”Kaya rin ng mom ko, at kaya rin ni Uncle Logan.” Biglang galit na sinabi ni Lucas, “Ay, oo nga pala. Pinutol mo ang daliri ni Uncle Logan.”Agad na nagsisi si Shaun na binanggit niya ang martial arts. Gayunpaman, alam niya na may mga bagay na hindi niya maiiwasan. “Tama ka. Puputulin ko ang isa sa mga daliri ko para magbayad sa kanya sa susunod.”Sumimangot si Lucas. “Huwag kang magsinungaling.”“Pwede ko itong putulin ngayon kung hindi ako takot na takutin ang mga tao sa restaurant.”Sinabi ni Shaun na walang pag-aatubili, “Ang martial arts ni Logan ay hindi kasing galing ng sa akin. Kahit ang mom mo ay walang laban din sa akin. Kung hindi ka naniniwala sa akin, tanungin mo ang mom mo.”Ang ama at ang anak ay lumingon kay Catherine, na hindi pa nagsasalita.Sinamaan ng tingin ni Catherine si Shaun. Nagpractice siya ng martial arts sa loob ng isang taon, pero sabi ng lalaki na wala siyang laban dito. Sinusubukan ba nitong ipahiya ang babae?Ang magagandang matang iyon ay bahagy
Ito ang unang beses na ang anak ni Catherine ay tinignan siya ng may paghamak, at sinamaan niya ng tingin si Shaun na may pagkamuhi.Ito ay pwedeng magpatunay sa kanya sa anak niya, pero bakit kailangan niyang tapakan ang babae para gawin ito? Sinusubukan niya bang ipahiya ang babae?Napansin ang galit ni Catherine, agad na klinaro ni Shaun ang lalamunan niya. Maingat niyang inilagay ang lahat ng steak na hiniwa niya sa plato ni Catherine. “Syempre, pwede kang turuan ng mom mo kung paano gumuhit. Isa siyang world-renowned designer, at ang mga likha niya ay nakakamangha. Pwede ka niyang dalhin sa parke at turuan ka tungkol sa mga halaman at mga hayop…”“Tama na ‘yan, Shaun. Itikom mo ang bibig mo.”Inirapan i Catherine ang lalaki at kumain ng dalawang piraso ng steak bago siya umalis para hanapin si Suzie.“Naoffend mo si Mommy,” konklusyon ni Lucas at ibinaba ang kanyang mga kubyertos. “Busog na ‘ko.”Matapos, tumalon siya paalis ng upuan niya at umalis para hanapin ang kanyang m
Silang apat ay nasa playground ng children’s restaurant hanggang 8:00 p.m.Dahil sinabi ni Shaun na gusto niyang patunayan ang kanyang basketball skills kay Lucas, dinala niya ang tatlo sa basketball stadium.Isang intense na laro ang nangyayari.Bumaba si Shaun at bumulong ng ilang salita sa kapitan ng team. Matapos, ang kabilang partido ay binigyan si Shaun ng jersey na masusuot at inilagay siya sa court.Habang ang matangkad at payat na si Shaun ay nakatayo sa court matapos isuot ang jersey, ang kanyang gwapong itsura ay agad na nag-excite sa mga kababaihan sa mga manonood.“Sobrang gwapo ni No. 3.”“Nakita mo rin siya? Matangkad siya at gwapo. Gusto ko ng ganoong boyfriend.”“Hey, sa tingin mo ba kamukha niya ang dating wealthiest man, si Shaun Hill?”“Bakit sasali si Shaun Hill sa ganitong klaseng organization-based na kompetisyon? Mukha siyang dalawampu’t isang taong gulang.”“Shush. Ahh, t*ngina… naglakas loob siya na i-shoot ang bola mula sa malayo… pumasok ito… Nakaka
Tahimik si Lucas, ngunit pinapakita niya sa mayabang niyang itsura na nagsasabi na pumayag siya.Hindi maiwasan ni Catherine magtanong, "Paano mo sila napapayag na hayaan ka maglaro?""Sobrang simple lang. Binigyan ko sila ng tig-dalawang libo, at gusto na nila ako magpunta araw-araw." Ngumiti si Shaun.Walang masabi si Catherine at hindi niya maiwasan umingit sa sarili niya, "Pinapaikot talaga ng pera ang mundo".Habang nagagalit pa siya, tumunog ang phone niya.Ito ay mula kay Wesley. Nanigas ang ekspresyon niya.Ilang saglit ang nakalipas, pumunta siya sa gilid nang hindi komportable habang hawak ang phone niya."Cathy, nasaan ka? Sobrang ingay." Nagtanong si Wesley sa mahinang tono, "Kailan ka babalik?""Nakikipaglaro ako kay Lucas sa labas. Babalik ako mamaya." Nagpaliwanag si Catherine."Bakit hindi mo ako tinawagan kung nakikipaglaro ka kay Lucas?" Tumawa si Wesley."Oh, tatawagan kita sa susunod."Gumamit pa ng ilang rason si Catherine at binaba na ang tawag.Pagtal
