Naintindihan agad ni Catherine. “Sinasabi mo ‘yan pagkatapos itapon ng mga member ng Liona si Liam doon, may ibang sasakyan ang dumating at kinuha si Liam?”Tumango si Logan. “Merong malaking posibilidad na may taong pinapanood ang Liona simula umpisa. Isa pang posibilidad na may internal member ng Liona ang nagpakalat ng impormasyon.”Nanginig ang puso ni Catherine.Ngunit, pagkatapos ito pag-isipan, sumang-ayon siya sa analysis ni Logan.“Sa totoo lang, hindi ako masyadong naniniwalang si Liam ang nagkalat ng dat ng Hill Corporation. Hindi siya ganoong tao. May suspetya akong may spy sa Liona at ‘yun din ang nagpakalat ng data.”“Isa pa, Liona ang pinaka pinagkakatiwalaan na organization ni Shaun. Nang magawa ang microchip, ang una niya sigurong ginawa ay hayaan ang importanteng miyembro ng Liona na bantayan ang laboratory. Hindi imposibleng manakaw ng taong iyon ang data at makahanap ng tamang oras para maframe si Liam.”Pagkatapos niyang sabihin iyon, tumingin si Logan ng may
”Ikaw nga ang responsable.” Tinitigan ni Old Master Hill si Shaun. “Dapat personal na naroon ka sa Hill Corporation. Kung hindi mo dinala sa ibang bansa si Catherine, hindi magkaakroon ng tyansa ang ibang tao na makapasok.”“Pero hindi rin namin masisisi lahat sa’yo. Tadhana talaga. Parehas kayo ng nanay mo. Parehas kayong nabulag at hindi alam kung paano pahalagahan ang dapat pahalagahan. Trinato siya nang maayos ng ama mo pero minaliit lang niya ito. Iniisip niyang mahal na mahal siya ni Mason.”Ama… Ang salitang iyon ay matagal nang hindi pamilyar si Shaun.Nakatulala siya ng saglit bago marinig ang sinabi ni Old Madam Hill, “Walang masamang balita tungkol sa ama mo ng 10 taon na. Umaasa akong nakapag-asawa na siya at may anak sa ibang bansa.”Pagkatapos niyang magsalita, isang black sedan ang dumating. Bumaba si Lea sa sasakyan. “Anong pinaguusapan niyo?”Prankang sinabi ni Old Madam Hill, “Pinaguusapan namin si Brennan.”Nagulat si Lea. Ang taong iyon ay matagal nang umali
Nagulat si Thomas, ngunit nasundan ito ng pagkasabik.“Magaling. Maraming taon ko na tinitiis ang ugali niya. P*cha, matagal na akong napupuno dito. Ngunit mabuting magkaibigan sina Young Master Snow at Shaun. Pahihirapan ba ako ni Young Master Snow pagkatapos?”Nagtago siya kamakailan lang at kakalabas niya lang dalawang araw ang nakalipas. Kapag ginalit niya ulit si Rodney, maaaring kailangan na niya talaga harapin ang kahihinatnan.“T*nga, kadalasan mayabang at makapangyarihan si Shaun, kaya maraming tao ito na naapi. Minsan, hindi kailangan na ikaw mismo ang gumawa. Igalaw mo lang ang labi mo, at likas na magkakaroon ng tao na tuturuan siya ng leksyon,” Paalala ni Sarah sa kanya.Mabilis itong naintindihan ni Thomas. “Okay. Naiintindihan ko.”Alam na alam niya kung sino sa buong Canberra ang may sama ng loob kay Shaun.Nagkaroon ng ideya si Thomas at pumindot ng numero. “Simon, nasaan ka ngayon?”… 11:00 p.m.Lasing na nag-iwan ng isang balumbon ng pera si Shaun bago pasu
”Ano… Ano ang gagawin mo?” Nanginig ang binti ni Simon sa takot. Ang kayabangan niya kanina ay wala na. “Eldest Young Lady Jones, pakiusap pakawalan mo ako. Nabulag ako. Hindi ko alam na may makapangyarihan ka na pinanggalingan noon. At saka, binali pa nga ni Shaun ang binti ko noon. Inabot ako ng ilang buwan na nakahiga sa kama para gumaling.”“Ngunit hindi iyan ang sinabi mo ngayon lang. Medyo mayabang ka pa nga.” Tinusok ni Catherine ang mukha niya gamit ang bakal at inosenteng ngumiti. “Sinabi mo pa nga…. na naaalala mo pa ang katawan ko hanggang ngayon. Kung ganon ang kaso, dapat ba sayawan kita muli?”“Huwag. Kinalimutan ko na iyon lahat.” Walang magawa si Simon. “Sister, Boss, hindi makitid ang pag-iisip mo, kaya pakiusap at huwag mo na ito palakihin pa.”“Hindi ko magagawa iyon. Dahil naaalala mo pa ang mga insidente tatlong taon na ang nakalipas, ibig sabihin makitid ka mag-isip na tao. Sino ang nakakaalam kung maghihiganti ka sa akin pagkatapos nito?”“Siguradong hindi ak
”Ngunit… magkakaproblema ba ako kay Chester?” Kinakabahan si Simon.Walang masabi si Catherine. “Naglakas loob ka gulpihin siya, ngunit natatakot ka magkaproblema? Hindi ba at sinabi mo na si Thomas ang nagsulsol sa iyo?”“Oo, oo, matalino ka.” Dahan-dahan sinabi ni Simon, “Kung gayon maaari na ako umalis ngayon?”“Umalis ka na. Siya nga pala, kung maglalakas loob ka na lokohin ako, mag-ingat ka dahil baka hanapin kita.” Tinamaan ni Catherine ang sahig gamit ang bakal.“Hindi ako maglalakas loob.” Nanginig si Simon. Pagkatapos ay kinuha niya ang mga tauhan niya at mabilis na umalis.Pagkatapos lang noon tsaka nagpunta si Catherine sa gilid ni Shaun. Ang lalaki na iyon ay nakahiga sa putik. Ang puting damit niya ay nakababad sa tubig na may putik, at ang gwapo niyang mukha ay puno ng sugat. Sa saglit na iyon, nakapikit ang mata niya, at mukha siyang walang buhay.Kung hindi dahil sa mga pamilyar na katangian sa mukha niya, magdadalawang isip si Catherine kung siya talaga si Shaun.
