”Ano… Ano ang gagawin mo?” Nanginig ang binti ni Simon sa takot. Ang kayabangan niya kanina ay wala na. “Eldest Young Lady Jones, pakiusap pakawalan mo ako. Nabulag ako. Hindi ko alam na may makapangyarihan ka na pinanggalingan noon. At saka, binali pa nga ni Shaun ang binti ko noon. Inabot ako ng ilang buwan na nakahiga sa kama para gumaling.”“Ngunit hindi iyan ang sinabi mo ngayon lang. Medyo mayabang ka pa nga.” Tinusok ni Catherine ang mukha niya gamit ang bakal at inosenteng ngumiti. “Sinabi mo pa nga…. na naaalala mo pa ang katawan ko hanggang ngayon. Kung ganon ang kaso, dapat ba sayawan kita muli?”“Huwag. Kinalimutan ko na iyon lahat.” Walang magawa si Simon. “Sister, Boss, hindi makitid ang pag-iisip mo, kaya pakiusap at huwag mo na ito palakihin pa.”“Hindi ko magagawa iyon. Dahil naaalala mo pa ang mga insidente tatlong taon na ang nakalipas, ibig sabihin makitid ka mag-isip na tao. Sino ang nakakaalam kung maghihiganti ka sa akin pagkatapos nito?”“Siguradong hindi ak
”Ngunit… magkakaproblema ba ako kay Chester?” Kinakabahan si Simon.Walang masabi si Catherine. “Naglakas loob ka gulpihin siya, ngunit natatakot ka magkaproblema? Hindi ba at sinabi mo na si Thomas ang nagsulsol sa iyo?”“Oo, oo, matalino ka.” Dahan-dahan sinabi ni Simon, “Kung gayon maaari na ako umalis ngayon?”“Umalis ka na. Siya nga pala, kung maglalakas loob ka na lokohin ako, mag-ingat ka dahil baka hanapin kita.” Tinamaan ni Catherine ang sahig gamit ang bakal.“Hindi ako maglalakas loob.” Nanginig si Simon. Pagkatapos ay kinuha niya ang mga tauhan niya at mabilis na umalis.Pagkatapos lang noon tsaka nagpunta si Catherine sa gilid ni Shaun. Ang lalaki na iyon ay nakahiga sa putik. Ang puting damit niya ay nakababad sa tubig na may putik, at ang gwapo niyang mukha ay puno ng sugat. Sa saglit na iyon, nakapikit ang mata niya, at mukha siyang walang buhay.Kung hindi dahil sa mga pamilyar na katangian sa mukha niya, magdadalawang isip si Catherine kung siya talaga si Shaun.
Nang tinulungan siya ni Catherine sa pantalon niya, nagulat siya ng napansin niya na ang parte ng katawan na iyon ay nakabalot sa gasa.Nilunok niya ang laway niya. Para bang nakadiskubre siya ng hindi kapanipaniwalang bagay.Bakit nakabalot sa gasa ang parte ng katawan na iyon. Posible kaya na ito ay… ‘di na magagamit?Hindi siya makapigil siyasatin ito nang may buong tapang, ngunit wala talaga itong reaksyon.Hindi naman siya ganito dati.Naging blangko ang utak niya ng ilang segundo bago siya sumingap. Bakit magiging lumpo ang parte na iyon ng walang dahilan?Ito kaya ang dahilan kung bakit siya nanghihina, lasing, at walang buhay?Ito ay naiintindihan naman. Para sa lalaki, malaking bagay ito, lalo na sa lalaki na tulad niya na inuuna ang kanyang pangangailangan.Hindi kataka-taka na bigla niyang sinabi na hindi na siya magpapakasal o magkakaroon ng anak sa susunod.Wala talagang ibang paraan para sa kanya makapag-asawa siya o magkaroon ng anak sa estado niya. Siya ay tiya
”Sigurado ka ba?” Malamig na sinabi ni Shaun, “Wala akong sama ng loob kay Thomas.”“Sigurado ka ba na wala?” Paalala sa kanya ni Chester.“Sinasabi mo ba ang pakikipaghiwalay ko kay Sarah?” Namangha si Shaun, ngunit nagkaroon ng poot sa mata niya.Hindi niya iniisip na may utang na loob siya kay Sarah. Kahit papaano, maraming pinaandar na panlilinlang ang magkapatid na Neeson sa likod ng mga eksena pagkatapos niya makipag-ayos kay Catherine noon.Nagbuntong hininga si Chester. “Hindi ako sigurado. Ang masasabi ko lang ay hindi mabuting tao si Thomas noong una pa lang. Ang tao na katulad niya ay tatanggapin lang ang pagtulong mo, ngunit kung hindi mo iyon gagawin, kamumuhian ka niya bilang kapalit.”“Sinadya niya gawin iyon.” Mabilis naintindihan ni Shaun. “Hindi madali para sa kanya na gawin iyon dahil natatakot siya na magalit kayo, kaya sinulsolan niya si Simon para gawin iyon.”“Sa tingin ko iyon din ang kaso. Nang drinoga niya si Freya noon, gusto siya turuan ng leksyon ni R
