Share

Kabanata 1036

Hindi maipaliwanag ang itsura ni Wesley habang sinisimulan niya ang sasakyan. Habang nagmamaneho ay tinawagan niya si Regina. “Pumunta ka sa suite doon sa opisina. Hintayin mo ako.”

Kailangan niya ng babae, dahil kung hindi ay hindi niya makakayanan ang galit na kanyang nararamdaman.

Nang malapit na siyang makarating sa kumpanya ay muling nag-ring ang kanyang phone.

“President Lyons, sinundan po kayo ni Logan.”

Logan?

Nagulat si Wesley. “Gaanong katagal na niya akong sinusundan?”

“Simula po noong umalis kayo ng Hudson Corporation. Naging maingat po siya. Kung wala po kaming ipinadala upang bantayan sila ni Austin noong simula pa lamang ay hindi rin namin ito mapapansin.”

“Sige.” Hinigpitan ni Wesley ang kanyang kapit sa kanyang phone, at pagkatapos ay natawa na lamang siya.

Si Catherine lamang ang sinusunod ni Logan, kaya’t ibig sabihin lamang noon ay ipinapa-imbestigahan siya ng babae sa pamamagitan ni Logan.

May suspetiya kaya ang babae sa kanya?

Hindi niya maintindihan ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status