“Shaun, ikaw ba ay… sinapian?” Pansamantalang tinanong ni Old Madam Hill.Shaun. “...”Si Lea ay bumaba at nagtanong, “Mom, Dad, bakit kayo nakatayo sa may kusina?”“Lea, si Shaun ay gumagawa ng agahan ngayong araw,” Seryosong sinabi ni Old Master Hill.Nanigas si Lea noong nakita niya si Shaun, na nakasuot ng apron. “Maganda iyan. Palagi ka naman may opinyon sa pag-ayos iba sa pagkain. Makakakain ka ng marami ngayon dahil ikaw mismo ang gumagawa.”“Hindi iyon ang punto.” Bumulong si Old Madam Hill. “Ang punto ay… ngumiti siya. Para bang… nakakita kami ng multo.”“......”Nabagot si Shaun. “Grandpa, Grandma, nakangiti ako dahil maganda ang mood ko.”“May maganda ba na nangyari?” Nagtataka si Old Madam Hill. Sa sitwasyon ng pamilyang Hill, naging baliw si Willie, hindi maangat ni Spencer ang sarili niya, at si Valerie ay nagrereklamo araw-araw, umiiyak. Kung hindi dahil sa malaking puso ni Old Madam Hill, namatay na siya dahil sa galit.Naisip ni Lea si Brennan.Inisip niya na
Si Old Madam Hill ay nagmamadali umakyat at nakita sa tabi ni Suzie na may batang lalaki na kasing edad ni Suzie na nasa kwarto rin. Ang batang lalaki ay may suot na asul na cartoon pajamas at kalmado silang tinignan nito. Kahit na bata pa siya, malinaw na mula sa itsura niya na tiyak na magiging gawpo siyang lalaki sa hinaharap.Gayon pa man, ang mukha niya ay… kahawig ng kay Catherine.“Ito… Ito ay si…” Si Old Madam Hill ay nagulat din.Sumimangot si Lucas. Hula ni Lucas ay ang mga tao na ito ay mula sa pamilyang Hill. Madalas sila banggitin ni Suzie.Ngumisi si Suzie at nagpaliwanag, “Great-grandma, seryoso ko po pinapakilala sa inyo, ang mas bata kong kapatid…”“Mas matanda mo akong kapatid.” Ginambala siya ni Lucas.“Anong ibig mong sabihin na mas matanda? Lumabas ka lang ng tatlong minuto bago ako.” Sabi ni Suzie.“Mas matanda pa rin ako sa iyo.” Ayaw pumayag ni Lucas.Nagtataka si Lea. “Suzie, anong… anong nangyayari? Ang bata na iyan…”Tinikom ni Lucas ang labi niya at
Napatawa si Old Madam Hill at tumungo. “Mabuti kung gayon. Hindi na katulad ng dati ang mga Hill, ngunit mas naging matino naman kayong lahat.”Pagkatapos ay ibinaba nila ang dalawang bata.Ikinatuwa ni Old Master Hill na siyang nalulumbay nitong nakaraang mga araw noong nalaman niya ang katotohanan.Sinulyapan ni Lucas ang mga miyembro ng pamilya at tila’y naunawaan niya kung bakit nagustuhan ni Suzie ang lugar na iyon.Bagama’t kinamumuhian niya ang kanyang ama, mababait ang mga tao roon.Isa pa, mga ninuno niya ang mga taong iyon. Hindi sila basta-bastang sinuman, kaya’t hindi na niya kailangang maging masyadong maingat.............Matapos kumain ng almusal ay hinatid ni Shaun sina Lucas at Suzie patungo sa kindergarten.Pinalitan din niya ang parents’ contact information ng mga bata patungo sa pangalan nilang dalawa ni Catherine.Laking gulat ng guro. “Ang lumalabas pala’y kambal sila. Kaya pala parang masyado silang malapit sa isa’t isa.”“Oho, at sa susunod, maaari na
“Labas! Sino nagsabi sa’yong akitin ako?” Tinulak nang malakas ni Wesley papalayo si Regina.Nakita ng babae ang matinding galit sa itsura nito kaya’t maluha-luha siyang lumisan.Natigilan si Ethan at gulong-gulo ang kanyang utas. Nang sumara ang pinto ay bigla siyang natauhan at may namuong galit sa kanya. Galit nitong nilapitan si Wesley at sinuntok ang lalaki sa mukha. “B*stardo!”Hindi umilag sa pagkakataong iyon si Wesley. Matapos niyang matamaan ay pinunasan lamang niya ang kanyang labi at ngumisi. “Oo, b*stardo ako.”Galit na galit si Ethan. “Uncle, papaano mo ito magagawa kay Cathy? Katatapos niyo lang ikasal. Ganito lang bang kababaw ang nararamdaman mo para sa kanya? Nakakadiri ka.”Mahal ni Ethan si Catherine, at bagama’t imposible nang mapasakanya ang babae ay hinahangad pa rin ni Ethan na mamuhay nang masaya si Catherine. Naniwala rin siya noon na maibibigay ni Wesley ang kaligayahang hangad niya para rito, ngunit hindi niya inaasahang lolokohin niya ito kapalit ng ka
