Brennan. Bagama’t sa kanya na ang Hill Manor ngayon, masyado itong marangya. Sa kasalukuya’y hindi muna roon naninirahan si Brennan.“Gabi na, an