Nang tinulungan siya ni Catherine sa pantalon niya, nagulat siya ng napansin niya na ang parte ng katawan na iyon ay nakabalot sa gasa.Nilunok niya ang laway niya. Para bang nakadiskubre siya ng hindi kapanipaniwalang bagay.Bakit nakabalot sa gasa ang parte ng katawan na iyon. Posible kaya na ito ay… ‘di na magagamit?Hindi siya makapigil siyasatin ito nang may buong tapang, ngunit wala talaga itong reaksyon.Hindi naman siya ganito dati.Naging blangko ang utak niya ng ilang segundo bago siya sumingap. Bakit magiging lumpo ang parte na iyon ng walang dahilan?Ito kaya ang dahilan kung bakit siya nanghihina, lasing, at walang buhay?Ito ay naiintindihan naman. Para sa lalaki, malaking bagay ito, lalo na sa lalaki na tulad niya na inuuna ang kanyang pangangailangan.Hindi kataka-taka na bigla niyang sinabi na hindi na siya magpapakasal o magkakaroon ng anak sa susunod.Wala talagang ibang paraan para sa kanya makapag-asawa siya o magkaroon ng anak sa estado niya. Siya ay tiya
”Sigurado ka ba?” Malamig na sinabi ni Shaun, “Wala akong sama ng loob kay Thomas.”“Sigurado ka ba na wala?” Paalala sa kanya ni Chester.“Sinasabi mo ba ang pakikipaghiwalay ko kay Sarah?” Namangha si Shaun, ngunit nagkaroon ng poot sa mata niya.Hindi niya iniisip na may utang na loob siya kay Sarah. Kahit papaano, maraming pinaandar na panlilinlang ang magkapatid na Neeson sa likod ng mga eksena pagkatapos niya makipag-ayos kay Catherine noon.Nagbuntong hininga si Chester. “Hindi ako sigurado. Ang masasabi ko lang ay hindi mabuting tao si Thomas noong una pa lang. Ang tao na katulad niya ay tatanggapin lang ang pagtulong mo, ngunit kung hindi mo iyon gagawin, kamumuhian ka niya bilang kapalit.”“Sinadya niya gawin iyon.” Mabilis naintindihan ni Shaun. “Hindi madali para sa kanya na gawin iyon dahil natatakot siya na magalit kayo, kaya sinulsolan niya si Simon para gawin iyon.”“Sa tingin ko iyon din ang kaso. Nang drinoga niya si Freya noon, gusto siya turuan ng leksyon ni R
Hindi maipaliwanag ang itsura ni Wesley habang sinisimulan niya ang sasakyan. Habang nagmamaneho ay tinawagan niya si Regina. “Pumunta ka sa suite doon sa opisina. Hintayin mo ako.”Kailangan niya ng babae, dahil kung hindi ay hindi niya makakayanan ang galit na kanyang nararamdaman.Nang malapit na siyang makarating sa kumpanya ay muling nag-ring ang kanyang phone.“President Lyons, sinundan po kayo ni Logan.”Logan?Nagulat si Wesley. “Gaanong katagal na niya akong sinusundan?”“Simula po noong umalis kayo ng Hudson Corporation. Naging maingat po siya. Kung wala po kaming ipinadala upang bantayan sila ni Austin noong simula pa lamang ay hindi rin namin ito mapapansin.”“Sige.” Hinigpitan ni Wesley ang kanyang kapit sa kanyang phone, at pagkatapos ay natawa na lamang siya.Si Catherine lamang ang sinusunod ni Logan, kaya’t ibig sabihin lamang noon ay ipinapa-imbestigahan siya ng babae sa pamamagitan ni Logan.May suspetiya kaya ang babae sa kanya?Hindi niya maintindihan ang