”Hey, magsalita ka.”Ang kilos ni Shaun ay nagpabalisa kay Rodney. “Ngayon ay hindi oras para makaramdam ng kalungkutan. May kaso ka pa para i-dispute. Ang pamilyang Campos ay sadyang pinalaki ang usaping ito para makaakit ng atensyon ng publiko. Kung walang nangyari sayo sa detention center, hindi ka namin mabebail.” “Ang pulis ay pinagbabawalan kang umalis ng Canberra.” Nagbuntong hininga si Chester at sinabi, “Ano talagang nangyari kay Liam? Bakit bigla siyang nawala?”Sabi ni Rodney, “Posible bang si Liam at Mason ay sinusubukang magplano laban sayo? Maaaring si Liam, ay mahusay, na nagtatago.”Ipinikit ni Shaun ang mga mata niya, ang kanyang itim na pilik ay gumagawa ng anino na pagod sa ialim ng mga mata niya. “Hindi ako sigurado, pero may malalim akong kutob na ang usaping ito ay may kinalaman kay Mason. Anong itsura ni Mason?”Inalala ni Chester ang insidente. “Nang komprontahin ko siya sa istasyon ng pulis, mukha siyang galit, pero… wala akong nasense na kahit anong kalu
Nang tumitingin si Catherine sa mga suit ng lalaki, may tumapik sa kanya mula sa likod.Sumulpot si Freya sa tabi niya na nakangiti. “Mahigit isang buwan na. Tsk, kapag nawala mas minamahal talaga. Inaya mo rin ako lumabas.”“Okay. Gusto ko lang na tulungan mo ako pumili ng damit panlalaki.” Kinuha ni Catherine ang asul na damit at tinanong, “Paano kaya kung ito?”“Mukhang para sa binata ang damit. Kung hindi mo ito bibilhin para sa tatay mo, tiyak na para kay Wesley ito o kay Shaun,” Sumagot si Freya pagkatapos ito tignan.Bumagsak ang mukha ni Catherine. “Sa tingin mo bibilhin ko ito para kay Shaun? Kukunin ko ito para kay Wesley. Ginalit ko siya, kaya plano ko siya bilhan ng damit at humingi ng tawad. Ngunit hindi ko alam ang sukat niya. Hay.”“Kung gayon, huwag ka na mag-abala bumili ng damit. Kung para sa lalaki ito, dapat bumili ka na lang ng relo. Halika na. Tara na at pumili tayo ng magandang relo.”Sa ganon, hinila siya palabas ni Freya ng tindahan.Pinag-isipan ito ni
“Aunty Lea, masyado ka ba na-stress kamakailan lang? Mukha kang mas matanda kaysa dati.”Nagyayabang si Joanne habang tinatakpan ang bibig niya. “Ngunit naiintindihan naman iyon dahil sa kasalukuyang suliranin sa pamilyang Hill. Kung ako ay ikaw, mababalisa rin ako hanggang sa maging kulay abo na ang buhok ko.”“Kahit pa matanda na ako, mas malakas pa rin ako kaysa sa tao na katulad mo na nakikipagtalik sa lalaki na kasing edad ng tatay mo.” Mas makatuwiran at kalmado si Lea ngayon. Sa mas madaling salita, wala na siyang karapatan para maging malungkot o magalit.“Ikaw…” Nag-iba ang ekspresyon ni Joanne. Pagkatapos ay niyugyog niya si Mason at sinabi, “Hubby, kita mo. Tinatawag ka niyang matanda, ngunit sa tingin ko hindi naman. Mukha kang binata, parang nasa 30s ka lang.”“Ang galing mo mambola” Malanding pinisil ni Mason ang pisngi niya.Pakiramdam ni Lea ay susuka siya sa pagkakita sa interaksyon nila.Maaaring napanatili ni Mason ang maganda niyang pangangatawan sa mga nakali
Ipinagpalagay ni Catherine na aalisin ni Lea ang manor ng pamilyang Hill para sa auction. Gayon pa man, iyon ay… medyo imposible.Halos lahat ng bisita ngayong gabi ay pumunta para sa manor. Kung bigla ito tatanggalin, mawawalan ng kredibilidad ang organizer ng kaganapan at maaaring hindi na ito muli maka-ayos ng auction.Pagkatapos lang mawala sa paningin ni Catherine si Lea ay tsaka lang siya nagbanyo, habang abala ang pakiramdam.Nang lumiko si Catherine, bigla siya nakakita ng matangkad na lalaki na nakasandal sa pader habang naninigarilyo.Nabigla siya.Nagtataka syia kung gaano na katagal nakatayo ang lalaki na ito. Maaaring narinig niya ang pag-uusap sa pagitan nina Lea at Mason.Sa ganon, hindi niya maiwasan mapatingin sa lalaki.Sobrang tangkad ng lalaki, at may pangit na sugat sa pisngi niya. Kahit pa may suot ito na salamin, kitang ang mukha niya at kita ang matangos niyang ilong. Nakadamit ito ng itim na suit, nagbibigay ito ng ilusyon na siya ay nakakatakot.Mukhan