Pamilya nilang apat…Nanatiling nakatayo si Catherine ng matagal na oras.Bigla niya narinig ang boses ni Wesley. "Cathy, bakit nakatayo ka lang dyan?""Wala." Mabilis na binaba ni Catherine ang phone niya at tinignan ang mukha ni Wesley, medyo nanghihina ang pakiramdam niya. "Maliligo lang ako."Tinignan siya ni Wesley at nanliit ang mata niya.Saan kaya ito nagpunta ngayong gabi?Kahit papaano, may lumalaking distansya sa pagitan nilang dalawa, kahit pa na pisikal niyang nasa tabi ito.Pagdating niya sa taas, ang pinto sa master bedroom ay sarado na.Sa kauna-unahang beses, pumasok siya nang hindi kumakatok. Ang tunog ng pagdaloy ng tubig ay mula sa banyo.Gabing-gabi na, at nakikiliti ang puso ni Wesley sa tunog na parang kinakalmot ng pusa.Malinaw na pinagaan ni Regina ang pakiramdam niya, at hindi siya nagkukulang sa babae ngayon. Si Sarah ay marami rin alam na teknik.Gayon pa man, ang dalawang babae na iyon ay hindi si Catherine.Maganda ang mukha ni Catherine, at a
Ginamit ni Catherine lahat ng lakas niya para matulak palayo si Wesley.Gayon pa man, sobrang desidido siya makuha ang gusto niya at nagsimula na sumakit ang hawak nito kay Catherine. Ito ay para bang nabaliw na siya.Sa huli, hindi na ito kaya tiisin ni Catherine. Kinuha niya ang lamp sa lamesa sa gilid ng kama at hinampas ito sa ulo niya.Sa saglit na iyon, tumingala si Wesley nang may nakakapangilabot na mata.Nang naaninagan siya ng ilaw ng buwan sa mukha, hindi maiwasan ni Catherine kilabutan. Natatakot siya kay Wesley…Oo, takot.Totoong natatakot siya kay Wesley Lumipas ang ilang saglit, ang gwapo at eleganteng mukha ni Wesley ay naging dismayado, malungkot, at nasaktan. Nagduda si Catherine sa takot na naramdaman niya at lahat ng nakita niya kanina ay ilusyon lang dahil sa pagbabago."Cathy, sobrang kinamumuhian mo ba ako?" Tinignan siya ni Wesley nang may namumulang mata."Hindi… Hindi kita kinamumuhian." Namaluktot si Catherine. Sobrang lungkot niya at naging manhi
“Shaun, ikaw ba ay… sinapian?” Pansamantalang tinanong ni Old Madam Hill.Shaun. “...”Si Lea ay bumaba at nagtanong, “Mom, Dad, bakit kayo nakatayo sa may kusina?”“Lea, si Shaun ay gumagawa ng agahan ngayong araw,” Seryosong sinabi ni Old Master Hill.Nanigas si Lea noong nakita niya si Shaun, na nakasuot ng apron. “Maganda iyan. Palagi ka naman may opinyon sa pag-ayos iba sa pagkain. Makakakain ka ng marami ngayon dahil ikaw mismo ang gumagawa.”“Hindi iyon ang punto.” Bumulong si Old Madam Hill. “Ang punto ay… ngumiti siya. Para bang… nakakita kami ng multo.”“......”Nabagot si Shaun. “Grandpa, Grandma, nakangiti ako dahil maganda ang mood ko.”“May maganda ba na nangyari?” Nagtataka si Old Madam Hill. Sa sitwasyon ng pamilyang Hill, naging baliw si Willie, hindi maangat ni Spencer ang sarili niya, at si Valerie ay nagrereklamo araw-araw, umiiyak. Kung hindi dahil sa malaking puso ni Old Madam Hill, namatay na siya dahil sa galit.Naisip ni Lea si Brennan.Inisip niya na
Si Old Madam Hill ay nagmamadali umakyat at nakita sa tabi ni Suzie na may batang lalaki na kasing edad ni Suzie na nasa kwarto rin. Ang batang lalaki ay may suot na asul na cartoon pajamas at kalmado silang tinignan nito. Kahit na bata pa siya, malinaw na mula sa itsura niya na tiyak na magiging gawpo siyang lalaki sa hinaharap.Gayon pa man, ang mukha niya ay… kahawig ng kay Catherine.“Ito… Ito ay si…” Si Old Madam Hill ay nagulat din.Sumimangot si Lucas. Hula ni Lucas ay ang mga tao na ito ay mula sa pamilyang Hill. Madalas sila banggitin ni Suzie.Ngumisi si Suzie at nagpaliwanag, “Great-grandma, seryoso ko po pinapakilala sa inyo, ang mas bata kong kapatid…”“Mas matanda mo akong kapatid.” Ginambala siya ni Lucas.“Anong ibig mong sabihin na mas matanda? Lumabas ka lang ng tatlong minuto bago ako.” Sabi ni Suzie.“Mas matanda pa rin ako sa iyo.” Ayaw pumayag ni Lucas.Nagtataka si Lea. “Suzie, anong… anong nangyayari? Ang bata na iyan…”Tinikom ni Lucas ang labi niya at