Lumabas mula sa opisina si Ethan.Mabigat, galit, at hindi pa rin mapakali ang kanyang puso.Sa isang banda ay dahil ito sa kanyang tiyuhin, at sa kabilang banda nama’y dahil iyon sa kanyang childhood sweetheart.Ano’ng gagawin niya?Sa wakas ay tumalikod siya upang tumungo sa secretarial department. Bago siya makapasok ng opisina ay nakasalubong niyang muli si Regina.Nagmamadai itong yumuko at bakas sa kanyang mukha ang pag-panic at pagkataranta.“Matanong nga kita, gaanong katagal na kayo ng tiyuhin ko?” Malamig na tinitigan ng kaaya-ayang mukha ni Ethan si Regina.“Manager Lowe, ‘wag niyo na pong itanong ‘yan. Matagal na po akong may nararamdaman para kay President Lyons. Ako po ang siyang nang-akit sa kanya,” Agad na nagpanggap si Regina na ito’y nalulumbay. “Nito-nito lamang ay ipinatawag ako ni President Lyons. Pihado ko’y patatalsikin na niya ako bilang kanyang secretary,”“Ang lakas ng loob mong mang-akin ng pamilyadong lalaki. Nakakadiri ka,” Pagtuligsa ni Ethan.Yum
Nagbuga si Ethan ng dugo habang nanlalaki ang mata niya.Alam niya na ito ay hindi isang pagkakataon lang.Si Wesley Lyons… ay kasuklam-suklam…Kung kaya niya gumamit ng masamang taktika kay Ethan, kung gayon… Paano pa kay Cathy…Ang katawan niya ay naipit. Hindi siya makagalaw ngunit naghirap siya para kunin ang phone niya. Nahanap niya ang number ni Catherine at nag-type: [Mag-ingat ka…]Gayon pa man, bago pa niya matapos ang pagtype niya, biglang nagkaroon ng apoy ang hood ng sasakyan.Hindi siya makaalis, at initsa na lang niya ang phone niya palabas sa bintana.Luha na may halong dugo ang bumabagsak pababa sa mukha niya.Nagsisisi siya. Kung maaari lang sana magsimula ulit siya.Sa taon na iyon, hinding-hindi siya sasama kay Rebecca.Gusto lang niya makasama si Catherine…Sa kasamaang palad… sa kasamaang palad… ang kapalaran ay wala sa panig niya.............Sa opisina.Umiinom si Catherine ng tubig nang biglang nanginig ang kamay niya. Nawala ang pagkahawak niya s
”Sobrang gwapo ng Ethan ko, ngunit noong namatay siya, siya ay nasunog hanggang sa naging alikabok.”Sobrang naguguluhan si Catherine.Paano biglang naglaho ang isang malusog na tao?Kahit na hindi na niya mahal si Ethan ngayon, ito ang paborito niya noong bata pa siya at walang muwang. Parehas na minahal at kinamuhian niya ito dati.Kahit na parehas na silang kasal, may pag-intindi pa rin siya dito.Noong narinig niya ang balita ng kamatayan niya, lahat ng nasa harap niya ay malabo.Nang lumuwag ang hawak ng mga gwardya kay Sonya, kinuha niya ang kutsilyo sa sahig at sinubukan muli saksakin si Catherine.“Mag-ingat ka, Cathy!” Isang matangkad na pigura ang pumunta sa eksena at hinila si Cathy papunta sa gilid.Nakita ni Sonya na si Shaun ang sumagip kay Catherine at sumigaw siya, “Catherine Jones, p*ta ka. Nagpakasal ka kay Wesley, ngunit inakit mo pa rin ang Ethan ko at ang dati mong asawa. Malandi ka, walang hiya ka. Hinding-hindi ka mamamatay sa natural na paraan.”Ang kaa
”Pero hindi dapat ako nakipagkita kay Ethan. Isaalang alang na sobra ang pinagdaanan ko sa kanya, dapat ay… dumistansya ako mula sa kanya.” Ang mukha ni Catherine ay may mga marka ng luha. “Dagdag pa rito, tinawagan niya ‘ko nitong umaga at kalaunan ay hindi nagpakita, pero nakalimutan ko na ang tungkol dito. Dapat ay tinanong ko siya…”Ibinaba ni Shaun ang kanyang ulo at marahang pinahid palayo ang mga luha sa mukha ng babae. “Kahit pa tinanong mo siya, wala kang mababago. May nangyari na sa kanya nang panahong ‘yon. Dagdag pa rito… Sa puntong ‘to, sa tingin ko hindi mo pa alam kung bakit siya naaksidente. Dapat mong hintayin ang resulta ng imbestigasyon. Pinaplano mo bang magbigay ng huling respeto sa kanya? Hayaan mong ihatid kita sa punerarya.”“... Okay.”Sa marahang nag-aaliw na mga salita ng lalaki, dahan dahang nanumbalik ang kahinahunan ni Catherine.Talaga, kailangan niyang malaman ang nagdulot ng aksidente ni Ethan.“Ihahatid kita ron.”Binuhat siya ni Shaun papunta s