Hindi maipaliwanag ang itsura ni Wesley habang sinisimulan niya ang sasakyan. Habang nagmamaneho ay tinawagan niya si Regina. “Pumunta ka sa suite doon sa opisina. Hintayin mo ako.”Kailangan niya ng babae, dahil kung hindi ay hindi niya makakayanan ang galit na kanyang nararamdaman.Nang malapit na siyang makarating sa kumpanya ay muling nag-ring ang kanyang phone.“President Lyons, sinundan po kayo ni Logan.”Logan?Nagulat si Wesley. “Gaanong katagal na niya akong sinusundan?”“Simula po noong umalis kayo ng Hudson Corporation. Naging maingat po siya. Kung wala po kaming ipinadala upang bantayan sila ni Austin noong simula pa lamang ay hindi rin namin ito mapapansin.”“Sige.” Hinigpitan ni Wesley ang kanyang kapit sa kanyang phone, at pagkatapos ay natawa na lamang siya.Si Catherine lamang ang sinusunod ni Logan, kaya’t ibig sabihin lamang noon ay ipinapa-imbestigahan siya ng babae sa pamamagitan ni Logan.May suspetiya kaya ang babae sa kanya?Hindi niya maintindihan ang
“Sige, may kailangan pa akong gawin…”Napansin ni Catherine na naging tahimik nanaman ang kabilang linya, kaya’y binalak na niyang tapusin ang tawag.“Cathy…” Biglang tawag sa kanya ng lalaki. Rinig ni Catherine ang lalim ng paghinga nito. “Nakita… nakita mo ba ang lahat?”“...”Nabalot ng kahihiyan ang mukha ni Catherine. Masasabi niya bang hindi?“Iyon ba ang tinutukoy mo?” Matapos ang ilang sandali’y nahanap niya ang kanyang nawawalang boses. “Wala rin naman akong kinalaman doon.”Nawasak ang puso ni Shaun.Wala raw siyang kinalaman doon, napakalupit namang magsalita ng babae.“Tama ka.” Ngumiti na lamang ang lalaki dahil sa awa nito sa kanyang sarili. “Wala na akong karapatang maging bahagi pa ng mundo mo.”Laking gulat naman ni Catherine sa sinabi ng lalaki. Kung noo’y nagalit na ang lalaki sa puntong iyon. Nasaktan kaya siya sa katotohanang sa lugar na iyon pa siya napahamak?Sa katunayan ay gusto niyang tanungin ang lalaki kung paano siya humantong doon, subalit pinigi
“Okay naman na ang kondisyon ko, ngunit nitong mga nakaraang araw… napaisip ako na karamihan ng aking mga nawalang alaala ay ang mga araw na kasama ko ang dati kong asawa.“Palagi kong iniisip na hindi ko siya minahal noon. Ang tanging alaala ko sa kanya ay puro masasama, na kinamumuhian ko siya, ngunit nitong mga nakaraang araw ay unti-unting lumalabas ang mga ebidensya marahil ay minahal ko naman pala siya at iba pang mga bagay na may kinalaman sa kanya.”Pabulong na nagpatuloy si Shaun, “Ayaw na ayaw kong pumupunta sa mga katulad ng KFC noon, ngunit narinig ko mula sa isang kaibigan ko na sinamahan ko papunta sa isang KFC si Catherine noon. Marami rin akong inagrabyadong tao para sa kapakanan niya. Marmi rin akong ginastos para sa kanya, kasama na roon ang isang mamahaling diamond necklace.”Kumunot ang mga kilay ni Professor Lincoln. Malalim ang iniisip ng matanda. “Hindi mo lang talaga naaalala ang mga bagay na may kinalaman sa kanya?”“Hindi naman sa gano’n. May mga hindi rin
Namutla ang kaaya-ayang mukha ni Shaun. Mayroong nag-delete ng mga program sa kanyang utak?Tumawa lamang siya. “Imposible naman yata ‘yan, Professor Lincoln. Hindi ako robot…”Seryoso ang itsura ng matanda. “Hindi, hindi. Ang alam ko, mayroong sinaunang hypnotic skill ang Y country na ganyang ganyan ang ginagawa. Maaari nitong guluhin ang pakiramdam ng isang tao pati na rin ang kanyang mga alaala. Hindi rin siya napapansin ng taong iyon.”Naguluhan lamang lalo ang utak ni Shaun.Hypnosis?Mayroong nanggulo sa kanyang mga alaala at pakiramdam. “Ibig mo bang sabihin na maaaring ang babaeng minamahal ko ay ang asawa ko pala, ngunit mayroong nanggulo nito kaya akala ko’y ibang babae ang aking minamahal?”“Hula ko lamang iyon at hindi ko siya maikukumpirma.” Ani Professor Lincoln, “ngunit tugma ang mga nabanggit mong sintomas kanina sa mga nangyayari sa isang taong nahuhulog sa sinaunang hypnotic skill ng Y country. Bukod pa roon, palagay ko’y ang gumawa no’n sa’yo ay isang taong pin