Mukhang hindi komportable ang host ng auction.Ito ang unang beses niya makaranas ng ganitong klaseng sitwasyon.Galit na galit si Freya na hinampas niya ang lamesa. “Lahat kayo ay makapangyarihan na pigura ng Australia. Wala ba kayong hiya? P*cha, kung kaya ko maglabas ng 50 billion dollars, nagbid na ako sa manor.”“Sino ba ang hindi gustong bumili sa manor? Sa totoo lang, maraming tao ang may gusto, ngunit napilitan sila makinig sa Campos Corporation,” Komplikadong sinabi ni Catherine.Isang tao mula sa labas ang nagsimula magbid muli. “40.2 billion dollars.”Pagkarinig sa boses, nag-iba ang ekspresyon ni Catherine. Maaari na hindi makilala ng iba ito, ngunit alam niya na ito ay boses ni Wesley dahil ilang taon na niya ito kilala.Hindi niya akalain na darating siya. Nakatanggap din ba siya ng babala mula pamilyang Campos?Kahit papaano, medyo dismayado si Catherine.Sa mata niya, si Wesley ay maginoo. Kinamumuhian niya si Shaun, ngunit hindi niya gagawing mas masama ang bag
Hindi maipagkakaila na napakalaki ng 150 bilyong dolyar.Binalaan ni Mason ang lahat na huwag nang itaas ang presyo. Kaya naman ngayong may naglakas-loob na tawagin ang kanilang pansin dahil sa napakalaking presyo ay malinaw na hinahamon niya ang Campos Corporation.Natulala ang host, ngunit agad naman nitong sinabi sa isang nasasabik na paraan, “150 billion dollars, going once, going twice… Sold.”Sa isang pribadong silid, makikita ang namamanghang si Freya. “Sino kaya ‘yung bigla na lang sumigaw? 150 bilyong dolyar? Sandali, kwentahin ko lang. Napakarami nu’n.”“Iyong presyong iyon… ay hindi lamang basta-bastang makukuha ninuman.” Laking gulat din ni Catherine. Biglang dumaan sa kanyang isip ang misteryosong lalaki na naninigarilyo kani-kanina lamang.“Hindi ba’t gusto pang ituloy ni Mason ang pag-bid?” Hingang malalim ni Freya. “‘Yun ba ‘yon?”“Kilala mo naman siya, mukha bang bigla na lamang siya maglalabas ng 100 bilyong dolyar?” Sa sandaling sinabi iyon ni Catherine ay mayr
Naunawaan agad ni Freya ang sinasabi ni Catherine. “Tumpak. Hindi ba’t disidido kayong harangan ako? Sige, tatawagin ko si Uncle Jason. Ipapaalala ko lang sa inyo na malapit na akong maging manugang ng mga Snow.”Agad na sumama ang loob ni Charlie.Malaki ang posibilidad na magmumula sa mga Snow ang susunod na prime minister. Kapag pinahamak nila si Jason na siyang sinusuyo nila ngayon, tiyak na malalagot sila.Muntikan nang makalimutan ni Charlie na maimpluwensya ang matalik na kaibigan ni Catherine.“Isang maling pagkakaintindihan lang ang lahat.” Agad na naging mabait ang itsura ni Charlie. “Gusto ko lang kasing malaman kung sino ang tumawag ng 50 bilyong dolyar.”Kinagat ni Freya ang kanyang labi. “Hindi rin naman naming planong bilhin ‘yon. Pakiramdam lang kasi naming isang kahihiyan sa mga maharlika ng Australia ang mga pamilyang patuloy na nagdadagdag ng isang daang dolyar sa bidding.”Napakalamig at nayayamot ang itsura ni Charlie, subalit kailangan niyang pigilan ang kan
Ni hindi nagkimkim ng galit si Mason kay Lea.“Nandito ka ba upang hanapin ang nakabili?” Pangungutya ni Mason. “Mula sa itsura mo’y mukhang handa kang ibenta pati ang iyong katawan upang pestehin ang nakabili. Sa kasamaang palad, matanda ka na at hindi pa gano’ng kaganda. ‘Wag mo nang bigyan pa ng kahihiyan ang iyong sarili, Lea.”Ngumisi lamang si Lea. “At dahil mas maaga kang nakarating, mukhang pepestehin mo rin ‘yung nakabili. Sa kasamaang palad, hindi siya interesado sa matandang katulad mo kahit na napakayaman niya.”“Mayaman ang asawa ko, kaya siya ang pinepeste ng iba.” Panunukso ni Joanne. “Isa pa, halata namang lalaki ang nag-bid para sa manor.”“Oo, lalaki nga, ngunit ‘di hamak namang mas mayaman at mas mabait siya kaysa sa inyo. 50 bilyon at 100 dolyar. Kung ano ang kinayaman mo, Mason Campos, siya namang kinakunat mo. Ako ang nahihiya para sa’yo sa pag-bi-bid mo nang ganoong kaliit.”Matapos magsalita ni Lea ay tumalikod siya upang lumakad palayo.Totoong nandidiri