Share

Kabanata 1158

Lumabas mula sa opisina si Ethan.

Mabigat, galit, at hindi pa rin mapakali ang kanyang puso.

Sa isang banda ay dahil ito sa kanyang tiyuhin, at sa kabilang banda nama’y dahil iyon sa kanyang childhood sweetheart.

Ano’ng gagawin niya?

Sa wakas ay tumalikod siya upang tumungo sa secretarial department. Bago siya makapasok ng opisina ay nakasalubong niyang muli si Regina.

Nagmamadai itong yumuko at bakas sa kanyang mukha ang pag-panic at pagkataranta.

“Matanong nga kita, gaanong katagal na kayo ng tiyuhin ko?” Malamig na tinitigan ng kaaya-ayang mukha ni Ethan si Regina.

“Manager Lowe, ‘wag niyo na pong itanong ‘yan. Matagal na po akong may nararamdaman para kay President Lyons. Ako po ang siyang nang-akit sa kanya,” Agad na nagpanggap si Regina na ito’y nalulumbay. “Nito-nito lamang ay ipinatawag ako ni President Lyons. Pihado ko’y patatalsikin na niya ako bilang kanyang secretary,”

“Ang lakas ng loob mong mang-akin ng pamilyadong lalaki. Nakakadiri ka,” Pagtuligsa ni Ethan.

Yum
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status